"ANO ka ba namang Bata ka, kundi ka pa yata pukpukin Ng martilyo Hindi ka pa kikilos!"
Nakapameywang si Aling Nona, Nanay Ni Junel, na nanggagalaiti na sa Galit.
Nakailang balik na kasi Ito sa kuwarto Ng anak para Ito gisingin pero nakababad pa Rin sa Kama Ang binatilyo.
Mabigat talaga Ang katawan Ni Junel. Tirik na Ang araw ay Wala pa Rin siyang ganang bumagon sa higaan.
Kulang na lng ay dumikit sa Kama Ang katawan Ng binatilyo kaya umaatikabong sermon Ang inaabot Niya sa Ina.
"Nasaanna ho ba 'yung 3 in 1 coffee," nasa harap na Ng pagkain ay tinatamad pa yatang ngumuya.
"Hayaan, oh! Nasa tabi mo Lang... Tutukain kana dyan." Nakabuga na lng Ng hangin si Aling Nona sa ipinakitang katamaran Ng anak.
Umingit Ang silya pag-upo ni Junel. Mukhang bibigay na Ang paa Ng silya sa sobrang bigat Niya.
"Aba'y pagkatapos mo Naman diyan ay gawin mo Ang silya.
Tingan mo nga at uuga-uga na d'yan. Maanong pakuan mo man Lang," singhal Ng kanyang Nanay.
Tumayo si Junel para lumabas at iwasan Ang sermon Ng Ina.
Muntik pa siyang mauntog sa nakausling kahoy sa hagdan.
"Kita mo na!" sinundan siya Ni Aling Nona.
"Nagkakandauntog ka na Hindi mo man lamang malagari Ang kahoy sa hagdan. Para tuloy walang lalaki dito sa bahay.
Ang daming gustong ipapukpok at ipalagare Ng Ina.
"Wala naman ho tayong gamit martilyo at lagare," angal Ni Junel.
"Aba'y di manghiram ka... " Ungol Ng Ina.
"Wala ka bang diskarte?"
Napakalaki ng bahay Ng matandang karpentirong si Mang Jayson para manghiram Ng gamit. Kailangan pa niyang tumawid sa mahabang pilapil para marating Ang Kubo Ni Mang Jayson.
Kung Hindi Naman Niya susundin Ang utos Ng kanyang Ina at Hindi Ito titigil sa kadadakdak.
"Pag mamalasin nga Naman..." Angas Niya na nakasimangut at kulang na Lang na pumadyak.
Ganitong katanghalian tapat ay napakainit bagtasin Ng daan sa pilapil. Soon pa yata sa dulo Ng daigdig Ang Kubo Ni Mang Jayson.
Dati Naman kasi ay pakalat-kalat Lang sa daan si Mang Jayson.
Laging nakatambay sa Kanto para maghintay Ng tatawag para magpakumpuni o magpagawa Ng bahay.
Ilang buwan na nga ba niyang Hindi nakikita Ang matandang karpentiro?
Isa, Dalawa, Tatlong buwan? Mayroon na yatang limang buwan...
Binagyo na Ang mga Tao sa lugar nila pero walang lumitaw na Mang Jayson.
Hindi kaya kinain na o kaya naglaho?
Lumabas na si Junel para pumunta sa bahay Ng karpentiro sa bukid.
Mahaba-haba Rin Ang daan na babagtasin nya. Maputik Ang pilapil sa palayan.
Hindi pa man Niya nararating Ang lugar at hingal-kabayo na si Junel. Ang init. Ang tingkad Ng init.
Sa minsan niyang pagpikit at pagdilat ay ibang eksena Ang nakita Niya.
Nakita Niya Ang grupo Ng kabataan na bumaba Ng kotse, pawang duguan.
Magpapakarga daw Ng Gasolina.
Kunusot Niya Ang kanyang mga Mata.
Wala namang gasolinahan sa pilapil.
At lalong walang Tao at sasakyan roon.
Tulog pa yata Ang diwa Ni Junel Kung kaya Kung ano-ano Ang naiisip Niya.
Kung sa anong dahilan ay Parang Naliligaw siya. Ang natanaw Niya ay isang farmhouse at Hindi iyon Ang bahay ni Mang Jayson.
Mula room ay nasubaybayan niyang papasok sa loob Ng pinto Ng abandonadong bahay sa gitna Ng bukid Ang grupo Ng mga kabataan.
YOU ARE READING
KABALAGHAN AT KILABOT (HORROR MINI STORIES)
HorrorSi Mang Jayson gustong sumigaw pero Hindi makasigaw, Lalo pa nga't nadidinig nila Ang tila nilalagareng katawan. Maya-maya pa, humagis sa tabi nila Ang iba't ibang parte Ng katawan. Ulo. Kamay. Braso. Paa. Binti. At Ang kasunod na lumabas ay An...
