Part 2

15 1 7
                                    

Habang pinagmamasdan ang larawan na in-upload ng babaeng
bumihag sa kanyang puso ay naalala ni Julian ang araw kung kailan niyang
unang nasilayan si Gwen.

"Julie Rebualos"

Walang sumagot. Ilang beses pa niyang inulit ang nasabing
pangalan pero wala pa ring nagtaas ng kamay o tumawag ng kanyang
pansin. Bumuntong hininga, dala ng koning pagkainis, nilakasan pa niya
ang tinig. Ang kaninang malambing at kalmadong boses ay napalitan ng
sigaw ng animo'y isang pulis sa gitna ng isang hostage crisis habang pilit
pinapasuko ang suspek sa pamamagitan ng pagbabantang napapaligiran
na siya. Tulie Rebualos!!! Sino si Julie Rebualos?"

Kanina pa sana gustong magtaas ng kamay ni Julian. Rebualos ang
apelyido niya pero sigurado siyang hindi Julie ang nakasulat sa kanyang
birth certificate. At isa pa, mukhang hindi magandang ideya na makilala
siya ng kanyang mga kaklase bilang si Julie, lalo na't unang araw ng klase.

"Anak ng kamoteng kahoy, sino ba kasi si Julie?" Napatanong din
siya sa sarili.

Tumayo na ang professor, ang siyang nag-utos kay Helena para
basahin ang official list ng mga enrolled sa nasabing subject at bilang
roll call na rin.

"Sige na, lampasan mo na ang ligaw na kaluluwa na yan."

Understatement ang sabihing maganda si Helena. Maputi. Medyo
matangkad. Chinita ang mga mata (malamang, alangan namang
ilong) at maganda ang pangangatawan (ibig sabihin seksi, hindi yung ma-masel-masel). Gunggong lang siguro ang hindi hahanga sa kanya,
unang tingin pa lang sa mala-anghel niyang mukha. On the other hand,
gunggong lang din naman ang mahuhulog sa patibong ng "love at first
sight" at seseryosohin ang isang pangarap na sana, dumating ang araw,
pangalan mo ang maging kadugtong ng "in a relationship" status niya
sa Facebook.

Tuloy ang basa ni Helena ng mga pangalan sa listahan, kasunod
ang tinig ng bawat estudyante sa loob ng silid para ipaalam na sila yung
tinatawag. Samantala, abala naman si Julian sa paghalukay sa kanyang
puso, habang nakatitig sa dalagang nakatayo sa harapan.

Sino ba siya? Bakit ang ganda niya? Ang puti. Parang papaya soap
ang panghimagas tuwing tanghalian. May lahi kaya silang Kastila o
ipinaglihi lang talaga siya sa isang albino na phyton? Hindi eh, singkit
yung mga mata. Teka, sinakop din ba ng mga Espanyol ang China
kung saan nagkakilala ang kanyang mga magulang at siya ang naging
pambihirang bunga?

Seksi. Health conscious siguro. Mukhang di siya mahilig sa deep
fried isaw o tokneneng. Baka vegetarian at puro lumpiang sariwa ang
binabanatan. Bakit ang kinis ng mukha niya? Walang bahid ng tigyawat
o kahit tangkang pagtubo ng isang mapangahas na blackhead. Baka
may sponsor na beauty clinic o di naman kaya ay may milagro ang
tubig na dumadaloy sa kanilang gripo na kanyang ipinanghihilamos.
Saan kaya siya nakatira? Magkano kaya ang pamasahe niya sa araw-
araw? Ginagamit din kaya niya ang discounted fare ng mga estudyante
at sumisigaw ng "Manong, Cubao lang, estudyante"? Hindi siguro.
Mukhang may kotse. Wala sa kutis nito ang humahabol sa isang
rumaragasang jeep tuwing rush hour.

May boyfriend na kaya to? Malamang. At kung meron man,
malamang wala akong panama. Baka mayaman yun, gwapo at
may abs na hango sa hugis ng mga chocolate bars tulad ng bagong
gumanap na Machete. Pero teka, wala naman siyang necklace na
may hugis pusong pendant kung saan may nakaukit na pinagsamang
pangalan nila ng kanyang jowa tulad ng "Johnlyca" na madalas
naka-vandal sa mga upuan ng bus. Wala rin siyang singsing na may
malaking bato na senyales ng pagiging engaged. Base sa kanyang
bewang, wala pa naman siguro siyang anak. Pero kung sakaling meron,

okay lang sa kin yun. Handa akong maging stepfather ng kanyang mag
supling. Babasahan ko sila ng mga fairytale at tuturuan kong mag-bike
papamukha ko sa kanila araw-araw kung gaano ako kabuting ama at
kung gaano kakupal ang kanilang tunay na tatay. Sa ganoong pargan
papayag silang magpakasal kami ng kanilang napakagandang ing, Per
teka, saan kaya niya gustong ganapin ang aming pag-iisang dibdib?
Sa beach? Sa ilalim ng tubig? Sa may bunganga ng bulkan habang
napapaligiran ng nagbabagang lava? Sa hardin? Sa loob ng isana
petshop ? Sa loob ng phonebooth habang nakasabit nang patiwarik sa
helicopter na parang basang mga medyas na pinapatuyo? Ano kayang
gusto niyang kulay bilang motif? Blue? Blue green? Dark blue? Acid
blue? Neon green? Turq... Turquo... Turqiu.. uhmmm, red? Pwede rin
namang may theme, halimbawa, pang-Lord of the Rings ang dating,
Siya ay naka-costume ng mala-diyosa at matulis ang dulo ng tenga na
parang si Arwen. Ako naman, magpapahaba ng buhok at hindi mag-
aahit ng mga tatlong buwan, hanggang Sa magmukhang ermitanyong
hindi alintana ang konsepto ng personal hygiene, upang maging ala-
Aragorn. Sino naman kaya ang mga iimbitahin naming ninong at ninang
sa kasai? Mga pulitiko? Artista? O magician sa perya? Kung sakaling
magkaanak na kami, ano kayang magandang pangalan ? Hay.. Sana
alam ko ang e-mail address niya.

Hopia At Kamote Where stories live. Discover now