Amber's POV
Malapit na matapos ang lunch kaya chineck ko na kung lahat ng kaklase ko ay nasa room na. Ayaw kasi ni Ma'am Escova ang late sa klase so bilang president I will make sure na kumpleto kami once na dumating siya. Tumingin ako sa pinaka likod na row at may isang bakanteng upuan. Hindi ko sure kung absent ba siya o hindi, kaya napag-isipan ko na puntahan yung aking secretary kasi siya yung naglilista ng mga absent sa klase.
"Charlie Pumasok ba si Gonzales?" Tanong ko sa kanya. Agad naman niyang tinignan ang kanyang notebook kung saan niya nililista ang mga absent.
"Ang alam ko walang absent ngayon Pres." Sabi niya. Tumango na lang ako at bumalik sa upuan ko. Nakatitig lang ako sa pintuan, hinihintay ang pagpasok niya pero walang Gonzales ang pumasok.
"Cutting?" Tanong ko sa sarili ko. After 30 minutes wala pa rin si Ma'am kaya napagdesisyunan ko na puntahan ang faculty para matanong kung pumasok ba si Ma'am or hindi at napagalaman ko na absent siya ngayon kaya bumalik na ako sa classroom para sabihin sa kanila na wala si Ma'am. Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko na tila nakawala sa isang cage. Napailing na lang ako kasi deep inside natuwa rin ako na absent si Ma'am kasi sobrang strict niya at unting ingay lang magpapaquiz na siya. Lumabas ako dahil hindi ko kinayanan ang ingay nila. Alam kong responsibility ko na patahimikin sila pero ginawa ko na, sadyang ang hirap lang nila kontrolin. Mas napapasunod pa ni Vincent ang klase kesa sa akin. Vice President siya sa klase kaya pag once na lumabas ako, alam ko na alam niya na siya na ang may responsibility sa klase. Hindi ko alam na dinala na ako ng paa ko sa roof top. Alam kong bawal pumunta sa roof top pero parang may umuudyok sa akin na pumunta. Dahan dahan akong pumunta sa pintuan ng roof top. Lumingon muna ako sa paligid kung may tao, nung nakita ko naman wala, agad agad akong pumasok sa loob ng roof top at nakita ang isang lalaking na parang gusto niyang tumalon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung una pero bigla na lang gumalaw ang katawan ko papunta sa kanya para pigilan siya.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang bawal pumunta dito sa roof top tsaka balak mo bang magpakamatay?" Derederetso kong sabi sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Siguro hindi niya ako gets sa sobrang bilis kong magsalita.
"Huh?" Yan lang ang sagot na natanggap ko sa kanya. Tinignan ko siya sa mukha ng nakakunot noo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya baka kasi ituloy niya yung pagtalon niya. Wala kasing harang ang roof top namin kaya pinagbabawalan ang mga estudyante na umakyat dito dahil sobrang delikado. Hindi sumagot ang lalaki at pumiglas siya sa pagkakahawak ko.
"Huwag mo nga akong pakielaman." Sabi niya at ngayon ko lang napansin na sobrang lalim ng boses niya. Alam kong common sa mga lalaki ang malalalim na boses kasi it's part of their puberty pero this guy is different. Sobrang lalim talaga ng boses niya at ngayon ko lang napansin na siya pala yung kaklase kong hindi pumasok kanina.
"Ako ang president sa klase natin at responsibility ko kayo. Once na may mapahamak isa sa inyo ako ang malalagot." Paliwanag ko sa kanya pero parang wala siyang pakielam. Ilang minuto kaming tahimik. Bigla ko na lang narinig ang buntong hininga niya.
"Okay okay. Hindi ko itutuloy siguro sa susunod na lang." Sabi niya at umalis na sa roof top. I sighed in relief pero at the same time kinakabahan. Alam kong hindi siya nagbibiro base sa kanyang pananalita at itsura.
"Siguro babantayan ko na lang siya habang nasa school kami." Sabi ko sa sarili ko at bumalik na sa classroom namin. Pagkapasok ko agad kong hinanap yung pwesto niya at buti na lang nandun siya, nakatitig sa bintana na parang ang lalim ng iniisip niya.
"Ano kaya tumatakbo sa utak niya?" Tanong ko sasarili ko at pumasok na ang professor at nagsimula na ang kanyang discussion.
KAMU SEDANG MEMBACA
If Only....
Romansa"Nagsimula ang lahat sa roof top at mukhang magwawakas rin ito sa roof top. "
