Hera's POV
"What took you so long ?"
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita..ito na naman siya ..nandito na naman siya
"Babe?"
"S-sorry nahirapan kasi ako matulog kanina ie .."
Sabi ko habang nakayuko
Gosh diko talaga siya kayang tignan sa mata!
Bakit ba naman kc ang gwapo niya ?!! Tengene nemen ieeeehh
"Is that so? Come here.."
Sabi niya habang inaabut sakin ang isang kamay niya.
Akmang aabutin ko na sana ang kamay niya ng biglang..
"Gigising kaba Jan o kakalbohin ko yan ano mo ?!"
Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko ang boses ng best friend kong si Danna
"hutaina naman bes! Ayun na ie! Mahahawakan kona siya iehh! Bakit mo naman ako ginising?!"
Inis na sabi ko sakanya sabay padyak ng paa ko
"Gaga! Kahit habang buhay kapang matulog wala paring mangyayari kasi walang poreber! Babangungutin ka lang gaga ka!"
Sagot niya sabay hampas ng unan sa ulo ko
Yeah I know, she's so mean tsk
"aray naman! Kailangan manghampas?! Pag ako nabaog kakalbuhin ko yan ano mo!!"
"Bruha! Anong connect ng hampas sa ulo jan sa matres mo?! Chura nito, maligo ka na nga late na tayo! At FYI lang no nag shave ako kaya dimo makakalbo ang ano ko!"
"Edi ibebenta ko nalang yang lamang loob mo para naman magkapera ako!"
Sabi ko sabay tayo sa higaan ko
"Dami mo talagang alam TSS"
"Hahaha lab u bes muahh"
Hinalikan ko siya sa pisngi sabay takbo papuntang banyo
"Ewwwww!!"
Hahaha tatawa tawa ako habang hinahanda ang panligo ko .
Babe..
Natigilan ako nang bigla kong maalala ung panaginip ko.
Dalawang linggo nadin simula nung mag umpisa ang panaginip ko tungkol sa lalaking yun ..
Nung una ay naglalakad lang ako sa panaginip ko nang biglang may yumakap sa likod ko
Tandang tanda ko pa ang kauna unahang sinabi nito sakin..
"I've been waiting for you for so long ..finally you're here.."
Mula nung gabing yun ay lagi ko nang napapanaginipan ang Lalaking yun..
Nagulat na nga lang ako ng isang araw ay babe na ang tawag niya sakin
Syempre dina ko nag inarte,duh?! Ang gwapo kaya niya!
Gwapo ..
Hayys nakakainis ..pag nasa panaginip ko ako, nakikita ko itsura niya, pero pag gising na ako waley na.. Diko na maalala ang muka niya .. Nakakaasar di tuloy ako makapag day dream sa babe ko hmmp
"hoy bruha! Wag mong subukang matulog Jan sa banyo kundi ipuplush kita sa toilet! "
Napangiwi ako ng marinig ang sinabi ni Danna
Grabe talagang babaeng to kaaga aga high blood haiist
"opo maliligo na po!"
"Good"
VOCÊ ESTÁ LENDO
Aurum Academy
FantasiaDahil sa pagiging atribida niya ay napadpad siya sa mundo ng Aurums Mga nilalang na nagtataglay ng ibang ibang klase ng kapangyarihan At kung gusto niyang bumalik sa mundo niya ay kailangan niyang maging studyante sa Aurum Academy dahil nanduon ang...
