"Tsk! Ano ba!" Tumadyak siya at tinarayan ako.

Tumikhim ako bago bumuntong hininga. "Alam kong naiinis ka sa akin ngayon. Sorry dahil hindi ko sinabi sa 'yo. Alam ko namang magagalit ka sa ginawa ko, pero ginawa ko pa rin. Pero kailangan ko rin naman kasi ng pera para sa sarili ko. 'Tsaka, alam ko naman na kaya ko pa, Maria..." pagpapaliwanag ko.

Tumahimik lang kaming dalawa. Hindi niya ako kinibo, pero maghihintay ako sa sasabihin niya. May tiwala si Maria sa akin, pero pinili kong wasakin ang kanyang tiwala.

Lumipas ang ilang minuto, siguro ay kumalma na rin si Maria dahil tumigil na siya sa paghikbi. Dahan-dahan niyang inalis ang kumot na nakatakip sa mukha niya.

Agad ko siyang nilingunan at ngumuso. Namumugto na ang mga mata niya habang namumula naman ang ilong niya. Marahas niyang pinunasan ang pisngi niya at masama ang tingin habang nakapako sa akin.

Humalukipkip siya habang ako ay iniwas ang tingin at kinagat ang labi ko.

"So you chose to lie to me, that's what you're saying?" Nanlaki ang mga mata ko sa pagpapalagay niya. Agad akong umiling at tinignan siya sa mga mata.

"H-Hindi naman sa gano'n, Ma–"

"It's like that! You could've told me the truth instead of lying. Sinabi mo pang sa music house ka lang. I get that you need money, but I can help you! Yes, I know you don't want to depend on me, that's why I'm letting you take a job, but Tita Lyneth clearly instructed me to look after you! How could I if you're continuously lying to me, huh?" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hiningal na siya.

Napakagat ako ng labi. Seryoso si Maria. Nag-e-english na eh.

Nakukuha ko naman ang punto niya. Tama nga na may mali ako sa parte kong nag sinungaling pa ako kung pwede ko namang sabihin sa kaniya ang totoo.

Hindi ko alam, pero pinangunahan naman kasi ako ng kaba no'n. Sa lugar namin, importante ang pera. Simple lang ako, pero kailangan ay may pangtustos ako para sa sarili ko.

Babae ako, at may pangangailangan din. Kaya lahat ng gusto ko, ay pinaghihirapan ko. Susuportahan ko ang sarili ko mag-isa. Kaya ko namang mamuhay ng hindi humihingi ng tulong sa iba, lalo na kay Maria.

Sapat nang nariyan sa para sa akin. Hindi na ako hihiling pa ng iba, kaya inaamin ko nang ako nga ay may kasalanan. Ako ay nagkasala.

"Sorry..." 'yan lamang ang tanging nasabi ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at tinapik ako sa balikat.

"Sorry din. Alam kong natatakot ka lang sa akin. Tara na at kumain na tayo. Naaamoy ko na rito ang palabok!"

Napangiti naman ako. Bago bumaba ay inakap ko muna si Maria at tumalon pababa. Hindi naman 'yon ganoon ka-taas dahil matangkad din naman ako.

Tumawa si Maria at tumakbo na parang bata papunta sa lamesa. Agad niyang inalis sa plastik ang papel na lalagyanan kung nasaan ang pagkain at binuksan 'yon.

"Ang bango!" Inilapit ni Maria ang ilong niya sa palabok at inamoy 'yon habang nakapikit.

"Mapupunta ang germs mo sa pagkain, Maria!" biro ko at sinubukang abutin ang lalagyanan pero agad niyang iniwas 'yon sa akin at umayos ng tayo. "Ako na ang mag-aayos. Swerte ka at mahal kita, kaya hindi kita matiis. Upo ko na riyan at matapos nating kumain, magpahinga ka na rin."

Hindi na ako nakipagtalo pa at umupo na lang habang inihain niya naman ang pagkain namin.

"Thank you," sabi ko ng matapos kaming kumain.

Umirap siya at hinawi ang buhok niya. "Ako dapat ang mag thank you! Sige na at magpahinga ka na. Konsensya ko pa't nagalit ako sa 'yo sa araw ni Tita." Tumayo na siya at nagsimulang ligpitin ang mga kinain namin.

Glamanour HeightsWhere stories live. Discover now