15

1.5K 16 1
                                    

KEISHA'S POV

"Umuwi na ang Daddy niya." Sabi ko na ikinakunot ng noo Khalil.

"Nino?" Nagtatakang tanong niya.

Akala ko naman lahat ay alam na niya.

"H-hindi mo pa alam?"

"Fuck, Keisha. Anong pang hindi ko alam?"

Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin kaya napairap nalang ako.

"Hoy! Baka naman hindi ako makahinga!" Pagrereklamo ko.

"E baka mahulog ako! Maliit lang ang sofa ko rito!" Aniya kaya napairap ako.

"Pagod na pagod ako kaya matutulog na muna ako." Sabi ko pero bigla niya akong binugahan ng kaniyang hininga sa aking mukha.

"Magkwento ka na, babe."

"Ganito kasi iyon. Alam mo namang narito ako sa Pinas dahil pinapahanap ni Mommy sa akin ang ex niya 'di ba? At alam mo ring gusto ng magpakamatay ni Mommy kaya pinangakuan ko siya?" Tanong ko kaya napatango siya.

"Then?"

"A-ang hinahanap ko na ex ni Mommy ay ang Daddy ni Jayshie." Sagot ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"K-kaya ka niya naging secretary?" Wala sa sariling tanong niya.

"O-oo..." sagot ko naman na ikinaigting ng kaniyang panga.

"E anong sinabi mo no'ng in-interview ka?"

"S-sabi ko wala na akong parents at m-mahirap l-lang din ako."

"Fuck, Keisha! Bakit mo ginanon si Jayshie?! Para lang matulungan mo ang Mommy mo sa Daddy niya?!" Galit na sigaw niya saka tumayo.

"P-pero... Alam mo naman ang kalagayan ni Mommy, 'di ba? 'Yun nalang ang magagawa ko para sa kaniya." Sagot ko pero napangisi lang siya ng sarkastiko.

"Keisha! Ano bang nangyayari sa iyo?! Sa inyo?!"

Puro sigaw. Nakakarindi.

"Ano ba?! Kanina mo pa ako sinisigawan ha!" Galit ding sigaw ko. Nakakarami na itong lalaki na ito.

"Keisha!" Sigaw niya ulit. "Fucking wake up! Ginamit ninyo si Jayshie. Pinaka una kang babae na minahal nung kaibigan ko."

"Anong gusto mong gawin ko, ha, Jayshie? Gusto mong hayaan ko nalang ang Mommy ko na magpakamatay na wala man lang akong nagawa?" Sambit ko saka mariing napapikit.

"Keisha, niloloko mo si Jayshie."

"Sa tingin mo ba ginusto kong lokohin si Jayshie? Nandito na ang Dad niya sa Pilipinas, Khal. Ang tagal kong hinintay ito."

"Sige, Keisha. Bahala ka. Alam kong mahal mo na rin si Jayshie pero indenial ka lang."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag namatay si Mommy ng wala man lang akong nagawa, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko. Narito na ang Daddy ni Jayshie, kailangan ko siyang kausapin para magkausap sila ni Mommy.

Bakit ba hindi ako maintindihan ni Khalil? Halos sabay na kaming lumaki kaya alam na alam niya kung ano ang mga dinanas ko. Halos sa bahay na nga ng Lolo nila ako tumira dahil hindi ko kinakaya ang pamilyang mayroon ako.

Do he think life been easy to me?

Tangina... Hinding-hindi naging madali ang lahat. Being a product of two people who don't love each other is not easy. Ako ba ang nakipag s*x sa hindi ko naman mahal? Bakit ako naghihirap? Ang malala pa, bakit pa nila ako binuhay kung hindi nila ipslaparamdam ang isang pamilya? Kahit broken family nga, okay na sa akin, basta't walang away. Ayaw ko sa sigawan at sakitan... Sino nga ba naman ang may gusto no'n?

Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa couch, nagising lang ako ng mahina akong yugyugin ni Khalil.

"Kakain na," anyaya niya.

Imbis na sagutin pa siya, pumunta nalang ako kaagad sa dinning area rito sa bahay niya saka ako umupo sa upuan.

Nagluto siya ng kaldireta kaya pasimple akong napangisi. Kahit ano kasing lutuin ni Khalil ay masarap, parang si boss lang rin.

Damn, Kei.

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterWhere stories live. Discover now