Flashback 

*ding-dong, diiiiiiiiiiiing-doooooooooooooooooong* 

"ASDFGHJKL. Sino ba yan?!" Natutulog ako dito kasi may pasok pa bukas. Ng biglang may nagdoorbell. Tss. 

Istorbo. 

Binuksan ko na yung pinto at medyo nagulat ako sa taong nagdoorbell. 

"Kuya Prince?" 

"Uy. Pwede tayong mag-usap? May hihingin lang sana akong favor sayo." Favor? 

"Ah. Anong favor? Pumasok ka muna Kuya." Pumasok siya at umupo muna kami sa living room ko. "Naks. Ganda na ng abandoned house na 'to ha." 

"Hahaha. Oo naman." 

"Anyways, ngayon na alis ko. Kaya manghihingi lang sana ako ng favor sayo." 

"Ah. Sige. Ano ba yun?" 

"Alagaan mo little sister ko ha? Alam ko, di pa naman kayo close. Pero feeling ko, good guy ka naman. Okay lang ba?" Eeeeeh? 

"Ay. Okay lang. Hehe..." 

"Atsaka, sana, ihatid-sundo mo rin siya. Maraming sira-ulo dyan e. Alam mo naman yung little sister ko, minsan, tinatamaan ng kadora-han. Gala ng gala." 

"HAHAHA. Natawa ako dun Kuya. Mukhang dora din yun e. Haha, sige, Okay lang." Nagsmile siya sakin at inabot yung kamay niya. Nagshake-hands kami. 

"Salamat, dude. Kelangan niya rin ng kaibigan e." 

"Wait, diba may bestfriend naman siya?" 

"Meron nga. Pero alam mo, nawala kasi sa kanya yung 2 pang importante sa buhay niya. Sinira nung dalawa yung tiwala niya." Importante? Wait. Naalala ko yung sinabi niya nung una kaming nagkita ha. Yung 

sinaktan siya nung... 

"Kasama ba dun yung first boyfriend niya?" 

"Ex-boyfriend. Gagu rin yun e. Pasalamat yung gagung yun at ngayon na alis ko papuntang Japan, kundi, bugbog-sarado sakin yun." 

"Ganun pala yun. Gets ko na." 

"Nga pala, kapag nagtanong si Eya kung bakit mo siya ihahatid-sundo, sabihin mo, blinackmail kita ha? Para maasar naman kapatid ko. Haha. Okay?" 

Patawa rin 'tong si Kuya Prince. Pero halata namang mahal niya kapatid niya. Nako, sige na papayag na ako. "Sige sige. Pero, gusto mo bang kumain bago ka umalis Kuya Prince?" 

"Ay. Wag na. Okay lang ako. Sige, aasahan kita ha, Bryan? Alis na ko. Bye!" At ayun, umalis na rin si 

Kuya. 

Naaawa ako ng onti kay Eya. Hayy. Mukhang kelangan kong gawin yung favor na yun. End of Flashback 

"Nasaan na ba yung babaeng yun?!" Nasa may tapat na ako ng school. Wala pa rin siya! Kainis. 

Pinark ko muna yung kotse ko sa may school grounds, paglabas ko, andaming nagtilian. Babae at lalaki. Srsly? 

"Syet si Bryan!" 

"Omg! Nagddrive na siya?! WOW!" "He's so hot!" 

"Gwapo na, may kotse pa! 

"Ganda ng kotse ni Bryan oh. Porsche?" 

"Oo nga, dude. Dapat maging kaibigan natin yan!" "Libreng sakay noh? Haha!" 

Wala akong panahon para sa kanila, hinanap ko na si Eya sa school grounds. May flag ceremony pa kaya natural, wala pa siya sa classroom. Mamaya ko na lang siya hanapin. Classmates naman kami, diba? Pero bakit nag-aalala na 

naman ako sa kanya? 

Di ko alam ha, pero, alam mo yung peripheral vision? Ng napatingin ako sa may right ko, ayun, nakita ko si Eya... Umiiyak. Anong nangyari? Tumakbo ako papunta sa kanya. 

"Eya." Umiiyak pa rin siya. 

Tumingin siya sakin. Pero namumugto pa rin yung mata niya. Ano bang nangyari dito? 

"B-bryan." Bigla niya akong niyakap. Ano bang nangyari sa kanya? Parang andami niyang problema? Pati ako, 

napayakap na rin sa kanya. Kahit marami ng taong nakatingin samin. Hayaan mo na sila, dapat damayan ko 'tong 

babaeng 'to. Feeling ko, andaming dinaramdam nito e.    Ayoko pa naman ng babaeng umiiyak. 

Daniella Alvarez, sino ka nga ba talaga?

x)Where stories live. Discover now