Prologue

4.7K 31 3
                                    

KEISHA'S POV

"Sigurdo ka ba talaga dito?" Tanong ng kaibigan kong si Cendra habang titig na titig sa akin.

"Oo naman. Madali lang naman iyon." Sagot ko kaya natawa siya.

"Para sa pera, girl!" Aniya ng nakangisi kaya natawa ako ng bahagya. Luka-loka rin talaga ito, e.

"Maganda rin kapupuntahan nito sa pamilya ko."

Pumunta na ako kaagad sa opisina ni Mr. Lee. Sikat siyang businessman kaya dito ko gustong magsekretarya. Alam niyo na... Poging boss. Usap-usapan pang malaki raw magpasahod ang lalaki.

"Miss, pumasok na raw po kayo." Sabi ng babae matapos akong paghintayin ng matagal. Ang daming naka pila kaya dagdag sa init. Hindi man lang kami pinapasok sa loob ng kumpanya.

"G-goodmorning po..." Nahihiyang bati ko sa future boss ko. Hm-mm, I'm that confident. Duh! Makalaglag panty ang kagwapuhan ng future boss kong ito.

Grabe!

"Have a seat." Sabi nito, hindi man lang ako binati pabalik ng 'goodmorning'.

Ibinigay ko kaagad sa kaniya ang hawak kong envelope pero pinag taasan niya lang ako ng kilay. Problema nito?

"Did I told you to hand me that already?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Napaka yabang naman. Sayang ang mukha.

"What's your name?" Seryosong tanong niya habang titig na titig sa akin.

"Nandito ho sa envelope kong dala ang informations ko, Sir." Magalang kong sabi saka iniabot ulit sa kaniya ang envelope kong hawak. Tinitigan niya lang iyon at tinaasan na naman ako ng kilay.

"You have a mouth, right? Can't you answer me using your mouth?" Sarkastikong tanong niya kaya mariin akong napapikit.

"I'm Keisha Tanaka, Sir." Magalang na tugon ko habang ka eye-to-eye ang future boss ko.

"You're Japanese?"

"Yeah. I am half Filipino and half Japanese." Sagot ko habanag hindi iniaalis ang paningin sa kausap.

"Who is the Japanese? Mommy or Daddy mo?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

"Si Daddy po." Sagot ko kahit obvious naman sa apelyido ko.

"Ilan kayong magkakapatid? Where are your parents? Where tou live?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Hinay-hinay naman. Bwiset na 'yan..." Bulong ko habang nakaiwas ng tingin sa kaniya. Sinabi na kasing basahin niya nalang ang laman ng envelope ko para hindi kami tumatagal rito.

"Are you saying something, Ms. Tanaka?" Tanong niya kaya napairap ako ng pasimple.

"Nag-i-isa lang po akong anak ng mga magulang ko. Wala na rin po sina Inay at Itay. Sa kaibigan ko naman po ako nakatira." Sunod-sunod ko ring sagot.

"Akin na iyang envelope mo." Sabi niya kaya inabot ko na ang envelope kong akala ko ay useless na. "Tatawagan ka nalang ng secretary ko kapag tanggap ka."

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterWhere stories live. Discover now