Hiling

49 0 0
                                        

Sa pagtilaok ng manok ni Mang Karding, gumising si Karina. Umaga pa lamang kasi ay kailangan na nyang maghanda ng makakain sa kanyang pamilya. Si Karina ay isang simpleng babae, kolehiyana at iskolar. Mataas ang tingin sa kanya ng kanyang mga kapitbahay, pati ang kanyang pamilya.

“Sigurado kami anak, ikaw na ang makakapagpabangon sa pamilya natin mula sa hirap” ang bukang bibig ni Aling Pas na syang ina ni Karina.

“Wag kayong mag-alala nay, magsisikap po ako” ang magalang na sagot ni Karina.

            Walang imik namang nagpapakain ng manok si Mang Karding na syang ama ni Karina. Isang tricycle driver lamang sya at ang kanyang ina ay isa lamang labandera. May tatlo pa syang nakababatang kapatid na nasa elementarya at highschool pa lamang.

            Naghain na si Karina, at ang kanyang mga mata ay puno ng pangarap. Sa pagtingin nya sa kanilang maliit na bahay, pinangarap nyang mapagawan ng maliking bahay ang kanyang pamilya, at marahil makapagasawa ng lalaking mamahalin talaga sya, habang buhay. Sa kanyang pagiging tulala, hindi na nya narinig ang sinabi ng kanyang magulang, naghugas na lamang sya, naligo at pumasok sa eskwelahan.

            Iba naman ang buhay nila Sarah, marahil hindi sya mayaman at hindi din sya mahirap, nasa katamtaman sya, pero ang tingin ng madami sa kanya ay isang batang mapalad pag-dating sa pera.. Ang kanyang ama ay isang seaman ang kanyang ina naman ay may ari ng isang maliit na restaurant. Gumising si Sarah nang tumunog ang kanyang telepono, matapos ay naligo na sya kaagad at nagbihis. Sa pagbaba nya ng kanyang hagdan, nahanda na ng kanilang kasambahay ang kanilang agahan. Bumaba ang kanyang mga magulang at sabay sabay silang kumain.

“Make sure you get a high mark this semester Sarah” ang sabi ng kanyang ama.

“Yes daddy” ang kanya namang sagot. Sa kanyang itsura halata ang pagkadismaya, sinisisi nya ang kanyang sarili sa lahat ng kapalpakang ginawa nya sa kanyag buhay at umalis sya sa kanilang bahay na tuliro.

            Sa pag-dating ni Sarah sa kanyang eskwelahan, mga mata ay nakatingin sa kanya kaagad. Hinahangaan sya ng lahat, tinitingala at nais tularan. Magaganda ang grado ng dalaga gayun din ang kanyang itsura pero mas kilala sya sa pagiging isang magaling na mang-aawit.

“Si Sarah, si Sarah!” ang sigaw ng ilang kalalakihan habang tinitignan siyang dumaan sa harapan nila. Ang mga babae naman ay napapairap na lamang sa inggit mahirap kasi syang matapatan.

Sa isang klase ng mga nursing students naroroon si Karina. Kausap nya ang kabarkada nyang si Nene na tubong probinsya. Nakadungaw sila sa bintana ng dumating si Sarah at di kalaunan ay napag-usapan nila ito.

“Hindi ko sila maintindihan, ano ba ang nakita nila sa kanya? Tao din naman sya, normal kagaya natin?” ang sampid ni Nene.

“Maganda kasi Ne, isa pa talented pa. Ang sarap siguro ng buhay nya no? Yung tipong hindi ka invisible” ang sagot naman ni Karina.

“Anong invisible ka dyan, kilalang kilala ka kaya”

“Kilala ng lahat bilang source ng sagot sa exam o kopyahan ng assignment? Ne, anong maganda doon” ang sabi ni Karina habang kunot ang noo. “tuwing exam lang ako kilala, tapos kinakalimutan na pag-nagamit na” ang patuloy pa nyang sinabi.

“Ito talaga ang demanding, at least nga kilala ka. Eh tignan mo ako, walang nakakakilala”

            Natgil ang kanilang pag-uusap ng pumasok si Samuel sa kanilang klase. Halos nalaglag na ang kanilang mata katititig sa binata na syang kaakit akit namang tignan. Pumasok ito at inilapag sa lamesa ng propesor ang ilang mga papel at kaagad namang umalis. Pag-sara na pag-sara ng pintuan, nag-tilian ang ilang babae.

            Sa isang dulo napasigaw ang isang babaeng nag-sabing tinitigan daw sya ng binata, ang ilan naman ay masaya dahil nakasilay sila sa kanilang iniidulo.

“Anak ng wala, saang nilalang ba galing tong si Samuel ang sarap angkinin” ang pabirong sinabi ni Nene.

“Grabe ka naman. OA?” ang nakatawang sagot ni Karina.

“May pa Pa-OAOA ka pang nalalaman eh alam kong sa loob loob mo kinikilig ka na din. Iba kaya ikaw makatingin kay Samuel, ang lagkit ng titig mo parang hinuhubaran mo na!”

“Oh, hindi ah!” ang sagot ni Karina habang pinalo nya ng hindi kalakasan ang balikat ng kanyang kaibigan.

“Wag ka ng umasa girl, ang layo ng agwat nyo at isa pa ang syota nyan si Sarah” ang sabi pa ni Nene.

Biglang nawala ang saya sa hangin at lungkot ang bumalot sa mga mata ni Karina. “Alam ko naman yun eh” ang sabi nya, kahit ang laman pa din ng puso’t isipan nya ay si Samuel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon