Chapter 36: Come back home

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gago 'yong si Ginno ah, hindi man lang nagsasabi. Hanggang sa huli pala sila pa rin ni Stacey," sambit ni Marky.

"Eh kayo nga kailan?" pangungulit ko pa.

Naubo na lang si Sabrina. "Madami pa kaming pangarap ni Marky kaya hindi muna namin iniisip ang kasal. Kung kami naman talaga, kami, hindi ba?" Nakangiting sabi ni Sabrina. "Isa pa, we don't need a wedding to be happy. Masaya na kami sa kung anong meron kami."

"Ang cute n'yong tingnan na dalawa," sambit ko. Huli ko na naisip na parang mali na nagtanong ako tungkol sa kasal. Pakiramdam ko naman hinihintay na lang ni Sabrina si Marky na mag-propose sa kaniya. Hindi ko lang alam kung anong nasa isip ni Marky ngayon. "Nag-text ba sa inyo si Jeydon?" tanong ko.

Nagkatinginan ulit silang dalawa. "Hindi," sabay pa nilang sagot.

Napatingin ako sa cellphone ko. Mula kaninag umaga hanggang ngayon wala pa ring text o tawag si Jeydon. Ayoko naman siyang tawagan kasi baka maistorbo ko siya. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Matutuwa pa naman 'yon kapag nalaman niyang tama ang kutob niya na lalaki nga ang baby namin.

Pagkaalis namin sa resto, dumiretso agad kami bilihan ng nga damit pang baby. Karamihan ng mga napili ko puro kulay blue. Natuwa pa nga ako ng may nakita akong Doraemon. Magugustuhan din kaya ni Dwayne si Doraemon katulad ng tatay niya?

"Bumili na rin kami ng damit para sa baby ni Stacey at Ginno, pero puro puti lang dahil wala lang gender," sambit ni Marky habang nakaupo kami. Sabay kaming napatingin kay Sabrina habang namimili siya ng mga damit.

"Ang ganda talaga ni Sabrina, 'no?" sambit ko.

"Yes, she's so beautiful." Tiningnan ko lang siya habang nakatingin siya kay Sab. Sabi nila kapag in love daw ang isang lalaki, makikita mo raw 'yon sa tingin niya. "She's just so innocent. Hindi ko nga alam kung paano siya nagkagusto sa isang gagong katulad ko."

"I can't question her. Nagkagusto din naman ako sa 'yo noon eh," sagot ko. "You're sweet, charming, and very thoughtful. Hindi ka naman mahirap mahalin eh."

"Pero bakit hindi mo ako nagawang mahalin noon?" Nagulat ako sa tanong ni Marky. "Curious lang naman."

"Throwback ba ito?" natatawa kong tanong. Napaisip ako. Bakit nga ba? "Pag mamay-ari na ni Jeydon ang puso ko ng mga panahon na 'yon kaya hindi ko na nabigay ang puso ko sa 'yo."

"Tingin mo kaya, si Sabrina kaya niya kayang ibigay ng buo sa 'kin 'yong puso niya?" malungkot niyang sabi.

"Oo naman. May problema ba?" tanong ko.

"I know she loves me, but she has her dreams. She wants to go to US to take her master's. Gusto niyang mabili 'yong coffee shop sa daddy niya. Gusto niyang may mapatunayan sa Daddy niya kasi until now hindi pa sila gano'n ka-okay. Ang dami niya pang gustong gawin kaya pakiramdam ko hindi pa siya handa para sa next level ng relasyon namin, which is getting married."

"What if she's just waiting for you to propose?"

"I don't know, ang hirap kasi pumasok sa buhay niya ngayon na madami pa siyang gustong gawin," frustrated niyang sabi. "I love her and I really want to marry her, but I don't want to stop her from fulfilling her dreams."

Hinawakan ko ang kamay niya. "You can fulfill her dreams together. The love you have for each other will make you both strong."

"I wish she really loves me to the point na papayag na siyang pakasalan ako."

"Ang babae, makikita mong in love by looking at how she smiles at you. Trust me. She loves you so much." Ngumiti ako at hinawakan ko muli ang kamay niya. "Alam ko. Sa lahat ng babaeng nakilala mo, sa kaniya ka lang naging sobrang seryoso."

"Minsan nga natatakot ako na baka sa lahat ng mga paglalaro na ginawa ko no'n, siya ang maging karma mo. Natatakot ako na baka ipagkait siya sa 'kin bigla dahil sa mga kasalanan ko noon."

"'Wag kang mag-isip ng ganyan. Madami ka na namang nagawang tama. Madami ka nang natulungan at alam ko na pinagsisisihan mo naman lahat ng 'yon, kaya alam ko napatawad ka na ng Diyos sa mga nagawa mo."

"Thank you, Candice."

"I'm happy for you, Marky. You've always been there for all of us, lalo na sa amin ni Jeydon. Simula pa lang tinulungan mo na kami hanggang ngayon. Masaya akong makita na you are now fulfilling your life." Hindi ko maiwasang maiyak. Siguro ganito talaga kapag buntis masyadong emosyonal.

"I will always be here for the both of you." Pinahid niya ang mga luha sa mata ko.

"May napili na ako!" sigaw ni Sabrina habang palalapit siya sa amin. "Tara na?" pag-aaya niya.

Nagkatinginan kami ni Marky at napangiti na lang kami. Sana natauhan siya sa mga sinabi ko. Ayokong palagpasin pa niya ang pagkakataon na to. Alam ko namang mahal nila ang isa't isa. Nakita 'yon ng dalawang mata ko. Malaki 'yong pinagbago ni Marky dahil kay Sabrina.

Pumunta na kami sa counter at binayaran namin 'yong mga napamili namin. Madami dami din siya pero hindi naman ako pinagbuhat nila Marky ng kahit ano. Masama daw kasi 'yon sa buntis. Kahit kailan hindi nila ako hinayaan na mahirapan.

Napahinto kami sandali no'ng makita namin si Tiffany at Tyler, pero mukhang nagtatalo silang dalawa. Umiiyak si Tiffany at mukhang galit si Tyler. Sinubukan kong lapitan sila pero pinigilan ako ni Marky. "Hayaan mo muna sila."

"Pero si Tiffany . . . mukhang kailangan niya ako," sambit ko.

"I think she needs to be alone," dagdag ni Sabrina. "Hayaan mo muna sila."

Unti-unting naglakad si Tiffany palayo kay Tyler at gano'n din si Tyler. Mukhang sobrang seryoso ng pag-aaway nila. Hindi ko maiwasan na mag-alala. Ano kayang pinagtalunan nila?

"Dadalhin lang muna namin 'yong mga gamit sa kotse. Dito ka lang muna. 'Wag kang aalis dito," sambit ni Marky. Tumango lang ako at hinayaan silang bumalik sa parking lot.

Napatingin na naman ako sa cellphone ko. Wala pa ring text si Jeydon. Malapit na akong maiyak sa inis. Simula no'ng mabuntis ako naging mababawa na ang luha ko at mabilis na akong mainis. Ano kayang problema ng lalaking 'yon? Hindi man lang siya nagpaparamdam sa 'kin. Excited pa naman akong sabihin na lalaki nga talaga ang anak namin.

"I hate you, Jeydon," bulong ko sa sarili ko. "Kailan ka ba magpaparamdam sa 'kin? I miss you so much . . . "

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko no'ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko agad ang pangalan ni Jeydon. Sinagot ko agad 'yon.

"Bakit ngayon ka lang tumawag?" naiinis kong sabi. Pakiramdam ko maiiyak na ako. "Kanina ko pa hinihintay 'yong tawag mo!"

"Why? Did you miss me?" masaya pa niyang sabi.

"Yeah! I'm serious! Bakit ka ba ganyan ha, Jeydon Lopez!" naiiyak kong sabi. "Bakit hindi mo man lang ako naisip na tawagan, ha? May iba ka na ba diyan, ha? Hindi mo na ba ako mahal, ha?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ko. Hindi ko na nga alam kung ano na 'yong mga nasasabi ko.

"Ssh.. asawa ko.. tahan na.. I'm sorry." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Malapit na akong umuwi."

"Kailan?" ,ahina kong tanong. Hindi niya ako sinagot at binaba na lang niya 'yong phone. Ano na naman kayang problema niya? "Humanda ka lang sa 'kin pag-uwi mo, Jeydon Lopez!" sigaw ko.

Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko mula sa likod. Sa amoy pa lang niya kilala ko na siya. Hindi pa man ako sigurado pero naiyak na ako. "Talaga? Anong gagawin mo sa 'kin?"

Humarap agad ako sa kaniya at niyakap ko siya. Naiyak na ulit ako pero hindi na sa inis pero sa saya na.

Masaya ako dahil nandito na ulit siya.

"I missed you, Mrs. Lopez."

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ako.

"I missed you too, Mr. Lopez."


The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon