Samantha's POV
( same day )
At last, dismissal na.
Sana hindi ako sunduin ng asungot na yun! Ayaw ko makita uli yung pagmumukha niya!
"Babe......"
"Ay palaka!" ginulat ako ng mokong na to! "Ano nanaman ba ang ginagawa mo dito?"
"Siyempre, sinusundo ka. Baka may mangyari sayong masama? Or kung saan-saan ka pumunta" concerned?!
"Pupunta ako ng ospital. Please huwag mo na akong ihatid. And Mr. Santiago, don't call me babe, wala namang tao dito eh" sabi ko sa kanya.
"Hatid na kita, I don't want you to get hurt. Gusto ko safe ka palagi" then he smiled.
That smile again!
Dug dug... dug dug!
* * * *
"Thank you sa paghatid" tapos nginitian ko siya.
"Your mom?" tanong niya.
"She's taking care of Papa, may sakit kasi si Papa. Sge alis na!" tapos tumalikod na ako kaagad.
"Babe... take care" narinig ko na inandar niya ang sasakyan at umalis na.
Kung hindi lang siya masungit at gangster, mai-inlove talaga ako dahil ganoon siya ka concerned sa kin... hindi pwede ma develop ang feelings namin sa isa't isa! Hindi pwede!
* * * *
Chapter 12.1
Pumunta na ako kaagad sa room ni Papa. Nakita ko si Mama, nakahiga sa sofa.. tapos yung asawa niya nasa side ng hospital bed.
Biglang nagising ang nakakairita niyang asawa.
"Iha, you're here" maka IHA ka, feeling close?
"Gusto ko lang naman makita si Mama" ang rude ko. Well, hindi niya naramdaman kung ano ang naramdaman ko nung iniwan kami ng magaling kong ama.
Nagising bigla si Mama..
"Anak, andito ka na pala. Kanina pako ako naghihintay sayo" namumutla si Mama.
"Kararating ko lang po, sorry Ma. Halika na at umuwi na tayo. You need to rest ma" hinila ko kaagad si Mama, pero pinigilan niya ako.
"Anak, kailangan tayo ng papa mo.."
"Ma, andyan na yung asawa, he don't need us anymore. Halika na ma...." hinila ko na si Mama. Hindi man lang siya nakapagpaalam, pero WHO CARES?!
* * * *
Sumakay kami kaagad sa taxi.
"Carlolita's subdivision po manong"
Tahimik lang si Mama, ang namumutla niya.
"Ma, pagod ka na diba? Eh bakit gusto mo pang puntahan si Papa?" tanong ko sa kanya.. kalmado lang akon kahit yung dugo ko umaabot na sa ulo ko!
"Anak, hindi pa gumigising si Papa mo. Nag-aalala rin ako para sa kanya. Alam kong nasaktan niya tayo, pero maysakit siya. Kailangan natin siy--" naputol ang pagsasalita ni Mama.
Nag ring kasi yung phone niya.
"Hello, sino to?" ang tanong ni Mama sa kausap niya sa phone.
[ This is Trinity. Gumising na siya. I think you really need to go back here sa hospital ]
"Ano? Sige sige. Salamat sa impormasyon Trinity "
Call ended..
"Ma sino yun? Si Trinity?"
"Manong manong, balik tayo sa ospital ngayon din" ang sabi ni mama sa driver.
Agad namang lumiko si Manong Driver at dumiretso na pabalik sa ospital.
"Ano Ma? Si Trinity? Yung asawa ni papa? Anong nangyari ha?" ano ba Ma?!
"Ang Papa mo, gising na"
Natulala lang ako..... dumating na kami kaagad sa ospital. Nagmamadaling pununta si Mama sa kwarto ni Papa.
"Frank, andito na sila" ang sabi ng ASAWA niya.
Napatingin sa amin si Papa. Nakikita ko ang luha sa mga mata niya.
Huwag kang umiyak Sam! Huwag kang umiyak!
"Anak........" ang hina ng boses ni Papa.
"Iha, lumapit ka sa papa mo. Excuse me" ang sabi ng asawa niya at lumabas kaagad sa kwarto.
"Anak, sa--salamat at binisita mo ako di--dito. Alam ko--kong galit na ga--galit ka sa kin. Pero g--gusto kong ipaalam sa i--yo na ma--mahal na mahal ko kayo ng Mama mo" hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni Papa, mahal pa niya kami ni Mama? "Hindi ako naging m--mabuting ama sayo. Pero lagi kitang pinagdad--dasal sa Diyos na bantayan ka lagi" dagdag niya.
Napaluha ako! Hindi ko na mapigilan kundi niyakap ko si Papa.
"Papa!! Papa!! Patawad po, hindi po ako naging malapit sa inyo. Nadala po ako ng galit dito sa puso ko, hindi ko man lang ginamit yung utak ko" umiiyak ako habang sinasabi yun.
"Ako ang d--dapat humingi ng taw--wad. Mahal na mah--al kita" ang sabi ni Papa.
"Mahal na mahal din kita pa, magpagaling ho kayo. Babantayan ka namin dito ni Mama. Sabado po bukas wala po akong pasok" ngumiti ako kay Papa.
Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng pagkakataon na makasama uli ang Papa ko. Alam ko na nadala lang ako sa galit, at hindi ko na ma reach yung pride ko. Ayaw ko na mag sorry ako dahil LOSERS lang ang nag-sosorry. Pero kailangan kong pababain yung pride ko, deep inside mahal na mahal ko parin si Papa. Mahal na mahal parin ako ni Papa. All I have to do is to focus sa pag-aaral ko, dahil para to kay Mama at tsaka na rin kay PAPA!
* * * * * *
Author's note :
OMG! Hindi masyado ganun ka haba ng Chapter na ito. ❤️ thanks guys!
YOU ARE READING
My Fake Boyfie
RandomI'm Samantha Marie Espinosa. Isang 4th year highschool at scholar sa R.U.M. I always focus sa studies ko, dahil isa yun sa goals ko sa buhay, na maka-graduate ako. Well, nag-iba ang mundo ko nung pumasok sa buhay ko si James Santiago. Gwapo, matangk...
