Chapter 1: Cinderella

7 2 2
                                    

Chapter 1: Cinderella

----
Nyx Alana's P.O.V:

"IKAW AY AKO AT AKO AY IKAW!"

"Wahhhhhhhhhhhhh!!!!"tili ko at sabay na napabalikwas ng bangon. Tumayo ako at humarap sa salamin na nakadikit sa dingding ng bahay. Kinapa ko ang pagmumukha ko simula sa ilong, lips, sa makapal at itim na itim na kilay, kinapa ko rin ang mag-iisang baranggay na pimples sa mukha ko, ang bigote at balbas kong patubo na at ang mala pancit canton kong buhok at ang unique identity kong bughaw na mga mata.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong taglay ko parin ang alindog ng kapangitan. Hays! Bigla akong napaisip! Sino kaya ang babaeng yun na nakita ko sa panaginip ko? Sinasabi niya pang ako siya eh magkaibang magkaiba kami. Exotic kaya ang beauty ko kaysa sa beauty niya.

Nag posing ako sa harap ng salamin na parang model. Sakit ulo pose, Pak! Sakit bewang pose! Oh Pak! Tangina! Para naman akong nag eendorse ng uling nito.

Napatingin akong muli sa repleksiyon ko sa salamin at sa mga sandaling iyon ay tila sinampal ako ng realidad na hinding hindi ako kailangan man gaganda pa.

"ALANAAAAAA!!!!"

Nagulat ako sa isang sigaw. Kasabay nito ay ang biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Napalunok ako nang makita si Lavinia na nanggagalaiti ang ilong sa galit hawak hawak ang pink floral dress niya. Heto na naman ang step sister kong kamag-anak ni Lucifer.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong labhan mo ang damit ko na 'to?"

"Oo nga, nilabhan ko nga kagabi gaya ng sabi mo."

"Eh, bakit basa pa 'to?"

"Ah...baka dahil nilabhan ko kaya basa pa."sarkastiko kong sabi.

Lumapit ako at kinuha ang damit na 'yon. "Akin na, at paplantsahin ko."

"Arghhh!!!"ngumuso siya na asar na asar. "Patuyuin mo 'yan kundi lagot ka talaga sa akin."banta niya saka tumalikod. "Arghhhh!!!"ginulo niya pa ang buhok niya sa saka padabog na umalis.

"ALANAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"

Isang sigaw na halos yumanig sa buong bahay. Napalunok ako ng sunod sunod at kasabay nito ay ang pagkabog ng dibdib ko.

*dug* *dug*

Napatingin ako sa orasan sa dingding at nakitang alas 7 na pala. Masyadong napasarap yata ang tulog ko dahil sa panaginip kong 'yon. Dapat ay alas singko palang ay gising na ako para ipaghanda ng makakain ang mga bruha dito sa bahay kundi katapusan ko na talaga.

And now, I'm doom!

Kaya naman ay halos madapa pa ako sa labis na pagtakbo palapit sa sigaw at halos mahulog pa ako sa hagdanan.

*dug* *dug*

Habol hininga akong tumigil sa kusina. Pagkarating ko ay siya ring pagtigil ng sigaw na 'yon. Humarap ako sa isang babaeng nasa 50's. May maikling buhok, manipis na mga kilay at wrinkled na mga mata. Kapansin pansin rin ang naglalakihang bilog niyang eerings.

"Stepmother..."

Walang emosyon akong tiningnan ng step mother kong si Luckrisha. Eto ang lalong nagpapakaba sa akin kapag nakikita ko siyang ganito. Mas nakakatakot kapag walang reaksiyon ang bruha na 'to dahil mas demonyo pa 'to sa lahat demonyo.

"Where's the breakfast?"taas ang kilay niyang tanong. She had this aura na tingnan ka palang ay parang matutunaw ka na.

Napalunok ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blue Eyed DivineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon