Napairap na lang ako at humagikhik. Maloko rin ang lalaking 'to eh. Ang daming alam.

"O siya, Jackson. Salamat." Tumango-tango ako.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang isa sa mga babaeng kasama ko ay si Krystal!

"Krystal!" malumanay kong tawag sa kanya. May kausap siyang isang mukhang mahinhin na babae. Nagtatawanan sila no'ng makita ko silang dalawa.

Napalingon sa akin si Krystal at kumaway. Ako na mukhang nagulat, siya naman ay kabaligtaran ang ekspresyon. Mukhang inaasahan na niyang ako'y darating dito.

"Viana! Halika!" Masayang sambit niya.

Tumango naman ako at ngumiti. Lumingon muna ako para tignan si Jackson na nakatayo lamang sa labas, bago tinignan ang lalaking kapapasok lang habang karga-karga ang mga bag ko.

"Ah, sa tabi lang po..." sabi ko upang ilagay niya lamang sa tabi ang mga gamit ko, bago lumingon ulit kay Krystal at nilapitan siya.

"Krystal! Andito ka rin!" Nakangiting sabi ko. Hindi ko inaasahang makita siya rito, ngunit sabagay, isa naman sa magagaling na musikera si Krystal, kaya't hindi nakakapagtaka na narito rin siya. Nakakapagtaka lang dahil mayaman naman sina Krystal, at sigurado akong hindi niya naman kailangan mag trabaho.

"Oo nga eh! Upo ka!" Tinapik niya ang gilid ng inuupuan niya. Inikot ko ang paningin ko bago umupo. Malaki ang kwarto. May tatlong kama na nakahilera sa bandang inuupuan namin.

Tumabi ako kay Krystal kung saan hinarap namin ang babae. Nakaupo rin siya sa kabilang kama.

Ngumiti ako. "Viana, si Larissa nga pala. Rissa, si Viana!" Puno ng giliw na pagpapakilala ni Krystal sa aming dalawa.

Inilahad ko ang kamay ko at tinanguan si Larissa. "Viana Fabia."

Agad niya namang tinanggap ang kamay ko at nakipag-kamayan kami sa isa't isa. "Rissa na lang."

Tumango naman ako. "Rissa..." paninigurado ko na ikinatango niya rin.

Pumalakpak naman si Krystal at lumingon sa may pinto. "Okay na Jack! Ako na ang magsasabi kay Viana!"

Napalingon naman ako ng binanggit niya ang pangalan ni Jackson. Nakita kong nakatayo pa rin sa may pintuan si Jackson.

Sumulyap siya sa akin at tumango.

"Fine. Take care of her. Goodbye then."

Siya na mismo ang sumara sa pinto. Tumaas lang ang kilay ko bago humarap ulit kay Krystal.

"Okay! Mamaya na tayo mag-usap usap at mag-ayos muna tayo ng mga gamit!" Tumayo si Krystal at itinaas ang kanyang kamao.

Tumayo naman kaming sabay ni Rissa pagkatapos no'n.

"Ikaw sa dulo, ayos lang ba?" malumanay na tanong ni Rissa habang tinuturo ang panghuling kama.

"Oo, ayos lang," sagot ko habang sinusulyapan ang kamang mas malaki pa sa kama namin ni Mama dati sa bahay namin.

Lumapit ako sa mga gamit ko at binitbit 'yon at inilapag sa may baba lang ng kama. Umupo ako sa kama ko at yumuko para abutin ang zipper ng bag ko.

Mayroong naglalakihang closet sa tabi lamang ng kama ko. Tatlo 'yon, kaya alam kong ang ibang kabinet ay para sa kanila rin. Katabi ng kabinet ay ang malaking bintana na tanaw ang hardin kung titignan ang labas.

May sarili rin kaming lamesa na mayroong salamin. Malaki 'yon at may silya na. May tv din sa may harap lamang ng kama naming tatlo. Malaki 'yon kaya kahit na sa sariling kama kami manonood, ay kitang-kita pa rin ang pinapanood.

Glamanour HeightsWhere stories live. Discover now