06

3.2K 23 1
                                    

KEISHA'S POV

The hell! Fuck this! Shit!

Kanina pa ako nakaupo rito sa tabing-dagat. Kanina ko pa iniisip kung anong nangyari sa amin ni boss. Bakit kasi nangyari pa iyon?!

Ang landi ko naman.

Tinignan ko saglit ang cellphone ko, malapit ng magtanghalian at hindi ako marunong magluto. Should I call Adira?

[Hello!] Masayang bati sa akin ni Adora. Buti nalang at may signal.

"Hi, babe! Amh... Ano kasi..." Bakit ako nahihiya?!

[What, babe?] Nagtatakang tanong naman niya.

"Pwede bang tulungan mo ako kung paano m-magluto?" Mas lalong nag-init ang pisngi ko ng malakas siyang tumawa.

[Wait, babe. Are you kidding me?] Natatawa pa rin niyang saad.

"The hell, babe! Just help me!"

[Para kanino muna? Hmm?] Alam ko na kaagad ang laman ng utak nitong bruha na ito.

"P-para lang s-sa kapatid ko."

[Ah... Okay.] Alam kong hindi pa rin siya naniniwala kaya napabuntong hininga nalang ako. [Pwede ka bang tawagan?]

"Oo naman." Sagot ko kaya pinatayan na niya ako kaagad.

Nagtatakbo ako ng mabilis papasok sa loob ng bahay. Wala sa dinaanan ko si boss kaya baka nasa kwarto pa rin siya.

Sakto namang nakarating ako sa kitchen ng tumawag sa laptop ko si Adi.

[Ano bang gusto mong lutuin?] Tanong ni Adira kaya napaisip ako. 'Yung favorite nalang kaya ni boss?

"Pritong manok nalang para madali." Sagot ko kaya nagtatawa na naman itong lintik kong kaibigan. "'Yung totoo? Happypill mo ko?"

[Pinapatawa mo ako masyado, babe!] Natatawa pa ring aniya kaya ngumuso ako. [Okay, okay, let's start.]

"Okay. Anong ihahanda ko?"

[May chicken ka naman siguro diyan, 'no?] Tanong niya kaya lumapit ako sa ref at saka tumango ng makitang may manok naman. Inilabas ko ang chicken sa ref para ipakita kay Adira.

"Next?" Tanong ko pa. Nakaupo na siya ngayon at mukhang nasa kwarto niya na siya.

[Hugasan mo iyang manok kung hindi naman siya matigas. Kung matigas naman dahil galing sa ref, ibabad mo muna.]

Sinunod ko ang kaibigan. Nagtungo ako sa lababo para ibabadbad ang matigas na manok.

"Tagal naman nito." Naiinip na sabi ko habang nakaupo sa high chair.

Kanina pa ako naghihintay.

[E kung i-check mo kaya?]

"Okay na."

"Sana all nalang okay."

"Magseryoso ka nga!" Malakas na sigaw ko pero mas tumawa lang siya.

"Okay, sige na. Nakahiwa na ba iyang chicken?" Tanong niya kaya tumango ako. "Hugasan mo 'yung chickens then punasan mo ng bahagya gamit ang tissue. 'Yung malinis, ha!"

Sinunod ko kaagad ang sinabi ni Adira. "Tapos?"

[Ilagay mo siya sa— May powder ba kayo diyan? 'Yung pangprito?] Tanong pa niya kaya tumingin ako sa mga grocery dito.

"Ito ba iyon?" Tanong ko ng may makitang powder na nasa sachet. Nakita ko sa plastic na may picture ng fried hicken so... yeah.

[Yes. Nice!] Aniya pam [Buksan mo na ngayon 'yung sachet tapos ilagay mo na sa plato.]

"Napunasan mo na 'yung chickens, 'di ba?" Tanong niya kaya sunod-sunod akong tumango. "Okay. Ipaikot-ikot mo isa-isa ang mga manok sa powder na nasa plate."

[Done?] Tanong niya maya-maya kaya tumango ako. [May medyo malalim ba kayong kawali diyan? O kahit kasirola na pwedeng pagprituhan.]

"A-ano ba 'yung kasirola at... kawali?" Shit. Wala akong alam sa kusina.

['Yung parang... Wait. Ang hirap i-explain.] Aniya. [Saglit ha. Magsesearch lang ako ng itsura ng kasirola at kawali.]

Hinintay ko si Adira.

[Hintayin mo nalang, sending na.] Tumango ako sa sinabi niya.

Nang makita ko na ang picture, inilibot ko ulit ang paningin ko sa mga gamit dito sa kusina. After few seconds of finding the two kitchen tool, nakita ko na sa cabinet. Kasirola ang nahahilap ko kaya iyon nalang ang gagamitin ko.

"Anong sunod kong gagawin?"

[Marunong ka naman sigurong magbukas ng kalan?] Tanong niya kaya napailing ako.

"Ako na," rinig kong boses ni boss. Parang tumigil bigla ang pagtibok ng puso ko ng dahil sa kaba. Napatitig nalang din ako sa screen ng laptop ko kung nasaan ang kaibigan kong nanlalaki na ang mga mata.

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterWhere stories live. Discover now