Para to sayo, sayo na siyang sa akin ay nagpakilig at nagpa-ibig ngunit nawala ng wala man lang isang salita.
Ang dami kong gustong sabihin
Ngunit alam kong kailanma'y hindi na maipaparating
Sapagkat wala ka naman na sa akin.
Mga kakaibang tibok ng dibdib na noong una'y akala ko normal yun pala ay pahiwatig
Pahiwatig na may nabubuo ng pag-ibig.
Hindi ko akalain na magkakaroon ng ibang kahulugan ang nararamdaman
Tulad ng hindi ko inakalang ang ikaw at ako ay pwede palang maging tayo kaso natakot ako
Hindi ko alam kung para saan ang takot na nadarama
Kung ito ba yung takot na baka masaktan
O yung takot na baka ako lang naman kasi yung may nararamdaman tapos para sayo ay wala lang naman
Baka binigyan ko lang ng ibang kahulugan yung pagbisita mo sa aming tahanan, paggawa o pagtulong mo sa mga bagay na akong nahihirapan at pagtitig mo sa mga mata ko na parang ang lalim ng nararamdaman.
Umaasa ako na sana totoo yung sinasabi nila na sa akin ay may nararamdaman ka
Umaasa ako na sana pwede tayong dalawa kaso hindi pala
Kasi tao ako, multo ka.
Ngayon malinaw na sa akin kung bakit noong una ay may takot na nadarama.
Kasi matapos kang magparamdam ay maglalaho ka rin pala na parang bula
Gusto kong paniwalaan na lahat ng sinabi at pinakita mo ay totoo kaso paano ako maniniwala
Kung simula pagkabata
Ang turo sa akin ay "di totoo ang mga multo"
Ang tanging pinanghahawakan ko lang ay baka dumating yung araw na ika'y muling magparamdam
At sa pagkakataong yun ay hindi mo na maisipang lumisan
Baka lang naman
Baka lang naman kahit papano ay masuklian mo rin ang aking nararamdaman.
YOU ARE READING
FOR HIM
PoetryThese are collections of poems that I and will wrote for him. It consists of my feelings for him. He who arrived. He who taught me how to love. He who made me feel special. He who made me the happiest. He who left And He whom I am waiting to come b...
