A DIARY LOVE STORY

187 5 5
                                        

Dear Diary,
Hi. Akala ko magiging normal lang yung araw na 'to para sa'kin. Pero naging kakaiba ngayon dahil may nagpaganda ng araw ko at sana araw-araw ganito ;)

Love,
Michelle
_________
Dear Diary,
Hi! Alam mo bang ang saya-saya ko ngayon dahil nakita ko na naman sya! Yun nga lang, nakatingin sya sa iba. Ayts!

Love,
Michelle

-------
Dear Diary,
Hello! My good news ako! Yung lalaking nakilala ko eh klasmeyt ko pala at alam mo ang mas alright sa may alright? Magkatabi na seats namin! Haha kaya ito todo pa-cute ako! Yun nga lang, di nya napapansin dahil di pa din sya sa'kin nakatingin. Pero kahit na at least katabi ko sya at ang lapit-lapit nya sa'kin! Ang gwapo na ang bango pa. Yiiieh!

Love,
Michelle
------
Dear Diary,
Hi! Nakakainis! Bakit ba di nya ako mapansin samantalang ang lapit lang namin?! Kulang na nga lang isubsob ko yung mukha ko sa mukha nya nang makita nya ako eh! Bakit ba di nya ako kayang tignan! Argh!

Love,
Michelle
------
Dear Diary,
Waaah! Ang saya-saya koooo! Wooooh! Partner kami kanina sa pagsasayaw ng sway sa MUSIC. Gosh! Ang lambot ng kamay nya! I got a closer view sa perfect face nya! Grabe nakakahiya lang dahil naaapakan ko sya. Naka-focus kasi ako sa pagmumukha nya eh. Siguro natakot ko sya dahil nakangisi ako sa sobrang saya the whole time na nagsasayaw kami. Pero wala naman syang sinabi kaya mukhang ayos lang naman. Mabait sya eh.

Love,
Michelle
----
Dear Diary,
Hi, 101% ang kaligayahan ko ngayon dahil napapansin nya na ako. Palagi kasi akong nadadapa sa tuwing nakikita o nasasalubong ko sya tapos nakikita ko syang tinatawanan nya ako. Good thing naman yun di ba? At least ngayon, tumatawa sya ng dahil sa'kin. At handa akong madapa ng ilang ulit masilayan ko lang ang ngiti sa kanyang mga labi.

Love,
Michelle
---------
Dear Diary,
Hi! Kinikilig ako ngayon! Nahulog kasi yung ballpen ko tapos dinampot naming dalawa kaya nahawakan ko kamay nya! Nagkatitigan kami tapos...tapos umiwas lang sya ng tingin at bumitaw sabay alis. Waaah! Pangit-pangit ko ba? Maganda naman ako aah! I checked my breath, ayos naman kasi nag-toothbrush naman ako. I smelled my armfit, mabango naman. Bakit ba sya ganitoooo!

Love,
Michelle
-----------

*Yawn*

Tiniklop ko na yung diary ko at nahiga na sa kama ko. Bukas panibagong pahina na naman para sa mini diary ko.

Kinabukasan, pagpasok ko sa room, sya na agad ang hinanap ng mata ko. At nakita ko sya dung nakaupo na! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong umiwas ng tingin. Waaah! Nakakahiya!

Nakayuko akong nagtungo sa seat ko, pero bago pa man ako makarating may nakabangga ako.

"Ano ba Michelle! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Sigaw sa'kin ng babaeng klasmeyt ko. Argh! Ang sungit!

"So-Sorry..."

Sabi ko na nakayuko pa din.

Nagtawanan yung mga klasmeyt ko. At ang mas masakit pati sya, tumatawa din. Pero hinayaan ko lang at naupo na sa upuan ko.

"Lampa." Kahit mahina lang 'yun, rinig na rinig ko! Tinawag nya akong lampa! Dapat ba akong magalit kasi tinawag nya akong ganun? O matuwa kasi at least may pet name na sya sa'kin ngayon?

Hayst bahala na. Dumating na yung teacher namin at nagsimulang magturo. Pero hanggang mag-uwian di nya ako pinapansin.

Ganito naman palagi eh. Papasok ako at uuwing di man lang nya kinakausap. Minsan nga nag-try akong kausapin sya eh.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jan 01, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

A DIARY LOVE STORY (ONE SHOTS)Bağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin