Chapter 6: The Kings Arrival

Beginne am Anfang
                                    

What a concern Kuya's! Hindi man lang tinanong kung pagod na ba ako or what. Naglalakad ako sa village pero maya-maya ay tatakbo na rin ako.

"Milan?" May narinig akong boses sa likod kung kaya't napalingon ako rito— si Clyde. He is wearing an Adidas top and short. Naka-headband din siya para hindi matakpan ang mata niya ng buhok niya.

"Oh, nagmo-morning jog ka rin pala?" Tanong ko sa kanya. Malapit kasi sa Village namin ang bahay nila Clyde pero hindi ako pumupunta sa kanila dahil nakakatamad lumabas.

"Lagi naman akong nagmo-morning jog dito sa Casa Buena. Sa 'yo ako nagulat, ngayon lang kitang nakita na mag-jogging." Natatawa niyang sabi habang patalikod na nagja-jog pero sinasabayan niya lang ang paglalakad ko.

"Napilit lang nila Kuya." Kung hindi naman talaga ako ginambala kanina ni Kuya London ay baka hanggang ngayon ay tulog pa rin ako. "Dito ka rin nagja-jog?" Tanong ko.

"Ah, oo, daming sasakyan sa labas kaya dito ako sa village ninyo nagja-jogging," itinaas baba niya ang kilay niya at napailing na lamang ako. Nagsimula na rin akong tumakbo at sinabayan ako ni Clyde. "Himala yata at nagpapa-sexy ka ngayon." He chuckled.

"Huwag mo akong simulan, ha! Umagang-umaga." Mabuti na lang talaga at si Clyde lang ang nandito dahil kung nandito din sina Trace at Tomy ay paniguradong magdamag akong tutuksuhin no'n. Si Clyde na ang pinakamatino sa Kulokoy Boys, eh. "Ay siya nga pala, tuloy na tayo sa pagpapa-level mamaya?"

"Oo, may quest sa may meatshop sa may downtown na bahagi ng Silanya na kung saan papatay ka ng Wild Boar," paliwanag niya sa akin. "Level 5-8 lang naman ang monster na iyon. We can reach level 8 easily sa quest na 'yon."

Pinunasan ko ang pawis ko. "Sige, excited na rin ako magpataas ng level agad para makapag-boss raid na tayo. Papasok yata sila Kuya sa dungeon mamayanh gabi, puwede tayong humingi ng information sa kanila para hindi tayo ganoon mahirapan."

"E 'di mas okay. Nagbabasa rin ako sa forum ng mga information na shine-share ng ibang players. Hindi ko nga lang alam kung legit ba ang lahat." He explained at napatango-tango ako. "So how is your gaming experience naman, Miss Genius?"

"Ayan na naman kayo sa Miss Genius ninyo na 'yan!" Sa barkada kasi ay ako lang ang nag-iisang grade conscious. Oo nagbabasa-basa ako kaunti para pumasa pero hindi naman umaabot sa point na nawawalan na ako ng social life.

Habang nagja-jog kami ay nakita namin sila Kuya sa bandang clubhouse na hinihintay ako. Nagulat pa nga yata sila noong kasama ko si Clyde, eh. Well, kasalanan nila dahil iniwan nila ako.

"Clyde," bati ni Kuya Brooklyn kay Clyde at nag-apir silang dalawa. "Ang bagal mo, Milan."

"Kuya, first time ko kaya mag-jog!" Reklamo ko.

"Isang ikot na lang tapos balik na tayo sa bahay. May pasok pa kami." Si Kuya London naman ang nagsalita. "Ikaw man, Clyde, sumabay ka na sa amin. Kain tayong lugar sa may kanto pagkatapos." Aya niya kay Clyde at sabay silang tumakbo ni Kuya Brooklyn

Sinabayan naman ako ni Kuya London na tumakbo. Simula noong nakita niya kaming magkasama ni Clyde ay hindi na nawala ang ngisi sa kanyang mukhang. "Kuya, umayos ka nga. Mukha kang siraulo sa ngiti mo."

"Anong masama sa ngiti ko? Masaya lang ako." Asar niya. Mabuti na nga lang na malayo si Kuya Brooklyn at Clyde, nakakahiya kay Clyde dahil nagkakalat pa ng tsismis 'tong kapatid ko.

"He just accidentally saw me kanina, okay—"

"Ba't ka nag-e-explain?" Sumama lalo ang timpla ng mukha ko at malakas na tumawa si Kuya. Buwisit talaga.

Sa tatlong magkakapatid talaga, 'yong gitna ang pinakabuwisit.

***

NATAPOS 'yong umaga ko na buwisit kay Kuya London. Mabuti na nga lang at nilibre niya ako ng LTB sa Gotohan kung kaya't nabawasan ang inis ko. Ganoon lang ang naging umaga namin at binilin sa akin ni Kuya Brooklyn na araw-araw na kaming magkakaroon ng morning jog na hindi ko talaga gusto na idea.

Hunter OnlineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt