"So lahat ng yon ay palabas lang? Lahat ng yon hindi mo talaga ginusto? Lahat ng pinakita mo sa'kin ay peke?'' Lumuluhang saad ko sa kanya.
"I'm sorry.'' sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Pero hindi ba sumaya ka naman? Sumaya ka naman na nakasama mo ako sa loob ng isang taon? Sumaya ka naman na naging boyfriend mo'ko?''
"Oo. Oo sumaya nga ako. Sumaya ako kasi naging boyfriend ko yung first love ko. Pero kinginang 'yan! Huminga ako malalim at muling nagsalita habang may mga luha pa 'ding tumutulo sa aking mga mata. "Isang tanong, isang sagot. Sa mga pinakita mo ba sa'kin sa loob ng isang taon, kahit isang beses lang....... kahit isang beses lang may totoo ba 'don?''
Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa din siya nagsasalita.
"Sagutin mo yung tanong ko! Oo o hindi lang naman e! Ano ba mahirap sa tanong ko?!''
Sandali siyang tumitig sa'kin at tumingin sa mismong mga mata ko.
"Wala''
"Haha'' tumawa ako ng mapakla. "Ang galing mo ding umarte e no? Alam mo pwede ka na nga mag artista, ang galing mong magpanggap na mahal moko Haha''
"Bakit ba ang drama mo? Hindi lang naman ako ang makilala mo, hindi lang naman ako mamahalin mo ah. Kung maka iyak ka naman akala mo namatayan ka!"
"Oo nga no? Bakit nga ba kita iniiyakan? E hindi mo naman deserve yung mga luha ko! Etong tatandaan mo dadating din ang araw na ikaw ang manghahabol sa'kin. Dadating din ang araw din ang araw na mare realize mong ako pala ang mahal mo!''
"HAHAHAHAHAHA hinding hindi mangyayari yan''
''Ok we'll see'' Saka ang umalis na lumuluha pa din.
Pinapangako ko sa sarili kong magsisisi 'kang pinaglaruan mo lang ako. Darating 'din ang araw na magmamakawa ka sa'kin na balikan kita
