"You're talking nonsense—-"











"Nonsense? Ngayong alam na niya ang bahay mo, paano kung bumulaga na lang yan isang araw dito hah? Problema na naman Ken Chan!" iritang sabi ko dito at napaupo ako sa kama at hinilot hilot ang sentido ko.










"Don't worry, nakausap ko na yung head security ng Village, they will inform us if dumating si Rebecca sa village at hindi nila agad papapasukin kung walang consent natin.."









"Talaga? Kinausap mo yung head security?"









"Oo nga! Para na rin sa safety ni Oslo.." Mabuti naman at naiisip niya na ang safety ni Oslo ngayon. Masyado kasing babaero at yung babae na yung gumagawa ng paraan makita lang ang walanghiya.. Hay naku!












"Kunin mo nga yung tsinelas ko sa labas at isuot mo sa paa ko.." utos ko kay Ken Chan at ang sama ng tingin nito sa akin..









"At bakit ko naman gagawin iyon?"











"Hoy Ken! Baka nakakalimutan mong may usapan tayo kanina! Hindi ko pinalayas yang Kliyente mo, kapalit ng pagsunod mo sa mga inuutos ko!"











"Hindi ko naman nakakalimutan iyon Rita. Pero ikaw yata ang nakalimot.. Ang sabi ko kanina ay mag behave ka lang at kapag hindi ka nag behave ay ikaw ang gagawa ng lahat ng kundisyon mo.. Eh binasag mo yung pot, so hindi ka nag behave... from now on, ikaw ang gagawa ng lahat ng iuutos ko."











"Hoy! Teka— Hindi! Ang sama mo talaga Ken Chan!!!" inis na sigaw ko dito..













"Bakit? Sino bang nakaisip ng kundisyon na iyon hah?"













"Ako!"













"So sinong masama?"











"Ako?"











"Oh. Alam mo naman pala. So mula ngayon, hindi na ako gagastos ng pagpapa laundry ko at plantsa dahil ikaw na ang gagawa nung lahat!"








"Hindi!!!"













"Yes.. Gagawin mo!" nakangiting sabi nito.











"Bahala ka sa Rebecca mo! Gawin mo yung project niyang mag isa mo!" inis na sabi ko dito sabay tayo para lumabas ng pinto pero naka-lock parin pala..











"Hindi ka pwedeng tumanggi sa boss mo..." paalala nito sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.













"A-araaaay!! Rita!!!" tinadyakan ko lang naman ang binti niya tsaka ko binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto ko.. Ang aga-agang nasisira ang araw ko at dahil yun sa Rebecca na iyon. Isa pa tong Tsinoy na to! Grrrr..



































Kakatapos ko lang magluto ng dinner at napatulog ko na din si Oslo sa crib nito... Ang sarap ng higa ko sa couch dito sa sala ng dumating si Ken kasama si Attorney Feliciano..






"Hi Dear Rita! Magandang gabi!" nakangiting bati ni Attorney..








"Magandang gabi Attorney!" nakangiting sagot ko dito.. Pero nawala ang ngiti ko ng maalalang baka makita nito si Oslo. Or alam na niyang may bata dito sa bahay?







My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon