1: Polo

11 0 0
                                        

Apollo's POV

Pasukan na naman bukas, parang ang bilis ng bakasyon, siguro dahil wala naman akong ginawa kundi magtiktok at gumawa ng kanta na iuupload sa youtube. Eh ano pa bang pwede kong gawin it's not like I can do whatever I want given the fact na I spent my summer sa vacation house namin sa Laguna. To be honest, medyo boring kasi eh saka aside from the beautiful view wala nang ibang interesting don. Inaayos ko na ang gamit ko dahil pabalik na kami sa house namin sa Manila.

"Polo, aalis ka na pala? hindi ka man lang magpapaalam sakin? nakakapagtampo naman, para saan pang naging kaibigan kita for 14 years, I'm sad na, can you just stay here?" nagiinarteng tugon ni Ares. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to kung ano-anong nalalaman.

Oo, based sa greek mythology ang names namin. Magkaibigan kasi ang dads namin and they are all greek myth geeks, meron pa kaming dalawa pang kaibigan, si Poseidon at Hades. Si Poseidon ay nasa ibang bansa medyo nawalan na kasi kami ng communication kaya hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya, pero sobrang miss ko na ang lalaking 'yon, siya kasi ang pinakagalante samin, lagi niya nga akong nililibre eh, saka siya rin ang nagbabayad tuwing kumakain kami pero don't get me wrong ha, hindi ako abusado, minsan nagkukusa ako na magbayad pero ngingitian niya lang ako tapos dudukot na sa wallet niya. Si Hades naman, ewan ko don, wala na akong pake sa lalaking sobrang self-centered na 'yon. Parang sinalo na niya lahat ng sama ng loob na pwedeng ibigay ng mundo. Hindi siya madaling pakisamahan, Laging bad mood.

Pero ang cool na we somehow got the traits of our name twin sa greek myth. Ares is a very courageous guy, matapang pero minsan ginagamit niya sa hindi magandang paraan. Lagi siyang napapaaway dito sa amin. Barumbado kumbaga, He also have an explosive temper pero kapag kami ang kausap niya biglang nag-iiba ang katangian niya. Si Poseidon, medyo mataas ang tingin niya sa sarili niya. Sobrang commendable rin ang leadership skills niya. Si Hades naman, basta ayon, ayoko nang pag-usapan ang lalaking 'yon. Ako naman ang pinakamabait samin, Like Apollo himself, I'm also talented and I also excel sa studies. I'm somehow dependable, saka ako ang takbuhan ng tropa tuwing may problem sila.

Cool man pakinggan na puro kami Greek gods, kami na mismo ang nahihiya sa tuwing tinatawag kami by our first name, kaya meron kaming sariling tawag sa isa't isa which we always use kapag nasa public place kami. Poseidon is "Don", Ares is "Bruce" may story behind that nickname pero next time ko na lang ikwento, Hades is "Ice", hindi ko na iexplain wala akong time. They call me "Polo" medyo weird pakinggan pero hayaan niyo na.

"Bruce, tigil-tigilan mo nga ako sa kaartehan mo, I rather go to Manila and be bored as usual kasya naman magstay dito just to watch you pick a fight sa kung kanino mo matripan. I'm tired of healing your wounds over and over again." mataray kong sagot sa kanya habang nag-aayos ng mga damit ko. Bigla naman siyang nagfake cry at saka hinawakan pa ang kanyang chest na akala mo naman ay talagang nasaktan sa mga sinabi ko.

"Kung makapagsalita ka naman diyan akala mo hindi kita pinagtanggol ka'y Leo"

"Thank you for that pero gaya nga ng sinabi ko sayo noon, hindi mo ako kailangang ipagtanggol kasi kaya ko naman na ang sarili ko. Lagi mo na lang akong --"

"Anong gusto mo? Hayaan na lang kitang mabastos? Kalalaki mo kasing tao--"

"Ayun na nga eh, iisipin ng ibang tao na kalalaki kong tao eh hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Bruce, hindi na ako bata! I grew up, hindi na ako katulad dati na lampa, kaya ko nang protektahan ang sarili ko." pasigaw kong tugon. Mukha namang nagulat siya sa mga tinuran ko kung kaya't napayuko siya. Nilapitan ko siya at niyakap. "Thank you for everything Bruce, I really appreciate all the things you have done for me."

"Anything basta for you my friend. I'll even declare a war just to protect you" tugon niya at tinaas pa akong kanyang braso.

"Am I talking to the Greek god Ares or my soft bro Ares?" pabiro kong sagot. Natapos ko na ang pagiimpake ng gamit ko kung kaya't lumabas na ako.

Not a Myth Stories to obsess over. Discover now