"Aba. Maayos naman palang magtupi ng kumot.. Hmmm.." umupo ako sa kama nito..










"Binili ko itong kama na ito base sa taste ko. At hindi ko alam na ikaw pala ang makakahiga dito. Hmp. Ito dapat ang magiging kwarto ni Mommy at Daddy pag binisita nila ako sa Manila pero sayo na napunta. Masyado kang maswerte Ken Chan.." bulong ko sa sarili habang dinadama ko ang lambot ng kama nito.. Saglit akong humiga sa kama. Kinuha ko ang unan nito at inamoy..









"Infairness! Mabango hah!" nakangiting sabi ko.. Tumayo na ako tsaka ako nagsimulang mag vacuum.. Habang nagvavacuum ako ay tumungo ako sa side table at na curious ako sa drawer.. Hindi kasi ito nakasarado kaya sinilip ko ang laman nun..











Madiin akong napapikit at napailing..









"Sabi ko nga, bakit ko pa sinilip.. Tss.." masasabi kong kwarto nga ito ng lalaki.. Condoms sa drawer, may condoms din sa closet, pagpasok ko sa CR ay meron din sa gilid ng lagayan niya ng toothbrush.










"Oo na nga Ken Chan! Ikaw na safe at protected! Hmp!"










Hindi ko pa tinu-turn off yung Vacuum ng hawiin ko ang kurtina dito sa kwarto niya. Nasilaw ako sa tindi ng liwanag ng sikat ng araw. Itong room na ito ang isa sa pinakamagandang space sa buong bahay dahil direct ang sunlight sa kwartong ito. Na para bang bawat paggising mo ay ma-iinspired kang bumangon para salubungin ang bagong umaga. Ganoon ko inimagine ang kwarto na ito noong inaayos pa ang interior nito. Ewan ko lang sa Tsinoy na natutulog dito. Baka lagi lang nakalaglag ang kurtina para hindi siya maarawan.. Tsss..























Ken's POV


Maaliwalas ang umaga. Nagpasya akong umupo sa labas ng bahay. Dala-dala ko ang hindi ko pa nauubos na kape. Ayokong dalhin ang trabaho ko dito sa bahay kaya nag-iisip ako ng pwedeng gawin sa dalawang araw na off ko. Napatingin ako sa balcoy ng bahay nila Lola sa kabilang bahay. Ang sabi ni Rita ay nandodoon si Oslo. Gising na kaya iyon? Or natutulog? O baka naman umiiyak ngayon.





Napangiti ako habang naaalala ko ang mukha ni Oslo. Mukha naman itong mabait na bata. Naawa ako dito at hanggang ngayon ay nangungulila parin ito sa magulang..






Napatingin ako sa gate ng may mag doorbell dito. Napatayo ako at pumasok sa bahay para tanungin si Rita kung may inaasahan ba siyang bisita.












"Rita, may bisita ka ba ngayon?? Rita!!" wala akong narinig na sagot mula dito. Hindi na ako nagpasya pang pasukin ito sa kwarto ko dahil baka busy sa paglilinis. Ako na ang lumabas para buksan ang gate..

















"Rebecca?? A-anong ginagawa mo dito? Papaano mo nalamang dito ako nakatira?" gulat na tanong ko dito..







"Well, nag research ako about sayo and.. May mga ilang nakapagsabi lang naman na dito ang address mo— Hmmm.. So this is your house hah. Mukha itong old but classic. Ang cute!" nakangiting sabi nito.. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba ito dahil hindi niya pwedeng makita si Rita dito. Pero magiging bastos naman ako sa client ng kumpanya kung hinid ko ito papapasukin. Shit. Gulo ito. Nagsisimula na akong kabahan ng sumilip-silip ito..









"Ah. Come in!" sabi ko dito at mas lalong lumaki ang ngiti nito ng binuksan ko ng malaki ng gate at pinapasok siya..











My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now