Pangalawa

15 2 0
                                    

Tragedy's POV

Tulala akong nakamasid sa labas ng bintana habang inaantay na maka labas lahat ng classmate ko sa classroom. Uwian na namin ngayon, pero hanggang sa oras na ito ay hindi ko pa rin maalis yung mukha ng babae sa isipan ko. Dagdag mo pa yung mensaheng inabot niya saakin.

Who are you? And how can I find you?

Nagulat ako ng biglang may bumato saakin ng kung ano kung kaya't agad kong tinaliman ng mata ang kung sino mang loko lokong nagbato sa akin ng papel. Pag lingon ko sa may pinto ay natanaw ko ang pigura ni Arlan. Kaibigan ko.

"Alam mo Pre buti na lang di natutunaw kung sino man yang tinititigan mo sa labas ng bintana. Senti mode?" Pambungad niya sabay tapik sa braso ko. Agad ko naman siyang sinapak ng mahina sa braso pabalik na nagpatawa sakanya.

"Siraulo. Pasalamat ka kaibigan kita. O san tayo? Alam ko namang di mo ko bubulabugin ng walang dahilan." Balik ko naman sakanya sabay ayos ng gamit ko sa loob ng bag. Paniguradong magyayaya nanaman kasi ang loko lokong to sa kung saan, mabuti ng maghanda para diretso alis na lang.

Ng makatayo na ako ay prente pa ring nakaupo ang loko kung kaya't binigyan ko siya ng weirdong tingin na may kasamang, "Ano? Di pa ba tayo aalis?" Hindi naman siya gumalaw sa kinauupan niya atsaka nagsalita.

"Di dude, meron kasing pa-event to sila Mina. Tinatanong ako kanina kung pwedeng mag facilitate daw tayo duon sa venue. May pa free Starbucks at certificate naman daw afterwards, wag ka ng humindi."

Ng marinig ko ang dahilan niya ay pabiro ko binagsak muli ang bag ko sa lamesa at dali-dali uling umupo sabay kunwaring patong pa ng ulo ko sa bag na tila pinapakita sakanya na mas gugustuhin ko nalang matulog. Nagulat ako ng biglang hatakin ng loko loko ang bag ko sabay lipat sa desk na inuupuan niya.

"Dali na dude. Tulala ka din kasi kanina pa kaya ako nalang nilapitan ni Mina. Sino ba yang iniisip mo dude? Ngayon ka lang ata sinipag mag-isip ha?" Pabirong pang-aalaska niya sabay layo pa ng bag ko nung tumayo ako.

"Wala. Isang weirdo lang na taga PNU. Akin na nga yan, uuwi na ako. Wala naman pala tayong importanteng pupuntahan." Balik ko sakanya at mabilis na hinablot ang bag ko. Desididong desidido na talaga akong umuwi dahil nakakatamad na rin naman at totoo namang walang kwenta yung niyayaya niyang gagawin namin. Mabilis kong tinahak ang daan palabas na sana ng pinto ng biglang nagsalita ulit si Arlan.

"PNU ba kamo dude? Well, isa lang naman sila sa guest school nila Mina."

Agad-agad akong napatigil sa paglalakad at tila na-estatwa sa kinalalagyan ko. Baka andun siya. Pag-iisip ko pero agad kong napagtanto na hindi naman kasi porket sa PNU galing yung mga students kabilang na siya agad duon. Ang laki laki ng populasyon nila eh.
Lokong Arlan to, pero napaisip ako dun kahit papaano ha.

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng pinto.

Hanggang sa may main gate ay sinundan parin ako ni Arlan at pilit pa rin akong kinukulit na mag facilitate. Kung ano ano pang dinahilan saakin ng loko pero nanatili pa rin ako sa desisyon kong ayaw ko.

"Arlan dude, just find another person. There's a lot of Psych students out there just like us. Sila na lang dude, need ko na din talaga umuwi."

Halos bagsak balikat naman ang naging reaksyon niya sa sinabi ko at makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na niya rin akong pinakawalan.

Tuluyan na sana akong lalabas para makauwi pero bago pa man ako makalabas ng gate namin ay saktong nagsi datingan ang mga babaeng kaparehas ng uniform ni Ms. Weirdo kanina. At kasama sa bilang ng mga ito na halos walang habas na nagsisipagtawanan ay ang ka isa-isang babaeng nakahulma na sa aking puso't isipan. I don't know if this is what fate means but I won't let go of this chance.

Agad-agad kong tinakbo ang ngayo'y papaalis pa lang na si Arlan atsaka ito inakbayan sabay sabing, "Nagbago isip ko. Sige dude, count me in."

Nakita ko namang napangiti siya at mula saaming nilalakaran ay pasimple akong lumingon sa aking likuran kung nasaan sila Ms. Weirdo at ang schoolmate niya. At kung talaga nga namang paglalaruan ka ng tadhana, kasabay ng paglingon ko sakanya ay ang pagtatama ng mata naming dalawa. At ng mga sandaling iyon ay gumuhit sa mukha niya ang pagkagulat.

That's right Ms. Weirdo. We meet again.

MireyaWhere stories live. Discover now