"What? Bakit hindi mo ako hinintay sa faculty?" Napahimas ako sa aking sintido.

"Ayoko ng dumaan diyan, gutom na ako." pagdadahilan ko sa kaniya.

"Sayang naman, sabay sana tayo kina Ma'am Emmalyn sa canteen ng Engineering." Humangin ng malakas kaya naman isinikop ko ang aking buhok.

"I told you Jen, ayokong nagagawi doon."

"Bakit nga kasi?"

"Basta!"

"Ang sabihin mo kasi ayaw mo doon, kasi mas matatanaw mo iyong grandstand, ang kwento mo sa akin ay madalas kayo noon doon." Narinig ko ang paghagikgik niya.

"Pumunta ka na lang dito, tsaka may atraso ka pa sa akin, ibinigay mo iyong number ko kay Chelsea."

"Okay! Sorry na, ililibre nalang kita." Napa-ngisi ako sa sinabi niya.

"Mabuti pa nga," natatawa kong tugon bago tuluyang maputol ang tawag.

I never gave them a chance to hurt me, I never let myself to fall in love with him again. Mabilis na lumipas ang mga linggo, at sa bawat araw, wala siyang palya, parang wala siyang kapaguran. He's always asking me that he'll drive me home, but I always refusing. He's always overtime in his class, that's why when it's my time, he's still there. It pissed me off, tila ba ang mga ginagawa niya ay para sa akin talaga, upang maasar ako. Sa tingin ko ay gustong-gusto niya akong nahihirapan at nasasaktan, kahit na ako dapat ang nagpaparamdam sa kaniya nito, dahil siya ang mayroong nagawang mali sa akin.

Nilampasan ko lamang siya nang pumasok ako sa loob ng classroom at dumiretso sa nasa harapan na lamesa. Tumunog ang messenger tone ko, Jen send a picture, and when I opened it, I saw again a bouquet of flowers on my table.

"I forgot the book, sorry." Kumalabog ang puso ko, that familiar scent, the smell came from his hair gel, unti-unting yumu-yukom ang aking mga kamay na nakalagay sa aking likod.

"Okay lang, ang hindi okay ay ang palagi kang overtime," bulong ko, habang kunwaring ina-ayos ang flower vase na nasa gilid ng lamesa. I heard his chuckles. Muling tumunog ang messenger tone ko, at kaagad kong nakita ang panibagong picture na galing kay Jen, dahil nakalapag na lamang sa lamesa ang aking cellphone, kaagad ko iyong kinuha upang patayin, kasabay nang pagtama ng aming paningin ng lalaki na nasa aking harapan.

"You have a lot of suitor huh?" His lips form into a lop-sided grinned, ngunit ang kaniyang mga mata ay matalim ang tingin.

"Even it's a suitor or boyfriend, it's none of your business." Pinasadahan ko ng tingin kung nakatingin ba sa amin ang mga estudyante, at ng makitang hindi naman ay walang emosyon ko siyang muling nilingon.

"Hmm...Get a boyfriend then, but they just going to be a fling." Naningkit ang aking mga mata, napalunok ako ng bahagya siyang yumuko palapit sa akin.

"Let me tell you Juliana..." Tila kinurot ang puso ko sa pagbigkas niya sa aking pangalan.

"We didn't break up, samakatuwid, akin ka pa din." I felt that my knees trembling, my lips became half-open, ngunit nakabawi din ako kaagad. Sinalubong ko ang mga mata niya, ang parteng isa sa dahilan kung bakit ako nahulog noon sa kaniya.

"Nang araw na pinagtaksilan niyo ako, awtomatiko ng burado kayo sa buhay ko." I thought it's a guilt I'm going to see on his emotion but no, he just grinned at me, before going out in my class.

"Masama ba iyong pakiramdam mo Hulya? Bakit ang tamlay mo?" Napalingon ako sa malayo, nandito kami sa may canteen ng COED at nagme-meryenda.

"Hindi ko alam kung ano iyong gusto niyang mangyari."

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now