Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

.Uno

95 0 0
                                        

🕯🕯🕯🕯

Gun


Sa tanang buhay ko, isang beses pa lang akong nagmahal. At sa isang beses na yun, ibinigay ko lahat ng sarili ko. Kaya naman dahil sa isang beses na pagmamahal na yun, isang beses lang pala akong lalagpak ng todo.

Isang beses lang pala ang kailangan.

Yung isang beses lang pala yung sisira sa'kin.

San ba ako nagkulang para iwan niya akong luhaan? May mali ba sa'kin? Ba't parang ganun ganun na lang para kung itapon niya yung ilang taon na pinagsamahan namin?

Kung dati, natatawa ako sa tuwing naririnig ko ang mga cliché na linyahan na yan sa mga pinikula. Napaka-O.A. ng mga character. Sa dinami-raming tao sa mundo, why stick on someone who'll choose to break you diba?

Or so I thought.

You'll never know if that person whom you entrusted your heart would took care of it or would turn his back at you.

Only time will tell.

4 years. I was in a relationship with him for 4 years.

Nagsimula kaming mag-date nung 2nd year college pa lang ako. I was quiet and timid that time. Di ako magaling makipag-socialize at napakaliit ng confidence ko sa sarili ko. Mahirap sa'kin na makipagsapalaran dahil sa ugali kong yun.

That's when I met him.

Alam niyo yung typical scenario sa movie kung saan naiwan yung payong ng isang character tas biglang may mag-ooffer para payungan sila?

Nangyari rin sa'kin yun.

Simula nun, sa tuwing nakikita niya ako sa loob ng campus, he would occasionally greet me. Yung mga small encounters na yun led us to be closer to one another.

Pero yung pinaka-nagustuhan ko sa kanya ay yung tinuruan niya ako kung pano ko mamahalin yung sarili ko. He gave me that confidence na I didn't know meron pala ako. I wouldn't be where I am if not for him.

So sa apat na taon na yun, akala ko siya na.

Lol, that was a foolish thought.

Flashes of the what happened earlier this morning imprinted on my unconscious mind.

Gustong gusto kong kalimutan yung nakita ko kanina pero paulit-ulit kong naalala yung nangyari na parang sirang plaka. 

Natulala lang ako habang pinagmamasdan ko siyang hinahalikan yung ibang babae sa harap ng gate nila. 

Tila nanigas ang buong katawan ko at napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. 

Nabingi ako at nabalot ang ako sa panandaliang katahimikan. Hindi ako makahinga. May parte sa akin na gustong sugurin silang dalawa pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit. Patuloy ko lang silang minamasdan kahit na sa bawat segundong lumilipas, parang pinapako ang puso ko.

Hindi ko naman namalayan na tumutulo na yung luha ko. 

Paanong nangyari 'to sa'kin?  

Mabilis kong pinunasan ang mainit na luha na dumadaloy sa aking pisngi. 

Gusto ko silang harapin ngunit wala akong lakas na loob. Naramdaman ko na lang na humahakbang papaatras ang aking mga paa papalayo sa kanila.

Sinabihan na ako ng officemate ko na he was cheating on me with someone else pero hindi pa rin ako naniwala. Yun yung unang pagkakamali ko.

Mitsa (Book 1)Des histoires addictives. Découvrez maintenant