Flower

9 0 0
                                        

April's POV

Nagising ako dahil sa boses ni mama. Galit na naman siya, nag away na naman ata sila ni papa. Parang hindi na bago itong pangyayari sa akin, sanay na ako sa buhay kong ganito simula noong namatay si ate Feb. Umaga pa nga lang ganito na agad ang bumungad sa akin, parang ayaw kong nang pumasok. Hindi naman kami ganito dati. Masaya palagi ako tuwing gumising ako sa umaga. Si mama naman palagi nya kaming  pinagluto ni papa at ni kuya June. Kaso bigla lang itong naglaho na para bang yung buhay ko na puno ng kulay dati naging black and white nalang.

*kumatok sa pinto*

"ading gumising na po kayo tawag na kayo ni sir, kain na daw baka malate pa kayo" sabi ni nanay Ody. isa sa pinakaclose ko na kasambahay namin. Baby palang ako nagtatatrabaho na siya sa amin.

Gusto kong magkulong nalang sa kwarto ko pero kahit anong gawin ko hindi ako ang masusunod, palaging si papa. Kaya wala akong magawa at simulan ang araw kong walang kasaya saya.

"Opo sabihin mo kay papa maliligo lang ako at mag-aayos" ani ko.

binuksan ni nanay Ody ang pinto at sumilip "Uy uy uy wag mong kalimutan ngumiti, maikli lang ang buhay para sumimangot ka lang dyan. Wag mong pansinin mama't papa mo."

"Nanay naman oh, oo naman life is too short kaya maliligo na ako haha" kumuha ako ng tuwalya at dali daling pumasok sa banyo kasi baka mapaluan na naman ako sa pwet ni nanay.

"Itong batang to talaga.." at umalis na patungong dinning area.

Akala nyo nakalimutan kong magpakilala sa inyo no? Hindi yun mangyayari, hi ako nga pala si April Ferrer, 17 anyos palamang at opo senior high school palang ako. Tatlo kaming magkakapatid, bunso ako. Ang panganay namin na si ate Feb ay iniwan na kami 6 taon na ang lumipas. Naaksidente si ate ko sa murang edad na 20, hindi man lang naranasan ni ate na magkapamilya binawian na agad siya ng buhay. Buong pamilya ko ay sobrang lungkot noong nawala si ate Feb. Kompanya ni papa ay malapit nang bumagsak noon dahil sa depression. Si mama naman isang magaling na doktor, ng dahil sa galing minsan nalang siyang umuwi sa bahay. Binuhos nya lahat ng lungkot nya sa trabaho. Lumaki ako na walang magulang sa tabi ko.

"Ang tagal mo naman nak anong oras na malalate na tayo, kumain kana" sabi ni papa.

"Sorry po" sabi ko.

Ngumiti si kuya June sa akin na para bang sinabi nya na okay lang yan. Si kuya nalang ang nakakaintindi sa akin kaya sobrang iniidulo ko siya. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.

"Pa, mauna na po ako ang daming gagawin sa school eh" sabi ni kuya. Graduating na si kuya sa kursong Business Ad. Oo siya ang susunod kay papa bilang CEO. Hindi na ako magtataka pa.

"Sige anak mag ingat ka, sabi ni manoy edgar nasa labas na yung sasakyan mo" sabi naman ni mama.

Oo, may car si kuya at ako narin kaso nga lang di ko pa magamit kasi 17 palang ako. Ganun kami kayaman. Bahay namin ay parang mansyon na may napakamalawak na bakuran. 3 floors ang bahay namin at 10 lahat ng kasambahay, si nanay Ody yung pinakamatanda at nagmamanage sa lahat.

Sa kasalukuyan, isa akong grade 12 students sa isa sa pinakamamahaling paaralan sa Cebu City na ang University of San Carlos. And yes taga Cebu ako, alam ko paano mag bisaya dahil 10 years old palang lumapit na kami dito.

"Anak, mag ingat ka ah? Text ka kay manoy edgar kung magpapasundo kana" sabi ni mama galing driver seat. Nandito na kami sa school.

"Opo ma" tsaka lumabas sa kotse at nagtap ng ID tsaka pumasok sa gate.

Wala talaga ako sa mood ngayong araw. Lalo nat si mama nagpapanggap na okay lang na kahit alam ko na hindi. Kaya ayaw kong maglabas ng hinanakit ko sa kanya kasi baka magdagdagan ko lang ang problema niya. Hayyy buhay nga naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hello, SunsetsStories to obsess over. Discover now