CHAPTER 1

39 7 38
                                        

Hansel's POV

"Anak pupunta ako ng bayan ngayon, sasama ka ba?" tanong sa'kin ni mama.

"Pwede po ba akong sumama?" tanong ko dito.

"Oo naman 'nak, bihis ka na do'n." sambit ni mama bago bumalik sa pagli-lista ng bibilhin n'ya sa bayan.

"Sige po!" sabi ko at patakbong pumunta ng kwarto ko para magbihis.

Pag-dating ko sa kwarto ko ay agad akong nag-bihis ng matinong damit it means nag-bihis ako ng black t-shirt at black na jersey shorts—kay papa pa 'to pero bagay naman sa'kin— at naka tsinelas lang ako tutal ay sa bayan lang naman ang punta.

Humarap ako sa salamin at nag pogi sign, "pogi ko talaga" bulong ko sa hangin.

"Hansel! Lumabas ka na d'yan at aalis na tayo!" sigaw ni mama sa labas.

"Coming ma!" sigaw ko habang patakbong lumabas mula sa kwarto ko.

"Aba gwapo na'tin 'nak ah?" bungad na sabi ni papa ng makita n'ya ako.

"Syempre po, mana sa'yo" sambit ko at nag fist bump kami ni papa, "alis na kami pa."

"Sige, magingat kayo ng mama mo ah? Alagaan mo ang reyna natin ah," sambit ni papa at tumawa.

"Reyna ka d'yan," biglang sabat ni mama sa likod ni papa bago naglakad patungo sa'kin, hinampas pa nito ang likod ni papa.

"Reyna ka kaya namin mama," nakangiting sambit ko.

"Tapos ikaw prinsepe? Naku tigilan mo yang pagiging boyish mo Hansel, baka maging kalbo 'yang ulo mo." pananakot ni mama.

'wag po mama, mahal ko yung buhok ko huhuhu. Hair is life.'

"Joke lang na boyish ako ma! Prinsesa n'yo kaya ako. Ganda ko kaya," sabi ko at tumawa.

"Tse! Tara na nga at madami pa kong bibilhin,"

Tumawa ako ng malakas pagkasabi no'n ni mama.

"Manong dito nalang po!" sigaw ni mama nung makarating kami sa bayan kaya agad akong bumaba sa tricycle.

Maganda naman dito sa bayan, may mga stall ng milktea, burger o ano pa pero walang malalaking mall dito o mga restaurant na mamahalin. Masayang mag-libot dito lalo na kung may kasama kang kaibigan pero dahil wala akong kaibigan, maglilibot akong mag-isa. Habang nagiikot napadaan ako sa isang tindahan ng baboy, huminto ako at binati ang tindera dito.

"Ate!" bati ko sa isang tindera na si aling Pasing.

"Oh Hansel nandito ka pala," sambit n'ya sa'kin.

"Hindi ate wala po ako dito," naka-ngising pang-aasar ko dito.

At nang makita kong kumuha s'ya ng walis ay agad akong tumakbo.

Cartel Series #1: Fall for A CartelStories to obsess over. Discover now