Fetish

48 0 0
                                    


Ako si Damon, isa akong regular customer sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Ava. Para sakin, si Ava yung tipo ng babae na gugustuhin ng lahat ng mga lalaki, tahimik, maganda, at mayumi. Dalagang Pilipina kumbaga. Pero para sa iba, kabaliktaran ng pagtingin ko para kay Ava ang tingin ng mga tao sa kanya. Sa kabila ng maamo niyang mukha, ay kinatatakutan siya ng marami. Lalo na ng mga kalalakihan. Ang sabi nila, lahat daw ng umaakyat ng ligaw kay Ava, ay bigla na lamang nawawala at hindi na muling nakita pa. Ang sabi pa nila, kinakatay at ginagawang hapunan daw ni Ava ang mga lalaki kaya di na nakauwi ang mga ito.

Ganon pa man, hindi ako naniniwala sa kanila, mahigit tatlong taon ko nang nakikita si Ava rito. Sa tatlong taon na iyon, nung nakaraang taon lamang kami naging malapit sa isa’t-isa. Gabi-gabi ko siyang inihahatid sa bahay nila, o kaya naman ay dinadalhan ng ulam na niluto ko. Gustong-gusto ko siya. Pero di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Natatakot rin naman akong mahulog pa ang loob niya sa iba lalo’t nung nakaraang araw lamang, ay may umamin na naman ng pag-ibig sa kanya, sa kabila ng mga  paninira kay Ava.

Ang saya ko! Ang saya-saya ko! Inaya ako ni Ava na doon maghapunan sa bahay niya ngayong gabi! Ito na rin siguro ang pagkakataon para aminin sa kanya ang lahat. Walang pagsidlan ang kaligayahan ko!

Bitbit ang niluto kong ulam, nakatayo ako sa harap ng bahay ni Ava, ngunit bago pa man ako kumatok ay pinagbuksan na niya ako na tila ba alam niyang nasa labas na ako. “Pasok ka.” Wika ni Ava at agad ko namang iniabot sa kanya ang dala kong ulam na talaga namang pinaghirapan kong ihanda.

Hindi ko maipaliwanag ako kaba ko. Siguro dahil na rin sa excitement dahil sa wakas ay masasabi ko na rin sa kanya ang nararamdaman ko.

Pinagsilbihan ako ni Ava na para bang mag-asawa na kami. Pakiramdam ko ay may nararamdaman na rin siya para sa akin.

Hindi na ako mapakali, dahil na rin sa tahimik na paligid. Patuloy lang kaming dalawa sa pagkain. Ni isa sa amin ay tila walang balak magsalita. Kaya naman, naisipan kong magbukas ng paksang aming mapag uusapan. At dito ko na rin inamin sa kanya ang lahat.

“Mahal kita Ava. Mahal na mahal kita. Kahit ano gagawin ko mapasaya ka lamang.” Naglaho ang mga ngiti niya dahil sa sinabi ko. “Pero… Damon, matalik na kaibigan lang ang tingin ko sayo.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako kaagad na nakapagsalita dahil sa narinig. “Ang totoo kasi, kaya kita pinapunta rito sa bahay ay para sabihin sayo na kami na ni Angelo. Gusto kong icelebrate yun ng kasama ka kasi best friend kita.” Dagdag pa niya. Kaya naman, napaluha na lamang ako sa sakit.

“Si Angelo? Nung isang araw lang umamin sayo yun ah!?” Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya naman napagtaasan ko siya ng boses.

“Pero matagal ko siyang kilala, at matagal na rin akong may pagtingin sa kanya…” Pagpapaliwanag ni Ava na siya namang nagdulot ng lubos na galit at poot sa aking puso.

“Matapos nang lahat ng mga ginawa ko para sayo? Ganito lang ang gagawin mo sa akin?! Lahat ng mga lalaking nagbabalak ng masama sayo, binibigyan ko ng leksyon Ava! Si Angelo?! Pinagpustahan ka lang nila ng mga kaibigan niya! Nagdilim ang paningin ko! Kaya naman nararapat lang sa kanya yon! Tapos, ito lang gagawin mo sa akin?!” Galit na galit ako. Hindi ko matanggap na magagawa niya sa akin ‘to.

“A-a..anong ginawa mo?! Anong ginawa mo!?!!” Umiiyak si Ava habang sinusuntok niya ang aking dibdib. Ngunit hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga suntok at sampal niya, sapagkat wala nang mas sasakit pa sa ginawa niyang pagdurog sa puso ko!

“Pinatay ko at ginawa nating hapunan ngayong gabi. Kagaya ng mga naunang nanligaw sayo.” Kaswal kong sambit at unti-unting bumagsak si Ava sa sahig.

Inihiga ko si Ava sa kanyang kama, at doon ay nilinis ko ang kanyang katawan.

Napakaraming dugo ng kanyang damit, dahil sa sampung saksak na ginawa ko sa kanyang tagiliran. Gamit ang kutsilyong ipinangsaksak ko sa kanya, ay pinutol ko ang kanyang mga kamay, upang lagi ko itong mahawakan. Pinugot ko ang kanyang ulo, upang lagi kong mapagmasdan ang kanyang maamong mukha. Ang kanyang katawan ang siyang tanging maiiwan sa tahanang ito, bilang paalala sa akin na naririto pa ang aking pinakamamahal.

Fetish (One Shot Story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt