Prologue......
Perpekto ang mundo ang tao lang ang hindi naging perpekto
Hindi ko alam kung san ko sisimulan. Natatawa ako ngayon habang nakikita ang ibang magulang na inaalagaan ang kanilang mga anak. Ni minsan na hindi ko manlang naranasan ang mabuhay ng kasama ang magulang. Pinanganak nga yata akong malas sa buhay.
"Hoy teh,ano nanaman ba yang iniisip mo"inis na tanong ni meyah ng makalapit sa tabe ko
"Mmm... wala naman"seryosong sabi ko kahit sa isip isip ko maraming nabubuong tanong tungkol sa kung ano nga bang papel ko sa Mundo
"Sa itsura mong yan maloloko mo pa ba ako?! Hala sige na heto na ang pagkain mo"iniabot nya Yung tray na dala nya
"Libre mo ba sakin to?? "nakangiti kong tanong
"Hala ang kapal naman ng muka mo. O sige libre na nga. Basta libre mo ko ng----"pinatul ko na sasabihin nya dahil Alam ko na ang kasunod
"Ako na magbabayad neto"wala kong ganang sabe
Patapos na kame kumain ng may naghiyawan sa entrance ng canteen. Sinulyapan ni meyah yung sa may entrance habang ako sige lang ng kain
"Woiii Aya!!! Tingnan mo yun. Sobrang gwapo talaga nila no?"turo nya don sa entrance. Sinulyapan ko naman
Ano namang meron jan sa mga yan?! Andame naman nilang fans nakakadagdag ingay sa tenga
"What?!"inis na tingin sakin ni meyah. Ano bang problema nito "Look Aya hindi ka ba naaastigan sa kanila"
Hindi naman ako interisado sa kanila kaya bakit pako maaastigan diba
"Mmm tao parin naman sila. Tao parin naman ako. Yon nga lang mas astig ako sa paningin ko"walang emosyon Kong sagot
"Bilib narin naman ako sayo"natatawang sabe nya "Ang taas ng pangarap mo"
Tinitigan ko sya ng masama. Ano bang problema nitong babaeng to
"Ok ok hahaha I'll support you hwaaaa"tawa nyang malakas
"Kumain ka na nga lang"inis na sabe kong nakatingin sakanya
"Waaaahhhhhh"
"Oh my god ang gwapo gwapo Mo Nathan"
"I wish I'm your girlfriend yieeeee. I love you Carloe!!!"
"Sobrang hot mo talaga Zhee"
"I love you Chander!!"
Nakarinig pa ako ng mas malakas na tilian. Kung ano anong compliment pa ang naririnig ko. Hindi ko na lang pinansin pa. Sa araw araw na andito ako sino ba naman ako para di masanay sa mga buboyog na mga to na akala mo mga nakalunok ng mikropono
"Psstt.. Aya I think papalapit sila rito"bulong nya
Hindi ko na lang pinansin tuloy parin akong kumakain
"Aya! "sigaw nya pero mahina. Tiningnan ko sya ng masama
"Ano bang problema?!"inis na tanong ko
"Aya!hwag ka maingay"pigil nya sakin
Hindi naman ako maingay ah! Sya nga tong madaldal. Hindi ko na lang sya pinansin
"Pwesto namin yan!"sigaw mula sa likod ko
"Aya! Tara na"pilit nyang aya sakin ngunit pabulong
Inis ko syang tiningnan ng nagtatanong
"Girls look nagpapansin sya sa chander natin"
