Chapter 3: Welcome to the Game!

Magsimula sa umpisa
                                    

Kapag kasi nagpapapunta ako ng mga kaibigan ko sa bahay, ipinapakilala ko na agad sila kanila Mommy at sa mga kuya's. Para aware sila kung sino ang mga kasama ko madalas sa school. Kung kaya sa tuwing may gala kami... pinapayagan ako agad since kilala nila Mommy ang mga kasama ko. Pero siyempre, bawal akong magpagabi, magagalit ang dalawa kong kuya na OA sa pagiging protective.

Trace:
@Milan, mamaya na bukas noong new server, sama ka ba?

Clyde:
Pabuhat kami, lods.

Tomy:
G ka na, Milan, alam kong nasa mansyon mo lang ikaw.

Naisip ko ngayong patulan ang kalokohan nila Trace dahil sa huling linggo na may pasok ay talagang kinukulit nila ako na maglaro ng Hunter Online. Dahil nga wala naman akong gagawin ngayong summer vacation (bukod sa family outing namin sa Pagudpud) ay naisipan kong sumama na sa kanila. I don't want to be bored in our house na puro scroll lang sa Facebook, Twitter, at IG lang ang gagawin ko maghapon.

"Kuya London, may luma kang nerve gear na hindi na ginagamit, 'di ba?" Tanong ko.

"Bakit naman kita pahihiramin ng nerve gear ko? Electricfan nga pinagdadamutan mo ako." Sumbat niya.

"Sige na kuya! I will try to play Hunter Online, sinasali ako nila Clyde," parehas napatingin ang dalawa kong kuya sa akin. "What?"

"What happened to your 'mas gugustuhin kong makinig ng educational podcast kaysa maglaro ng games.'" Kuya London said habang ginagaya ang boses ko.

Napaikot ako ng mata dahil in-expect ko na rin naman na aasarin nila akong dalawa since they knew me as the not-a-fan-of-games in our family.

"Ang OA naman ng reaksyon ninyo!" Kumuha muli ako ng puzza at kumain. "Kasi isinali ako nila Trace sa school tournament ng Hunter Online since kulang sila sa tao. I enjoyed playing the game. At isa pa, ang tagal ng bakasyon, kailangan ko nang pagkakaabalahan."

"Nanalo kayo?" Tanong ni Kuya Brooklyn.

"Third Place, sayang nga lang at natalo kami ng IT. But oh well, IT is IT, nandoon lahat ng mga Game gods. So Kuya London, pahiram na ako noong luma mong nerve gear. You already bought your new nerve gear last month naman na!" Hindi naman ganoon kaluma ang nerve gear ni kuya since last year niya lang iyon binili. Pero nag-upgrade siya sa mas cool na nerve gear kung kaya't nakatambak na lang 'yong isa niya.

"Okay-okay, pero sa akin muna itong electricfan," itinutok niya sa kanya ang electricfan. "Putangina, ang init talaga sa Pinas." Reklamo niya.

"Sige, pero ngayon lang." sabi ko.

"Bibigay ko sa 'yo mamaya. Delete ko lang 'yong info ng account ko doon so you can start new." Sabi niya at napangiti ako.

Bumalik muli ang tingin ko sa cellphone ko at chinat sila Trace.

Milan:
Pumayag na si kuya na gamitin ko 'yong luma niyang nerve gear. Sasama ako sa inyo mamaya. 🤘

Clyde:

Clyde:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon