"Hoy Luis" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kinatatayuan nya. Nang makalapit ako sakanya bigla kosyang binatukan.
" Sabi mo hihintayin moko ha?" Humarang ako sa dinadaanan nya kaya napahinto sya.
"Ang tagal mo kaya kumilos, para ka kaseng pagong" busangot nyang sabi saken habang lalagpasan na ako.
Hinabol ko sya at kinurot sa tagiliran nya, at tumakbo papalayo.
Nang makapasok ako sa room ay ang daming naka tingin saaken, yung iba ay ang sama ng tingin at yung iba naman ay parang naakit yuck.
Kaya hinintay ko munang maka pasok si luis at sabay kaming maka upo. Nang mga ilang minuto ay nakita ko syang pumasok kaya sumabay naako.
Nang maka upo ako biglang may nag pakilala saaking lalake.
"Hi I'm Jake Adam" pakilala saakin ng isang lalaking matangkad moreno at gwapo HAHA.
"Hi" maikling tugon ko at nakipag shakehands sakanya.
"So, What's your name?" bigla nyang tanong at na patingin ako kay Luis na ang layo ng tingin.
Hindi ko na sya nasagot dahil biglang pumasok ang Lecturer namin.
"Hi everyone, I'm Ms. Jeine Castro, I will be your adviser this year" papakilala ng aming guro napakaganda nya halatang walang boyfriend haha.
"So I'm done introducing myself, I want you to introduce yourself to me, so mag sisimula ako sa likod" kinabahan agad ako dahil nasa likod kami ni Luis.
"Yes Miss na nasa likod" napalaki ako ng mata dahil ako ang tinutukoy nya. Kaya tumayo ako at pumunta sa harap.
"Hi, My name is Zavanna Miya Velasquez" maikling pag papakilala ko.
"Ow, Ms. Zavnna Velasquez kamag anak mo ba ang may ari ng kompanyang Z.V. Company?" biglang tanong nya saakin.
"Actually po Mommy and Daddy ko ang may ari ng Z.V. Company" tugon ko at pinaupo nya na ako.
"okay, and you?" turo nya kay Luis. Tumayo sya at pumunta sa harapan.
" Hi everyone, I'm Luis Adrian Delos Santos" pagpapakilala nya at bigla nalang umalis sa harapan at umupo.
Napaka sungit talaga netong baklang to.
Nang matapos ang klase ay pumunta ako kay Luis at tumabi sakanya.
" Hi be" ani ko, at bigla syang nag taas ng kilay kaya napabusangot ako.
"Tumigil ka Zav, wala ako sa mood makipag asaran sayo." tugon nya at tumayo para lumabas. Sinundan ko sya at hinabol.
"Hoy Mr. Luis Adrian Delos santos, nag Hi lang ako sayo at hindi inaasar nag kakaganyan ka nanamn saken, di porket naalala mo nanamn yung panloloko ng Ex mo!" Mahabang ani ko, at bigla nya akong hinarap at hinawakan sa braso.
"Ms. Zavanna Miya Velasques, Di porket sinusungitan nanaman kita eh may naalala ako di ba pwedeng naiinis lang ako dahil lumalandi nanaman sayo?" ani nya at nag lakad papalayo. Nagulat ako sa sinabi nya.
Hinabol ko sya papuntang Canteen, hindi pa ako nakakapasok eh may humarang na saaking dalawang lalake.
"hi miss, diba ikaw yung Zavanna Velasquez? Tanong nya at nakipag shakehands saken ngunit hindi ko sya pinansin at dinaanan lang sila.
Hindi ko na mahagilap yung pisteng Luis na yon kaya nang na patingin ako sa kanan ng Canteen eh may kaShakehands na sya, kaya napakunot ako ng noo at biglang lumabas.
Dumeretso ako room at umupo nakasimangot akong kunwaring nag babasa para walang makapansin.
Nang makapasok si Luis hindi ko sya pinansin.
Nang lumapit sya saaken bigla akong tumayo at nag lakad papalabas. Pumunta ako sa field at umupo sa damohan.
Habang nakatulala ako biglang akong nagulat dahil may kumalabit saakin.
Nakita ko sa likod ko si Luis na nakatayo.
"bwiset talaga" bulong ko wala akong pake kahit marinig nya.
"What's the problem Zav?" tanong nya at tumabi saakin. Diko sya pinansin at tatayo nasa ako ng hinawakan nya ang kamay ko.
"Zavanna I said whats the problem? Biglang umangat ang boses nya kaya napa upo ako.
" nothing "maikling tugon ko. Kinuha ko ang kamay ko sakanya at tumakbo papalayo.
Nang malapit na ako sa room eh biglang nag ring ang bell na senyales na umuwian na at biglang lumabas na ang mga estudyante.
Isang oras napala akong nakatulala kanina.
Pumasok ako sa room at kinuha ang bag ko, ng pag ka kuha ko biglang pumasok si Luis at nilock ang pinto.
Tumingin ako sa labas ng bintana wala nang masyadong estudyante.
"Why are you avoiding me?" tanong nya habang papalapit saakin.
Ayus nag eenglish si bakla kairita!
"I do not avoid you, I just do not want to talk to you" napaenglish den tuloy ako kabwiset to.
"And why is that?" tanong nya ulit at papalapit ng papalapit sya saaken habang ako ay umaatras.
"Luis pwede ba, uuwi nako" naiirita kung tugon. At napansin kong wala naakong maatrasan.
Nakalapit na sya saakin at na corner ako sa hinarang nyang mga braso.
"tell me, what's wrong Zav?" pamimilit nya, ang lungkot ng nga mata nya.
"Isaid Nothing, please luis uuwi nako" ani ko at pilit na kumawala sa pag kakacorner nya.
Nang bigla nyaakong hawakan sa mga pisnge at sinunggaban ng halik. Nagulat ako sa ginawa nyang yun.
Pilit kong kumawala sa pagkakahalik nya ngunit madiin eto at animo'y uhaw na uhaw.
Nang biglang may narinig kaming pag bukas ng pinto kaya natulak ko sya at napa upo sa sahig.
Pumasok ang isang Classmate namen.
"ay sorry, nakalimutan ko kase yung payong ko pasensya na ha godbless." pangangasar nya at bigla biglang lumabas.
Nakita ko si Luis na nakatitig saaken, hindi ko sya pinansin at kinuha ang mga gamit ko at nauna lumabas.
Alam kong kasunod ko lang sya, habang nag lalakad ako may biglang umakbay saken.
" Zav, kung ako ang magiging boyfriend mo, ilang Chances ang ibibigay mo saken.?"ani nya, nagulat ako sa tanong nya dahil bat ilang chances ba dapat ang ibigay sa tao.
" Eh? Bat ka nag tatanong? "ani ko at nalilito.
" Nag babakasakali lang naman kung ilang chances ka nag bibigay sa tao? "ani nya
" hmm, kase para saken lang naman is tatlong chances para saken lang ha wag kang mangeealam, kaya tatlo kase sa unang tyansa is syempre kung marupok ka naman tatanggapin mo paren. "ani ko.
" sa isang tao kase kailangan bigyan ng chance para mag bago at bumawi sa pag kukulang nya"
"wala kanamng magagawa kung mahal mo mahal mo pero wag mong abusuhin kase oo tanga ang paulit ulit na bumabalik, wala eh nag mahal kalang sila ang may mali at hindi ang yung nag mahal" mahabang ani ko. Hindi sya sumagot.
YOU ARE READING
ThreeChances
Romance"wala kanamng magagawa kung mahal mo mahal mo pero wag mong abusuhin kase oo tanga ang paulit ulit na bumabalik, wala eh nag mahal kalang sila ang may mali at hindi ang yung nag mahal"
