PANANLANDIAN
-----
Inumpisahan sa tamang asaran
Nilagyan ng mumunting harutan
Dinaan sa simpleng usapan
Pero gang ngayon walang labelan
Chat, tawagan ang naging usapan
Di man lang pinangalanan
Ang harutang namagitan
Ito nga ba'y purong landian?
Saya't kilig ay pakaingatan
Wag padaig sa tamis ng kasinungalingan
Isa, dalawa o tatlong buwan
Yan din naman ay pagsasawaan
Sa relasyong namagitan
Meron nga bang hangganan?
Kung sa umpisa, ating babalikan
Wala namang relasyong tutuldokan.
Pilit nilalabanan ang karupokan
Kasi nga usapan walang hulugan
Di naman kasi ito pautangan
Tawag nyan, tamang landian.
Bunga man ng karupukan o kaharutan
O di nga kaya'y iyo lang napagtripan
Ano man ang dahilan, wag tanga sa katotohan
Lahat ng yan ay pawang panandalian
May pa ilabyu babe pang nalalaman
Wiws, tamis ng paglolokohan
Happy weeksary nga, di mo masabihan
Kasi nga, wala naman.
Pananlandian. Panandaliang landian
Fling-flingan o kung ano pa mang tawag nyan
Di mo pa ba pinagsawaan,
Ang relasyong nagtatapos lang din sa sakitan?
