one | final

47 2 1
                                        

Present
Maririnig ang malakas na palakpakan sa loob ng simbahan. Sabado ngayon ngunit marami pa ring pumunta at nagbigay papuri sa Panginoon kahit na hindi araw ng Linggo. Isa na doon si Win. Tuwing magagawi siya malapit sa UST, hinding-hindi niya nalilimutan magsimba doon. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang magtapos siya sa unibersidad na ito. Hinding-hindi malilimutan ni Win ang mga araw n'ya dito kasama ang kanyang mga kaibigan.

2013
Unang araw ni Win bilang isang college student. Wala s'yang kasama noon na kaibigan mula high school dahil sa iba't ibang college at universities sila natanggap. Mayroong mga nanatili sa Cavite. Meron din namang mga nag-aral sa Maynila tulad n'ya. Ngunit s'ya lamang ang pumiling mag-aral sa UST kahit na hindi ang dream course n'ya ang kinuha n'ya. Pinili pa rin n'ya ang UST dahil dream school n'ya talaga ito mula noong bata pa s'ya.

Economics.

Walang kaalam-alam si Win kung anong gagawin sa course na ito. Hindi naman kasi gaanong in-depth ang discussion nila dito pati na rin noong 4th year n'ya lang sa high school ito kinuha. Sa school pa naman nila, kung nasa 4th year ka na, medyo petiks na lalo na kapag patapos na ang school year. Pinili n'ya ang course na 'to dahil s'ya ang magmamana ng family business nila sa Makati. What Win didn't know is that he's in for many surprises - both good and bad - dahil sa desisyon n'yang ito.

"Hello, is this seat taken?" 

Tumingin si Win sa kanan n'ya dahil sa boses na narinig. Katatapos lang din n'ya mag-message sa kanyang high school friends. Pagtingin n'ya sa gilid, nakita n'ya ang isang magandang babae na nakatingin din sa kanya. Napatulala s'ya dahil nga sa kagandahan nito. The girl snapped her fingers to bring Win back to his senses. Win stuttered with his reply.

"A-ay sige lang, wala pang nakaupo d'yan," sagot n'ya.

Umupo sa tabi n'ya ang babae at noon lamang n'ya napansin na may isang babae pa pala itong kasama. Pagkaayos ng upo ng katabi n'ya, lumingon uli ito sa kanya.

"I'm Love and this is Film. Nice to meet you," pagpapakilala ng katabi n'ya sa kanilang dalawa ng kasama n'ya. Kumaway si Win sa kanila at nagpakilala rin.

"I'm Metawin, pero Win na lang," pagpapakilala naman ni Win.

Maaga pa naman at dahil first day, alam nilang walang gaanong papasok na professors. Nagpapasalamat din si Win dahil maganda ang schedule n'ya sa first semester n'ya. Dahil morning person talaga s'ya, pabor sa kanya ang schedule nilang 7AM hanggang 12PM. Half day lang sila kaso Monday to Saturday ang classes. 

"Ramdam ko nang madami akong late dito sa first subject natin this sem, sure ako d'yan bro," ika ni Film.

Natawa si Win dahil tinawag s'yang bro ni Film. Nalaman n'yang high school best friends pala itong si Love at Film. Maganda talaga ang magkaibigan kaya naman naglalapitan ang mga lalaki nilang kaklase sa kanila. Minsan nararamdaman ni Win na uncomfortable sila Love at Film kaya s'ya na mismo ang gumagawa ng paraan para umalis o tumigil na kung sino man ang dahilan nito. Unang araw pa lang pero naramdaman ni Win na matagal ang magiging pagsasama nila nito nila Love at Film.

Pagdating ng saktong 12PM, tumugtog ang musika tulad ng sa simbahan.

Ah, angelus nga pala, isip-isip ni Win.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na ang angelus. Nag-inat sila ni Film. Isang prof lang nila ang pumasok at sa major subject pa nila.

"May pupuntahan ba kayo after class?" tanong ni Win kay Love, Film, Khaotung, JJ, at Pluem.

Ang tatlong nadagdag sa kanilang barkadahan ang mga lalaking natatanging hindi naging uncomfortable sila Love at Film. Mababait ang mga ito kahit na may pagka-makulit. Magkakaklase rin sila noong high school. Kahit si Win lang ang walang kakilala talaga sa block nila, masaya naman s'ya na nakilala n'ya ngayon ang mga ito. Sigurado s'yang magtatagal ang friendship nila mula ngayon.

LingonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon