07

2.9K 20 2
                                    

KEISHA'S POV

"G-goodmorning, Mr. L-Lee..." Nauutal na bati ni Adira kay boss mula sa screen.

"Goodmorning din." Seryosong sagot ni boss. Bakit ba talaga pagdating sa ibang tao ay ganito siya? Bawal ba nilang ipakita sa iba kung gaano sila kabaliw at kagago?

"Kei... Ibababa ko na, huh?" Paalam ni Adi kaya sunod-sunod akong napailing.

"No, no, please..." Mahinang bulong ko pero pinatayan pa rin ako ng lintik kong kaibigan.

"Umupo ka nalang riyan, panoorin mo nalang ako." Sabi niya saka binuksan ang kalan.

"M-marunong ka niyan?" Nahihiyang tanong ko.

Saglit pa siyang sumulyap sa akin bago hinarap ang ginagawa.

"Bakit hindi ka marunong magluto?" Nagtatakang tanong niya kaya napalunok ako. Damn.

"W-wala kasing nagtuturo sa akin." Naiilang na sagot ko.

"Hindi ko alam kung saan ka naiilang. Kung sa ginawa ba natin kagabi o sa hindi ka marunong magluto." Biglang aniya kaya nabitawan ko ang cellphone ko. Buti nalang sa lamesa lang nalaglag.

"Boss, magluto ka nalang." Sabi ko kaya tumaas ng bahagya ang gilid ng kaniyang labi. Tss.

Pinanood ko siyang magluto. Nang mabuksan na niya ang kalan ay naroon na rin ang kasirolang kinuha ko kanina. Nilagyan niya iyon ng medyo maraming oil kaya ng ilagay niya ang chicken na may powder, lumubog iyon sa mantika.

"Bakit ka marunong magluto, boss?" Nagtatakang tanong ko.

"Because I don't have a mother to cook for me. I am always in my auntie's house, at Keann's. She's grwatbat cooking kaya heto, I learned how to luto." Sagot niya kaya napatango ako.

"Nasaan na ba ang Mommy mo, boss?" Curious na tanong ko.

Sunod-sunod siyang nagpakawala ng buntong hininga tapos, "Wala na siya, namatay no'ng bata pa ako."

"S-sorry, boss."

"I-It's okay."

He don't look good. Maybe memories from his past plays on his mind now. Maybe just because of my question ay naiisip na niya ngayon ang Nanay niya.

"S-sorry talaga, boss." Sabi ko saka siya mahigpit na niyakap. Pinatay ko na rin ang kalan. Hindi ko alam kung bakit ko nagawang yakapin ang lalaki, basta ang mahalaga ngayon ay macomfort ko na si boss.

"I'm fine. Matagal naman na rin 'yon." Sabi niya saka gumanti ng yakap. Nagsimula na rin siyang humikbi kaya mariin akong napapikit.

"Sorry talaga, boss. Sorry..."

"It's okay." Aniya kaya hindi na ako nagsalita pang muli.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa maging maayos na siya.

"Boss, ako na ang magluluto, turuan mo nalang ako." Nakangiting sambit ko kaya tumango siya saka siya umupo sa high chair.

"Open the stove." Aniya kaya ginaya ko ang ginawa niya kanina. "The chickens are still there kaya hintayin natin silang maluto."

"Kapag medyo naging brown na 'yung chicken hanguin mo na." Aniya kaya kumunot ang noo ko ng ilapag ko ang basong may lamang tubig sa tapat niya.

"Saan ko naman ilalagay, boss?" Tanong ko pa kaya natatawa siyang umalis sa high chair saka kumuha ng plate at tissue.

"Lagyan natin ng tissue ang plato para 'yung mantika riyan sa niluluto mo ay masipsip ng tissue."

Tiningnan ko kaagad ang niluluto ko, kulay brown na 'yung isang side kaya binaligtad ko na.

Nagulat ako ng habang busy ako sa niluluto ay biglang nagtungo sa likuran ko si Jayshie at saka yumakap sa likuran ko.

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterWhere stories live. Discover now