ISANG malawak na hardin na punong puno ng mga iba't ibang kulay ng rosas kung saan ang mga ito'y napapaligiran ng mga munting paruparo na tila natutuwa sa nakukuhang matamis na likido sa bawat bulaklak. Sa iyong pagtingala ay makikita ang asul at puting kalangitan.
Sa bandang gitna ay nandoon ang korteng bilog na bungkos ng halamanan at makikita ang kulay pilak na mahabang upuan na maaari mong maupuan at pagmasdan ang ganda ng hardin.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ang tila munting talon at ang nakakaayang tunog ng bawat lagaslas nito na bumabagsak sa tila isang munting palaisdaan. Ang buong paligid ay kulay berde dahil sagana ito sa mga puno at halaman.
Marahan akong lumakad para libutin ang ganda ng kapaligiran. Napakasarap lakaran ng lupang nababalot ng pinong mga damo kahit na may sapin ang aking mga paa'y dama ko ang lambot ng mga ito sa aking talampakan.
Mariin kong naipikit ang aking mga mata ng biglang umihip ang hangin. Napakagaan sa pakiramdam ang malamig na pagdampi nito sa aking balat at mukha. Hindi ko napigilang umikot at makisayaw sa kanyang pagsaliw.
"Anak. .." mula sa di kalayuan ay narinig ko ang pagtawag. Tumigil ako at bumaling sa tinig.
Hindi ko gaano maaninag ang kanyang mukha bagama't makikita ang kanyang magara at mahabang kasuotan na may mga palamuting asul at pulang dyamante. Napansin kong iniaabot nya ang kanyang mga kamay at tila ako'y pinalalapit.
Kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa imahe ngunit sa bawat hakbang palapit ay lalong lumalayo ang babae.
"Anak. ..Mayumi. .." tawag niya sa akin. Naguguluhan man ay tila may sariling isip ang aking mga paa at bumilis ang mga hakbang at naging marahang pagtakbo. Pilit ko inaabot ang kanyang mga kamay at inaaninag ang kanyang mukha ngunit natatakpan ito ng liwanag na hindi ko alam kung saan nagmumula.
Malapit ko na maabot ang kanyang mga kamay ng bigla kong maramdaman na napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Kahit anong pilit ay ayaw gumalaw ng aking mga binti. Hindi ko mawari at parang kinakaen ng lupa ang aking lakas na habang ako'y nagpupumiglas ay lalong bumabaon ang aking mga paa.
Dumaloy na lamang ang luha sa aking mga mata ng mapansin kong unti unti na siyang nakakalayo at nawawala sa aking paningin. Sinubukan kong magsalita pero walang tinig na gustong lumabas sa aking mga labi. Paulit ulit akong sumigaw. Sigaw. Sigaw. Sigaw.
Pakiramdam ko ay napaos na ang aking lalamunan sa kakasigaw na wala naman tinig na kumawala. Gusto kong pabayaan na lang na mawala siya sa paningin ko ngunit may parte ng aking pagkatao ang pilit na nagsusumigaw na abutin ko ang kanyang mga kamay at maisigaw ang salitang hindi ko mailabas.
Buong lakas ang inipon ko ng mapansing naglalaho na siya sa aking paningin. Buong lakas ko pinilit na makaisang hakbang sabay ang buong pwersa ng pagsigaw bago siya tuluyang maglaho.
"INAAAAAAAAAAAAAAA !!!!"
Nagising akong umiiyak at hingal na hingal. Naulit na naman. Limang beses na ata naulit ang pangyayaring yun. Haaaaayyyysss. ..
Marahan kong pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi ko at napahawak ako sa dibdib ko. Dama ko pa din ang sakit na dulot ng aking panaginip. Hanggang ngayon hindi ko pa din mapaliwanag ang mga nangyayari at bakit paulit ulit lang.
Dahil ba hilig ko talaga ang tungkol sa mga prinsepe't prinsesa? Pero lagi ko naman pinapangarap ang happy ending, bakit kaya hindi ganun ang lumalabas sa panaginip ko? Sign ba na hindi ko dapat pangarapin ang imposibleng matupad??
Napahilamos ako sa mukha ko at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Mag-aalas syete na ng umaga.
Sinampal sampal ko ang magkabilang pisngi ko at marahang kinurot bago tumayo. Inayos ko na muna ang kama ko bago bumaba at dumeretso sa banyo para maligo.
"Good morning Anak." bati ng Mommy ko na abala sa pagluluto ng almusal.
"Good morning Mi. Mukhang masarap ang almusal ha? Ligo po muna ako." paalam ko bago ako tuluyang pumasok sa banyo.
Pagkaraan lang ng ilang minuto sa loob narinig ko na ang ingay sa labas. Marahil ay gising na ang Ate at Kuya at naghahanda na din pumasok.
Bunso ako sa limang magkakapatid, turning 18years old na ako sa susunod na buwan. Ang panganay namin na si Ate Nicole,35,may pamilya na at nakatira na sa Pampanga. Minsan na lang siya bumisita.
Sunod si Kuya Sam, 30,nasa ibang bansa siya at isang OFW. 3 years na din siya nandoon. Kakauwi nya lang last year kaya matagal pa bago siya makapag bakasyon ulit dito. Binata pa pero may girlfriend siya dito sa Pilipinas.
Sumunod sa kanya ay si Ate Melody,25,ang workaholic ng pamilya. May sarili siyang business na travel agency. Wala pa siya balak magasawa o magka boyfriend kasi career daw muna at bata pa daw siya.
Sunod naman ay si Kuya Vincent,18,same ko nagaaral pa din sya. Isang taon lang ang agwat namin. Ewan ko sabi ni Mommy di naman daw nya ineexpect na darating ako sa buhay nila ng maaga. Kasi family planning talaga sila ni Daddy.
Iisa kami ng school ni Kuya Vin. Nasa 2nd year college na siya at ako naman ay nasa 1st year college.
Matapos maligo ay sumalo na din ako sa agahan na inihanda ni Mommy. Masarap na kwentuhan at asaran habang kami ay kumakaen. Hanggang sa nagpaalam na kami para pumasok sa trabaho at eskwela.
●●●●●ESKWELAHAN
Sa gate pa lang ay rinig ko na ang tili ng matalik kong kaibigan. Napatingin ako kay Kuya Vin na napasimangot. Tuwing umaga kasi ay nakaabang na si Ana sa akin at sabay kaming pumapasok sa loob. Matinis kasi ang boses nya at talaga naman nakakarindi kapag siya ay tumili.
"Ano ba yang kaibigan mo? Ke aga aga akala mo may sunog."reklamo ni Kuya Vin.
"Hahaha! Alam mo naman yan si Ana parang isang buong semestre ako hindi nakita." tinawanan ko lang siya at nagmamadaling lumapit sa kumakaway kong kaibigan. Paglapit ko ay bumulong agad siya sa akin.
"Nabwisit ko nanaman ang Kuya mo noh?" natutuwang bulong nito.
"Ikaw talaga! Tuwang tuwa ka asarin si Kuya Vin." pagkuwa'y bahagya ko siyang kinurot sa braso.
"Araaaayyy! Masakit naman yun." nakanguso na daing nya habang hinihimas ang braso.
Nang tumapat sa amin si Kuya Vin ay mabilis na ngumiti si Ana at pa-cute na nag-hi. Siyempre hindi siya pinansin ni Kuya na blangko lang ang ekspresyon kaya naman napasimangot si Ana.
May crush kasi si Ana sa kapatid ko, ewan ko ba kay Kuya kung bakit hindi pinapansin ang bestfriend ko. Maganda naman si Ana, morena tapos matalino. Grabe na nga pagpapapansin ang ginagawa nya pero wa epek sa Kuya ko.
"Mauna na ako Mayumi. Pumasok ka na baka malate ka pa." paalam ni Kuya bago nagpatiuna ng lumakad.
Hinatak ko na din si Ana papasok habang nagmamaktol. Natatawa na lang ako at naaawa sa kanya. Sinabihan ko na din naman siya na huwag na umasa sa kapatid ko at mukhang wala pa ata balak mag girlfriend. Pero matigas ang ulo, wala naman daw masama magpapansin kay Kuya Vin.
Malapit na kami sa room ng matigilan ako, nagpalingon lingon ako sa paligid. Alam nyo yung pakiramdam na parang may nagmamasid sayo sa malayo? Halos isa isahin ko ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway pero wala naman akong nakita.
Naramdaman kong hinahatak na ako ni Ana, kaya napailing na lang ako bago sumunod sa kanya.
YOU ARE READING
MAYUMI ( THE FAIRY PRINCESS )
FantasySimpleng pamumuhay at simpleng tao na may simpleng pangarap. .. Tama ba na tawagin kong simpleng pangarap ang isAng imposibleng pangarap? 😂😂😂 Lumaki sa pamilyang nakakakain tatlong beses isang araw. Nakakapag aral sa magandang eskwelahan. May map...
