"ISTORYA"

44 15 3
                                        


Pareho niyong binuo ang istorya ninyong dalawa,

Istorya na kong saan inaakalang niyong pang habang buhay na,

Istorya na pinapangarap ng iba,

Istorya na mala Fairy Tale ang ganda,

Pero sa isang iglap ang istorya na inaakala niyong pang habang buhay na matatapos din pala,

Maraming pwedeng mabigla,

Maraming pwedeng mabitin,

Maraming pwedeng magtanong,

Bakit biglang natapos?

At katulad nila, naging ganun din ako,

Pero wala e, kahit ang pinakamagandang istorya na pinaka aabangan nila ay pwedeng masira,

Kapag ang taong bumuo ay dahan dahang naligaw, 

Unti unting nawala, 

Ang istoryang binuo niyong dalawa matatapos lang sa katagang WAKAS,

Wakas na kahit kailan wala ng karugtong pa.

At tutuldokan niyong dalawa

ISTORYAStories to obsess over. Discover now