Kiss Me - One Shot (Part Two)

2.2K 50 3
                                    

Ahahaha. Ang adik lang. Oneshot tapos inabot ng more than two months ang update. Sorry. I have been busy :/

Pi Ey, for you <3

_________________________________________________________________________

Nabalikwas ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.

“Araw?” sabi ko habang nag-iinat. “Shocks! Ang pagkain ni Rei!” Lumabas na ako sa kwarto ni Rei para pumunta sa kwarto ko. Wala na naman din akong magagawa eh, nakaalis na si Rei.

“Nakakahiya ka talaga, Aya. Nakita ka pa niyang yakap-yakap mo siya. Nakakahiya! Ano na lang iisipin niya?” Sabi ko sa sarili ko habang binabaybay ang pasilyo patungo sa aking kwarto. “Tapos kung kelan ka niya kelangan, dun ka pa papalpak. Tsk! Ang tanga ko talaga. Paano pag di yon nakakain nang mabuti? Paano pag nahimatay yon? At bakit ba siya pumasok pa ng trabaho eh alam naman niyang may sakit pa siya? Ganun na lang ba talaga niya kagustong layuan ako?”

Nasa harap na ako ng aking kwarto pero di ko pa din binubuksan ang pintuan. “Ang tanga mo, Aya. Syempre oo! Umasa ka pa kasi!” Sabi ko habang iniuntog ang ulo ko sa pinto ng kwarto ko habang lumuluha.

Pumasok na ako sa kwarto at naligo. Makalipas ang kalahating oras, lumabas na ako para kumain. Kagabi pa kasi walang laman ang tyan ko kasi binantayan ko si Rei.

Napahinto lang ako nang makita kong may pagkain na nakahanda. Umuusok pa nga. “Nagpadala ba si kuya ng pagkain kasi alam niyang di ako nakakain kagabi? Ang sweet naman ng kuya ko.” Sabi ko nang may ngiti sa labi at umupo na.

Ngayon lang talaga ako nakakain ng masarap na breakfast. Hindi din kasi ako magaling magluto. *SIGH* Pero ang sweet talaga ng kuya ko. Merong bacon, eggs, ham, toasted bread tapos milk. Ang sarap!  Masarap din tong milk, di masyadong matamis, di rin matabang.

“Andito kana pala. Di mo man lang ako tinawag.”

Napaubo ako at naibuga ko yong gatas na iniinom ko.

“Ahm R-rei. Akala ko kasi pumasok ka ng opisina. W-wala ka na k-kasi pagkagising ko. Lika ka, k-kain ka. Nagpadala s-si kuya ng pagkain. Masarap.” Nauutal na sabi ko habang pinupunasan  ang nagkalat na gatas sa mesa at sa damit ko.

“Ako nagluto niyan.” Sabi niya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang pamunas mula sa akin at sinimulang linisan ang mesa. Pagkatapos kumuha siya ng bagong malinis na pamunas at lumuhod sa harap ko.

“Rei..” Sabi ko na tipong pinipigilan siya sa kanyang gagawin.

“No.. Let me.” Sabi niya at pinunasan ang aking mukha tapos sa kamay at sa aking mga hita. Nang matapos siya, umupo na siya sa katapat kong upuan. “Kumain ka pa. Ako nagluto niyan. Hindi ang kuya mo.”

“Ahmm. G-ganun ba, Rei? M-masarap siya.” Sabi ko at patuloy na kumain nang nakayuko. Ito ang unang pagkakataon na kasabay ko siyang kumain na kaming dalawa lang. Ang awkward. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko tapos naalala ko pa yong nangyari kagabi.

“Ahm.. Okay ka na ba, Rei? Wala ka na bang s-sakit?” tanong ko at tumingin sa kanya saglit.

Nakita kong ngumiti siya. “Wala na. Maganda na ang pakiramdam ko. Meron kasing nag-alaga sa akin kagabi.”

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. “Ahm.. pasensya na kung nakatulog ako dun sa kwarto mo. Hindi kasi kita maiwan kasi ang taas ng lagnat mo kagabi tapos ungol ka pa ng ungol. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pasensya na talaga. Di na mauulit yon.” Kagat-labi kong sabi. Nakapagsinungaling ako. Sorry po, Jesus.

Hindi siya sumagot pero ngumiti siya.  Ilang beses ko bang nakita ang ngiti niyang yon sa araw na to? This must be my lucky day.

“Ah, di ka ba papasok, Rei?” tanong ko sa kanya

“Hindi. Magpapahinga muna ako ngayon. Tutal, natapos ko na naman ang mga dapat gawin sa opisina. Kaya siguro nangyari kahapon kasi non-stop yong pagta-trabaho ko.”

“Ah. Ahhh. Okay. Mabuti nga na magpahinga ka. Ahm.. Rei, babalik na ako sa kwarto ko. Iwan mo na lang yong mga pinagkainan. Huhugasan ko na lang mamaya.” Nilagay ko na yong pinagkainan ko sa lababo. “Ahm anong gusto mong ulam mamayang tanghali? Magpapa-order na lang ako. Hehehe. Baka kasi di mo gusto yong luto ko. Kelangan mo pa namang kumain ng marami para lumakas kana.”

“Dito ka lang.” Hindi ko namalayan na nakalapit na siya at sa mismong tenga ko pa siya bumulong. “Tsup.”

 

 

Holy God! Napatindig ang lahat ng balahibo ko paghalik niya sa leeg ko. “Dito ka lang.” Sabi niya uli at niyakap ako ng mahigpit. Isinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko at muling hinalikan.

Literally, di ako makakilos. Halos lumabas na rin ang puso sa sobrang kaba. “Ha? Ahm okay ka lang, Rei?”

“I’ve never been better. Lika, tuturuan kitang magluto.”

Napano ba si Rei? Ganun ba epekto nung sakit niya sa kanya? 

_______________________________________________________________________

Okay, may part three pa. POV ni Rei. Sana matapos ko na xa.

Kiss Me - One ShotWhere stories live. Discover now