Chapter 10: Eyes on Her

Start from the beginning
                                    

***

AT the end of the argument, sumama pa rin ako kay Kuya London para mamili ng mga gagamitin sa swimming. He just bought a new swimming trunks and khaki short. Hindi na daw siya magsa-sando because he want to show-off his muscle. Kapal talaga ng mukha.

"Kuya ang dami mong shorts na binili. Kuya, three days lang tayo sa Ilocos, huy. Doon ka na ba titira?" Reklamo ko. Ako kasi ay tanging summer hat and sunblock ang binili ko. Mamaya ay titingin kami sa shades at baka bumili rin ako.

"Alam mo, ikaw, kontrabida ka sa buhay ko." Reklamo ni Kuya London. "Kada-bibilihin ko ang dami mong sinasabi, si Mom ka ba?"

"Tapos by the end of the month, iiyak ka na naman kasi ubos na sahod mo." Umirap ako sa ere at naglakad na kami palabas noong stall matapos niyang mabayaran ang mga binili niya.

After kong bumili ng shades (na libre ni Kuya) ay pumunta kami sa gadgets side ng mall. You know what is the thing that I noticed? Kabi-kabila ang mga posyer at banner ng mga pro team mula sa Hunter Online.

"Sponsored ba sila ng mga brands na iyan?" Tanong ko kay Kuya habang nakatingin sa poster ng Black Dragon na may hawak na isang kilalang brand ng cellphone.

"Ah oo, putangina, lakas mag-promote ng cellphone mga naka-Apple naman silang lahat." Reklamo ni Kuya at natawa ako.

Tumingin na si Kuya ng Nerve Gear at ayon, lagas na naman ang kanyang sahod. In the next weeks paniguradong makikita ko na naman 'to na nakaluhod sa harap ni Kuya Brooklyn at nangungutang.

Kapag sahod, akala mo ay instant millionaire 'tong kapatid ko sa dami ng binibili, eh.

That is the reason why it's important to read books about saving money and attend webinars about successful young millionaires. Marami kang matututunan.

Pagkauwi naming dalawa ay naisipan kong mag-online. Dapat ay bandang alas-cuatro pa kami magkikita-kita nila Clyde pero nauna na ako sa pagkakataong ito. Busy din kasi sila Clyde sa kanya-kanya nilang ganap sa buhay.

PAGKA-ONLINE ko ay naglibot lang ako sa Silanya Town at minsan ay nakikipag-interact sa mga new players

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAGKA-ONLINE ko ay naglibot lang ako sa Silanya Town at minsan ay nakikipag-interact sa mga new players. Bumili din ako ng bagong set of clothes dahil na rin Level 10 na ako at marami ng available clothes for my level. (nag-level ako after namin matapos ang Ogre Raid and honestly, ang laki ng ibinigay nitong experience for us.)

"Ano ba 'yan, wala pa sila Synix," reklamo ko habang nakatambay ako mag-isa sa harap ng fountain sa plaza ng Silanya Town. Pinagmamasdan ko lang ang mga players na naglalakad sa paligid habang iniinom ko ang masara na Frappe na binili ko sa isang cafe sa may downtown.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now