12

1.6K 17 1
                                    

KEISHA'S POV

"What you doing?" Tanong ni boss saka tumabi sa akin sa kama namin.

"Wala naman... Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Gusto ko ng umuwi."

"Gusto mo na ba talagang umuwi?" Walang emosyong tanong niya.

Damn... Makakauwi na rin ako.

"Oo, nakakinip kasi dito." Sabi ko naman. "Kapag nasa Manila tayo, ang dami nating nagagawa at napupuntahan."

"Kailan mo gustong umuwi?" Tanong niya kaya sandali akong napaisip.

"Ikaw nalang ang bahala."

"Bukas, uuwi na tayo. Lalabas muna ako para makapag hanap ng signal." Aniya kaya pasimple akong napangiti.

"Sinong tatawagan mo?" Tanong ko pa kaya napabaling na naman siya sa akin.

"Si Keann. Sa kaniya tayo magpapasundo." Tugon naman niya saka ako hinalikan sa aking noo bago lumabas.

Ang tagal bumalik ni Jayshie kaya tinawagan ko nalang ulit sa messenger si Khalil. Buti may wifi at signal ngayon.

Napangiti ako ng makitang tumatawag si Khalil sa akin. Sakto pa talaga ha.

"Babe!" Malakas na sigaw niya kaya napaawang ang labi ko.

"W-why?" Kinakabahang tanong ko.

"Bakit hindi mo sinabing nagtatrabaho ka pala kay Jayshie?! Fuck..."

"B-bakit ba?"

"Alam mo bang may kinababaliwang babae si Jayshie ngayon? Seryoso siya sa babaeng iyon." Aniya. "At sino sa tingin mo iyon?"

"S-sino?" Utal na tanong ko.

"Ikaw! Si Keann na mismo ang nagsabi. Fuck, Keisha! Anong pinasok mo?!" Inis na wika niya na ikinaluha ko.

"I-I'm sorry..." Bulong ko at saka pinahid ang luha kong lumandas sa aking mga pisngi.

"Let's talk when you came back to Mana. Huwag na huwag mong hahayaan na magalaw ka niya." Mariing aniya saka ako pinatayan.

'Huwag na huwag mong hahayaan na magalaw ka niya.' 'Yan ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.

Magalaw? Damn... Huli na ang lahat.

Ang tanga ko! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ako mismo ang nagsimulang... Fuck! Ayoko na.

JAYSHIE'S POV

"Hoy, agahan mo bukas ha?" Bilin ko kay Keann.

"Oo na! Paulit-ulit!" Iritadong sabi nito kaya napangisi ako.

"Keisha don't want to stay here, bored na bored na." Sagot ko kaya natahimik sandali ang nasa kabilang linya.

"Damn, buddy... You really love her, huh?" Natatawang aniya kaya natawa na rin ako.

"Alam mo kung gaano ako katagal nagtiis then here na, Keann. Heto na kami. We're more than boss and secretary now."

Damn. I can't stop sming whenever I remember her.

"Support kita diyan, bud."

Ang cringe, Keann.

"Ano kayang ganap sa amin nito sa Maynila?" Wala sa sariling tanong ko.

"E 'di gapangin mo nalang ng gapangin." Sagot niya kaya pinagmumura ko siya.

"Hey, fucking Keann! Are you really my fucking cousin?!"

"Bud, easy ka lang."

"Kaya walang tumatagal sa iyo."

He laughed. May hindi ako nalalaman sa tarantradong ito.

"Malapit na, bro, ipapakilala ko kaagad siya sa iyo."

"Gago! Ang dami mo ng ipinakilala sa akin. Ni isa ay walang tumagal. Gasgas na ang salita mong 'seryoso na ako rito'." Sambit ko kaya natahimik  ang nasa kabilang linya.

"Bahala ka." Biglang aniya kaya napaawang ang mga labi ko.

Seryoso nga siya?

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterWhere stories live. Discover now