"Jinyoung naman eh!" mangiyak-ngiyak kong sabi. He laughed and patted my head.
"May nakakatuwa ba don, ha?!" inis kong tanong. He smiled and nodded.
"Yes, yung reaction mo." inirapan ko siya at nauna na papasok ng building
"Puyat ka na naman?" he asked ng makapasok kami sa elevator.
"Kailan ba hindi?"
"May point," napairap ako dahil sa sinabi nya.
"What did you hear this time? What did you see?" napasandal ako sa dulo ng elevator ng tanungin nya iyon.
"It was me and a guy. Take note, gwapo yung lalaki."
"Mas gwapo sa akin?"
"Ang kapal ng mukha mo, hindi ka gwapo," sabi ko sa kanya kaya napairap siya.
"Tuloy mo na,"
"Tapos may liwanag like a really bright light tapos hawak nya yung kamay ko. Ang weird nga kasi you know me, hindi ako basta basta sumasama pero nung nilahad nya yung kamay nya, agad kong pinatong ang kamay ko,"
"Gwapo kasi," agad ko siyang hinampas ng bag ko at nagpatuloy ulit sa kwento.
"Tapos pagpasok namin doon napunta kami sa isang gubat? Madaming bulaklak tapos dumaan kami sa gitna ng tubig tapos nakarating kami sa mas madilim na lugar na puro kandila and all that tapos papasok palang kami dun sa malaking gate, nakarinig na ako ng iba't ibang boses. Palakas sila ng palakas, " sabi ko at tiningnan ang reaksyon ni Jinyoung.
"Kumain ka ba?" agad ko siyang kinurot at naunang lumabas sa elevator.
"Hoy masakit ha! Nakakailan ka na,"
"Eh nagsasabi naman kasi ako ng totoo," sabi ko at binaba ang gamit ko sa upuan ko.
"Nanaginip na naman siya?" Wheein asked Jinyoung kaya tumango naman ito.
"Jisoo, alam namin na nagsasabi ka ng totoo, okay? Promise. Kaso ang hirap maniwala kasi wala namang ganon dito, ni hindi pa namin nakikita,"
"Panaginip nga diba?"
"Pero palagi mong sinasabi na parang totoo," Wheein said kaya natigilan ako. I sighed and smiled.
"Sige na, magt'trabaho na ako. Sunduin nyo nalang ako dito kapag lunch na."
YOU ARE READING
Voices
FantasyThis is the narration for my au in twitter 'Voices'. Follow me @_morkmorkmork_ if you want to know the whole story!
