Confession #1

4 0 0
                                    

Dear YOU,

      Paano mag move on? palagi kong tinatanong sa sarili ko yun. Yung gusto
ko naman pero ang hirap gawin. Hindi ko alam ang tagal naman na kasi 3 years na pero ako nasa gitna parin nang pagmomove on. Hindi naman ikaw yung unang boyfriend ko pero iniisip ko din kung ikaw ba yung first love ko. Alam mo naman yung kwento ko diba lahat nung naging nobyo ko iniwan ako. Naisip ko nga malas lang ako sa lalaki kasi yung mga nakikilala ko mga gago.

      Noong nakilala kita naisip ko ang swerte ko sayo. Ang bait mo. kuripot nga lang di ka gwapo pero cute ka naman tsaka sakin naman wala yun sa hitsura basta ba swak tayo okay na. Pero kasi i change kasi kailangan kung magadjust para sayo, sabi mo kasi ayaw mo nung clingy gusto mo yung pababayaan kang maglaro,kaya naging kontento ako. Kahit gusto kung kausapin ka . hinihintay ko nalang kung kelan ka pwede kapag nais mong maglaro pinapabayaan nalang din kita. Siguro kasi ako yung nagsubmit sa relasyon . So siguro nga ako yung naunang nabaliw sayo. Alam mo yung kampante ako na kahit magkalayo tayo alam kong okay tayo na hindi naman tayo nag aaway so okay lang. Na nag uusap namanbtayo nag chachat ka naman so okay lang. Nag sasabi ka naman na mahal mo ko pero yun nga lang habang tumatagal pala plastikan na lang. Na ginawanmo na lang kasi parang obligado kang gawin. Alam ko naman na yung feeling nang iniiwan kasi nga lage naman akong iniiwan. Yung tipong attach ka na tas bigla ka nalang iiwanan.

Alam mo okay naman sakin kung sinabi mong wala na eh, na wala na. wal ka nang nararamdaman pa pero kasi yung di ko matanggap eh yung pinatagal mo pa at hinyaan mong ako ang makakita na nagloloko ka. Hindi ko maintindihan din akobyung naluko. Hindi ako yung nagluko pero ako pa yung lumabas na may kasalanan kaya ka nagluko. Alam mo yung tipong ginawa ko naman lahat para sayo pero wala lang din pala ganun lang din mang iiwan ka sa ere at manloloko pa. Siguro kung sinabi mo nang mas maaga siguro hindi ganito kahirap mag move on three years na pero ako heto nasa gitna parin nang proseso nang pagmomove on. Habang ikaw siguro masaya. Ay oo nga pala masaya ka na.. Alam mo bang sa 3 years minsan iniistalk kita? Siguro kung nalaman mo sasabihin mong creepy ako . Masaya naman ako pero hindi ko alam kung kaya ko bang maging masaya para sayo. Kasi dati tayo yung nangarap nang ganun pero iba na yung kasama mo sa mga pangarap na yun. Pinaubaya naman kita sa kanya na kasi alam ko naman nang wala na akong magagawa. Mahirap naman yung kakapit pa ako kung ikaw mosmo sumuko na. Hindi ko rin naman nakakalimutannyung sinabi mo nabayaw mong lukujin siya kaya ayaw mo nang communication sa ex mo na ako nga. Buti pa siya ano naisip mong di mo lolokohinnpero ako siguro ka loko loko ,,,... Hay 3 yrs na pero yung pait ng kahapon yung sugat nang kahapon na pinaranas mo dinparin naghihilom. Hindi naman na masakit pero hindi konparin alam kung nakamove on naba ako o hindi ang galing lang din ... Congrats pala bumuo ka na nang pamilya kasama siya pero ako heto .....hindi ko parin alam kung kailan ko mabubuo yung napiraso mo. Pero still hanggang ngayon kahit di pa buo iniisip ko parin kung bakit mo nagawa yun..? Iniisip ko nalang din na siguro kaya nasaktan ako nang sobra kaya hirap akong mag move on kahit tatlongbtaon nang nakalipas siguro kasi ikaw yung first heartaches ko,siguro din ikaw yung first love ko. Diba sabi nila First love never dies. Siguro totoo mananatili kang espesyal sa puso kahit pa man dinurog mo na ito. mananatili kang may parte sa puso ko.


Sincerely,
Akong Nagpaubaya
  

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Dec 01, 2020 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Confession of a Broken heartedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu