Kung sa kanta pa ng 'The Script' ako ang Girl version ng 'The Man Who Can't Be Move'
Palaging umaasa sa '.. And if one day you wake up and find that you're missing me' that's like you're crying for the moon. Very.Very.Imposible.
Damn it!
Imagine a 16 year old girl confessing her love to a 20 year old boy. Then feeling na ginusto ka kuno pabalik, and after 6-7 consecutive days na fling biglang Poop! Naglaho, walang paalam, warning etc.
Kinginang yan!!!!
Yung kilig at expectations ko umabot sa 99.9% tapos biglang nag 0.0% lagapak on the ground ang put*
Kakagraduate ko pa ng highschool that time. Luckily! Di ako pinag-aral sa University na pinapasokan ni Enzo— yung nagpaasa sa akin, kaharap nun ang highschool kung saan ako dating nagaaral.
So, like what I've said earlier, Di ako pinagaral sa same university na pinapasokan ni Enzo kasi ayaw ko. Sa sobrang pagkaayaw ko di ko pa sinipot yung interview na pinagpilahan namin ni mama simula madaling araw hanggang alas dos ng hapon. Hindi po ako masamang anak! Sadyang nasaktan lang.
So! Ang nangyari, nagsinungaling akong di ako pumasa sa interview. Luckily! Ubusan na nang slots that time kaya bumenta kay mama.
Ayun! Sa eagerness kong makamove on, sa ibang school ako pumasok kahit pa mahihiwalay ako kila Athena at Cecile.
And yeah! Effective naman siya. Madalang ko na lang siyang maisip nitong huli. Mga 1-3 hours before matulog ang estimated time ko. Ganun!
I'm 18 years old right now, a 2nd year Psychology college student. Kung nagtataka kayo kung bakit Psychology and kinuha ko kung saan mas mukha pa akong pasyente kesa Psychiatrist. Lukaret. Baliw. Baliw sa kanya!
"Tanya"
Kunot noo akong lumingon kay Analie. Classmate ko sa major subject namin 7:00-8:00 pm
Kanina niya pa ako kinukulit na sumama sa double date kuno. May irereto nanaman daw siya kaya kailangan na kailangan kong sumama.
"kapag ito Analie di ko magustuhan" pagbabanta ko
"ayyy naku! Subukan mo nga lang" pagpupumilit niya habang tinatahak ang daan papunta sa Arcade. Nasa EK kami at trip nilang mag-Arcade kahit na ubusan nang ticket ngayon.
"ayusin mo ! Kung gusto mo pang bayaran ko yang utang ko sayo" pabibiro ko, well jokes are half meant for me hahahaha!
Nilingon niya ako at saka inismiran. Patuloy lang naming tinungo ang daan sa play station.
"Annn!" napalingon ako sa may photo booth kung saan nanggaling ang bosses, natanaw ko ang dalawang binatang nakasandal sa poste katabi ng standee ni Darna featuring Angel locsin. Maganda naman siya pero mas bet ko parin si Vilma Santos na nakita ko sa dyaryo noong 90's pa.
"Hi, ako nga pala si Yanelli, from Journalism Department" pormal niyang pagpapakilala at halatang napipilitan lang ding sumama. Panay ang tingin sa relo at sa paligid habang ang dalawang kasama namin ay nagpatiuna nang naglakad.
"uhhmm Hi, Celestania from Psychology Department" sagot ko. Tumango lamang siya. "Pinilit ka rin bang sumama?" tanong ko. We are now walking behind Analie and her boyfriend. Napalingon siya sa akin habang nakataas ang dalawang kilay. "i-i hope you don't mind me asking?" dagdag ko pa.
"Ganun ka ba?" ngisi niyang sagot.
Napahiya akong ngumiti sa kaniya at saka nagpatuloy sa paglalakad. "well, kinaladkad lang naman ako ni Prudencio. Di naman siguro pilit yun" sarkastikong sagot ni Yanelli. Napatanga akong nakatitig sa seryoso niyang mukha.
