"Nak. Ayos ka lang ba? Ha?" tanong ni Mama na halatang nag-aalala.

"Opo. Masama lang po yung gising ko." sagot ko. Nilagay naman ni Mama yung kamay niya sa noo ko. 

"Wala ka namang lagnat pero matamlay ka." 

"Ayos lang ako Ma. Teka kunin ko lang bag ko para makaalis na po tayo." tumango lang si Mama at hinintay pa ko.

Sabay na kaming bumaba at nakita kong nakaready na nga sila Lolo at Mikki.

"Mommy. Are you okay?" tanong agad ni Mikki at humawak pa sa kamay ko.

"Yes baby. I'm fine." I smiled para hindi na sila mag-alala.

"Tara na. Malelate na tayo." sabi ko at naglakad na palabas.

Hindi ako ang magdadrive. Syempre, yung driver. Bukod kasi sa buntis ako, eh ipinagbilin ni Gino na bawal ako magdrive kaya kinuha niya ko ng driver.

*

Natapos na ang mass pero nagpaiwan muna ko sandali para magdasal. 

"Lord, salamat po at ginising niyo ako at ang pamilya ko. Salamat po sa lahat-lahat ng blessings na patuloy niyo pong binibigay. Lord, ingatan niyo po si Mama, Lolo, Mikki, Gino at ang magiging baby namin. Lord, masama po ang pakiramdam ko at nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari. Kayo na po ang bahala sakin at sa pamilya ko."

At pagkatapos nun, lumabas na ko at  nagpasya kaming kumain.

"Teka. Tatawagan ko po muna si Gino." paalam ko sakanila.

Lumabas muna ko sa restaurant na yun para makausap si Gino.

Gino babe <3 calling......

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now