Don't worry. Okay lang ako.

Start from the beginning
                                    

Siya: (sent a photo)

Nakita mo yung mukha niya. Nakahiga sa kama. Nakatingin sa 'yo habang nakangiti. Yung mga matang nagustuhan mo. Yung labi niyang nakakurba na nagsasabing masaya siya sa mga oras na iyon.

Siya: Gusto ko lang sanang magpasalamat sa 'yo dahil ikaw ang dahilan kung bakit sobrang saya ko ngayon. Napakaswerte ko kasi dumating ka sa buhay ko. I love you.

Biglang tumalon ang puso mo. Kung wala lang siya sa loob ng katawan mo, malamang tumalon na yun palabas sa bintana ng kotse dahil sa sobrang kilig. Nanginginig ka hindi dahil sa lamig ng panahon kundi dahil hindi mo alam ang isasagot. Hindi mo nga alam kung bakit napakaswerte mo sa araw na ito. Yung gusto mong tanungin ang universe kung ano ba ang nagawa mo para ganituhin ka niya. Nanalo ka ba sa lotto ng buhay? Naka-jackpot ka ba sa roleta ng tadhana?

Ikaw: Salamat sa appreciation! Grabe! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. I love you too!

Finally, nakarating ka na sa bahay niyo. Dumiretso ka na sa kwarto, nagbihis at humiga sa kama. Kung nakakapagsalita lang ang kisame, sigurado akong tatanungin ka niya kung bakit hindi mawala ang ngiti sa mga labi mo.

Best day of your life!

Hindi mo na namalayang nakatulog ka na pala. Dumating ang umaga. Minulat mo ang mga mata mo at ang una mong ginawa ay ang kapain ang cellphone na nasa gilid ng kama mo.

Sana gising na siya. Sana nagtext siya. Sana nagchat siya. Marami pang mga SANA ang gustong lumabas sa utak mo pero nakita mo agad na may three messages ka mula sa kanya.

Hindi mo na naman napigilan ang ngiti sa mga labi mo. Ang aga-aga, kilig na kilig ka. As usual, dahil maaga ang pasok niya, mas nauuna siyang magising sa 'yo kaya nauuna siyang mag-text ng good morning, kumain ka na at enjoy ka ngayon sa mga lakad mo. Ganyan yung araw-araw na sumasalubong sa umaga mo.

Hanggang sa may natanggap kang text message mula sa common friend niyong dalawa.

Friend: Uy! Ingat ingat sa mga tao sa paligid mo ah.

Ikaw: Ha? Para sa akin ba yan?

Friend: Oo! Basta! Hindi lahat ng nasa paligid mo ay totoo sa 'yo.

Bigla kang kinabahan. Ang daming naglalaro sa utak mo. Sino yung tinutukoy niya? Ano yung ibig niyang sabihin?

Ikaw: Hala! Ano yun? Sabihin mo na.

Friend: Alam kong may kausap ka. I don't know kung sa text o chat man yan. Basta, mag-ingat ka.

Noong mga oras na yun, lahat ng good vibes cells sa katawan mo ay nawala. Napalitan ng kaba at panginginig. Alam mo sa sarili mong kilala mo yung sinasabi niya pero umaasa ka pa rin na sana hindi tama ang hinala mo, na lahat ng mga masasayang nangyari sa 'yo nitong mga nakaraang araw ay totoo.

Ikaw: Siya ba?

Wala kang binigay na pangalan. Noong mga oras na yun, bigla kang natakot banggitin ang pangalan niya. Alam mong alam niya kung sino yung tinutukoy mo.

Friend: Unfortunately, yes. Sino pa ba? Siya lang naman yung common friend natin e.

Ikaw: Paano mo naman nasabing mag-ingat ako sa kanya?

Kompirmado ngang siya na yung tinutukoy ng kaibigan mo. Sa mga oras na yun, ang tangi mo na lang nagawa ay ang kwestiyunin kung bakit niya yun nasabi. Umaasa ka kasing baka mali lang yung pagkakakilala niya sa taong nagparamdam sa 'yo ng kakaibang kasiyahan. Nasa unang stage ka na ng heart break, ang indenial.

Kunwari, Hindi Na Lang Ako Nasaktan.Where stories live. Discover now