PROLOGUE

7 2 0
                                        

Tiningnan kong mabuti ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng apartment. Hindi ko mapigilang mapangiti. I'm wearing a purple off shoulder dress and a white wedge sandal.  Light make up lang ang nilagay ko sa aking mukha ngunit hindi ko maiwasang purihin ang sarili. You are beautiful self. Your simplicity makes you more beautiful. Now I'm ready to go. Bigla ay tumunog ang aking phone. "Hello?" Nakangiti kong sinagot kahit hindi naman ako makikita ng nasa kabilang linya. "Where are you?" Napasinghap ako sa baritonong boses niya. "I'm on my way" Muli kong sagot kahit ang totoo ay palabas pa lamang ako. Dali dali akong pumara ng taxi. "Josimhaseyo" Di ko na naman mapigilang ngumiti. He's so sweet. "Kamsahamnida" Tugon ko naman dito.

I'm on my way to Bighit Company. Magkikita kami, sa wakas ay magkikita na uli kami. Matagal din kaming hindi nagkita dahil sa sobrang busy niya. I don't blame him. He's an idol. At isa lang naman akong masuwerteng fan na hindi ko lubos aakalaing magugustohan niya. Kakabalik lang nila ng Seoul matapos ang tour nila sa US. Nakagawian na nilang magkaroon ng party after ng tour nila at invited naman ako. Kinikilig ako at masayang masaya dahil miss na miss ko siya, pati na rin ang ibang members. Tatlong buwan kaming hindi nagkita, nag-usap, at nagkasama. Kaya gayun na lamang ang excitement kong makita at mayakap siya.

Pagkababa ko ng taxi ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi naman masyadong magarbo ang party para isipin kong maraming bisita, ngunit tila nawalan ako ng lakas ng loob na tumuloy. Tatawagan ko na sana siya para sabihing nandito na ako pero hindi ko inaasahang makikita ko ang isang member palabas at patungo sa gawi ko.

"Hi Anica" Nakangiting bati niya. Halos hindi na naman makita ang mata niya. Masyado kasing singkit.

"Uh, hi" Nahihiya kong sagot. Nginitian ko rin siya. Kulay itim na ulit ang kulay ng kanyang buhok. Dati kasi ay kulay ginto. Napakamatured niyang tingnan. Napakagwapo. Kahit ano atang kulay ay bagay na bagay niya.

"I'm here to escort you" Gulat man ay hindi ko iyon ipinahalata sakanya. Bakit siya? Nasaan ang taong inaasahan kong susundo sakin papasok? Tuloy ay nakaramdam ako ng kaonting disappointment. Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan papasok sa loob. Nakasuot siya ng simpleng white vneck na tshirt at faded na ripped jeans, nahiya tuloy ako lalo. Sobra atang pormal ng aking suot. Akala ko ay simple lang.

"Where is he?" Bigla kong natanong. At nagsisi ako agad. Baka kung anong isipin niya. Stupid

Tumawa siya. Ugh. I knew it.
"Mianhae,there's an urgent meeting with his manager. He asked me to escort you." Nakangiti pa rin siya saakin kaya hindi ko matagalan ang tinginan naming dalawa. Siya ang pinaka sweet, gentleman, at pinakamabait ngunit nakakatakot kapag nagalit. Bilang isang fan nila, alam na alam ko ang mga personalities nila. On or off cam, iisa lang ang ugali nila. Napatunayan ko yan simula nung naging part ako ng buhay nila dalawang taon ang nakalipas. Yun ang isa kong minahal sa grupo. Totoo sila at walang halong peke.

"I'm sorry." Nahihiyang sagot ko.

Tumawa ulit siya. "Ah. Kyeopta" Guguluhin niya sana ang buhok ko pero nakita niyang maayos ito kaya nahiya siyang magbaba ng kamay. Napangiti ako. Mas cute ka no.

"Anica is here, everyone" Napalingon naman agad ang ibang members na kasalukuyang nagkukuwentuhan at nagtatawanan, ang ibang staffs naman ay ganoon din at mayroon na ring nag-iinuman. Simple lang din ang kani kanilang mga suot. Ako lang yata ang nakapormal. Gusto ko na tuloy umuwi.

"Hey. You look stunning" Nakangiting simula ni Namjoon at isa isa silang lumapit upang yakapin ako. Napansin kong lahat pala sila ay kulay itim na rin ang kulay ng kanilang mga buhok. Napakagwapong mga nilalang.   Medyo nawala ang kaba at hiyang nararamdaman ko.

Different WorldsWhere stories live. Discover now