11

2.7K 14 1
                                    

KEISHA'S POV

Nagising ako kinabukasan ng may maamoy akong mabango— pagkain iyon. Mabilis akong naglakad pababa mula sa kwarto namin ni boss.

Oo, tabi na kami lagi sa kama.

"Gising ka na pala, maluluto na ito." Aniya kaya lumapit ako sa kaniya saka tinignan kung anong niluluto niya.

"M-marunong kang magluto ng menudo?" Tanong ko.

Akala ko ba walang perfect na tao? E ano si Jay?

"Oo naman," aniya saka ako hinalikan sa aking noo. "Umupo ka na muna roon, maluluto na rin ito."

"May sinaing na ba tayo?" Tanong ko naman para may maitulong ako.

"Oo," sagot niya kaya natigilan ako.

"A-ano na bang oras?" Nahihiyang tanong ko. Wala man lang akong naitulong.

"It's already eleven-sixteen am." Tugon niya. "Alam ko iyang tumatakbo sa isip mo. 'Wag ka ng mag-alala dahil ako ang may gusto nito." Sabi niya kaya napangiti ako saka siya bahagyang hinalikan siya.

"Ano nga ba talaga? Ikaw ang boss dito o ako?" Natatawang tanong ko kaya natawa rin siya.

"Ikaw ang boss ko e." t
Tugon niya kaya napanguso nalanga ako.

"Maluluto na ba iyan? Maghahain na ako."

"Sige, maghain ka na." Sabi niya kaya kumuha na ako ng plato namin saka nagsandok ng kanin. 

Mas pinahihirapan ko lang ba siya? Pero ayaw ko siyang masaktan. Ang hirap naman. Tatawagan ko nalang si Khalil mamaya, baka sakaling makatulong 'yung gagong iyon. Kaibigan din siya ni boss pero alam kong wala naman siyang sinasabi kay boss tungkol sa nararamdaman ko. Bestfriend kami no'n no.

"Let's eat!" Masayang sambit ni boss habang bitbit ang mangko na may lamang menudo.

Nilagyan ko kaagad ng ulam at kanin si boss. Nakakahiya naman. Siya na lahat ang gumawa.

"Kumain ka na rin."

"Amh..." Paano ko ba ito sisimulan? Sasabihin ko na ba '
ito?

"What?"

"Amh... N-nothing." Sagot ko saka nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Nang matapos kaming kumain ay hinayaan niyang ako nalang ang magligpit. Siya naman ay may mga kausap sa laptop niya, baka mga business partner. 

Nang matapos na akong maglinis ng pinagkainan namin ay umakyat na kaagad  ako sa kwarto namin para tawagan si Khalil.

[Why, babe?] Malambing na tanong ni Khalil ng sagutin niya ang tawag ko kaya napangisi ako.

"Amh... Kaibigan mo si Jayshie 'di ba?"

[Yeah. Why?]

"N-nagkajowa na ba iyon?" Nahihiyang tanong ko.

[Hindi pa yata. I am not sure.] Hindi siguradong sagot niya kaya napabuntong hininga ako.

"Ah sige, Khal. Bye!" wika ko at astang bababaan na siya ng magsalita pa siya ulit.

[Wait! Bakit mo natanong?] Curious na tanong niya.

"Basta!" Sabi ko saka siya binabaan. Mamaya kung ano-ano na naman tanungin sa akin no'n e!

"Keisha..." Boses iyon ni Jayshie kaya mabilis kong itinago ang cellphone ko.

"Why?" Nakangiting tanong ko.

Shit lang, parang niloloko ko na siya.

I am sorry, Jayshie.

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterOnde histórias criam vida. Descubra agora