Si Dhara ay nag-iisang anak ng isang kilalang haciendero sa kanilang lugar, kilala ang kanyang pamilya sa kakaiba nilang ganda. At dahil mayaman sila, marami silang bahay sa buong bansa, meron silang bahay na matanda na pag-mamay-ari ng kanyang lola. Ngunit ang bahay na iyon ang hindi niya magawa puntahan o tulugan man lang dahil maraming sabi-sabi na pinamamahayan ng mga kaluluwa na namatay noong digmaam, may sabi-sabi din na may matandang babae na nakatira doon na hindi matahimik. Kahit pa ang bahay na iyon ay pinamana ng kanyang lola sa kanya ayaw niyang tumira doon at gusto niya itong ibenta na lang o ipasira ito kahit ano pa'ng ganda ng mansyon na iyon kung nababalot ito ng mga katatakutan ay di niya makakayang tirahan ito o tanggapin. Nagbago ang lahat ng tumuntong siya sa tamang edad, kinakailangan na niya na magdesisyon kung ano ang gagawin sa bahay na iyon dahil ililipat na ang pangalan ng bahay sa kanya ilang ara siya nag-isip kung anno ang gagawin sa mansion na iyon dahil alam niya na hindi papaya ang kanyang ama na gibain ang bahay na iyon dahil doon siya lumaki .
Isang araw, kinausap niya ang kanyang magulang tungkol sa bahay at ang magiging desisyon niya kaya pumunta siya na opisina ng kanyang ama kasama ang kanyang ina labis-labis ang kanyang kaba dahil alam na niyang magagalit ang magulang niya lalo na ang kanyang ama. Nang masabi na niya lahat ang plano niya ay labis na nagalit ang kanyang ama na hindi na niya ikinagulat, wala daw siyang karapatan na mag desisyon kung wala pa siyang asawa pero wala siya balak na mag-asawa dahil alam niya na ang yaman lang naman nila anng habol ng mapapangasawa niya. Bilang parusa sa kanya ng kanyang ama ay pinadala siya sa mansyon upang manirahan ng panandalian, hindi siya sumang-ayon ang nag-iiyak siya sa loob ng opisina at sinabi niya na ayaw niya doon dahil pinaninirahan iyon nga mga masasamang element pero hindi naniwala ang kanyang ama at sinabing paano niya iyon masasabi kung hindi pa siya nakapunta doon. Ilang beses siyang pinuntahan ng kanyang ina sa kanyang silid upang kumbinsihin siya na tanggap ang lalaking inireto sa kanya ng kanyang ama na isang anak mayaman na lalakina mapangasawa niya upang magawa niya ang gusto niya sa bahay pero tinanggihan niya dahil kahit pa mayaman ang angkan ng lalaki alam niya na yaman parin ang habol sa kanya dahil sa sinabi niya nagalit ang kanyang ina at sinabihan siyang wala kwenta. Ilang araw siya bago umalis nanaginip siya ng isang babae na nakaupo sa harap ng isang luma pero eleganteng "vanity table" nasa loob sila ng isang magandang silid, nilibot niya ang paningin sa loob at ng mapadako ang mata niya sa salamin nakita niya ang babaeng nakaupo at nakatingin sa kanya sa salamin nakita niya na unti-unti itong lumuha nga dugo kaya napaiwas siya ng tingin pero nang ibalik niya ang tingin doon nagulat siya na siya na ang nakaupo at lumuluha ng dugo, nakita niya ang babae na nakatayo sa dati niyang pwesto nakasuot ito nga trahe de boda at may dugo.
Halos isang linggo na siya sa mansion ng kanyang lola pero hanggang ngayon nasa isip niya pa rin ang panaginip niya, gusto niyang malaman kung sino ang babae sa kanyang panaginip pero inuunahan siya ng takot. Walang siyang gana na maglibot sa buong mansyon dahil hindi rin naman siya interesado sa lugar na ito pero nakuha ng kanyang atensyon ang isang silid na nakakandado, hiningi niya ang susi sa komadrona pero hindi sa kanya ibinigay kaya tinanong niya kung bakit ang sagot ng matandang babae ay "Isang hindi magandang pangyayari na dapat hindi na malaman ng iba at dapat na manatili na lang sa nakaraan". Gusto niya talagang malaman kung ano ang nasa loob nito dahil paramg hinila siya nito pero pinipigilan niya, halos araw araw siyang na nanaginip sa babaeng iyon hanggang sa hinarap niya ang komadrona kung bakit kinandado ang silid na iyon, doon niya nalaman na ang kapatid ng kanyang lola ay nagpakamatay dahil pinilit siyang magpakasal sa lalaking di niya mahal kaya ara mismo ng kanyang kasal sa loob ng silid na iyon ay pinatay niya ang kanyang sarili at sininumpa ang salamin na kung sino man ang titingin sa salamin ay mamamatay sa paraan kung paano siya mamatay. Dahil mapilit siya, binuksan ng komadrona ang silid at nagulat siya sa kanyang nakita, ang silid, at ang vanity table, lahat ng mga gamit sa panaginip niya ay narito sa harap niya lahat pero napako ang tingin niya sa salamin na hindi na niya namalayan na unti-unti na siyag lumalapit kahit anong tawag ng komadrona sa kanya pero huli na ang lahat ng nakaupo siya sa harap ng salamin. Nakita niya ang mukha ng babae, magkamukha sila, ang pinagkaiba lang nila ang ugali sa mukha dahil mas mataray ang nasa harap niya at siya ay may malambot na mukha.
Habang nakatingin si Dhara sa salamin ay nakita niya si Diara ang kapatid ng lola niya, kasabay ng pagdugo ng leeg ni Dhara ay siya pagdugo ng leeg ni Diara. Walang magawa ang mga katulong ng Nakita nila ang pag-agos ng dugo ni Dhara sa kanyang leeg, hindi alam ng komadrona ang gagawin o kung paano niya ililigtas si Dhara mula sa kapahamakan na dal ani Diara alam niya na naghihiganti siya dahil sa nangyari sa kanya. Nakatitig lang si Dhara sa salamin ng gumalaw si Diara upang bukasn ang maliit na cabinet at kinuha ang maliit na punyal, tinignan ni Diara ang mga katulong na walang ginawa kundi ang sumigaw. Wala sa tamang pag-iisip si Dhara dahil si Diara ang kumokontrol sa katawan niya, tumayo siya at hinarap ang mga katulong bitbit ang punyal na may ngisi sa kanyang mga labi. Nang bumalik sa tamang pag-iisip si Dhara ang Nakita niya ang mga katulong na nakahandusay sa sahig sa may hiwa sa leeg at unti-unti nawala ang malay niya pero bago niya ipikit ang mga mata ay Nakita niya si Diara na nakatitig sa kanya at sabay sabing "ako ay ikaw".
~Miss_Aerim~
