"Hindi hu ba kayo nalulungkot na malayo kayo sa mga anak niyo?"








"Hindi. Kasi alam kong maayos na ang buhay ng mga anak ko. Okay na yung video call every night.. Hmm. Alam mo Iha, ako.. kontento na sa buhay ko.. Kasi alam kong nagampanan ko na ng maayos ang purpose ko sa mundo.. Nabigyan na namin ng magandang buhay at edukasyon ang mga anak namin.. Napagtapos na namim silang lahat at ngayon, nakahanap narin sila ng makakasama nila habang buhay.. Ang mga magulang, isa sa biggest purpose natin sa mundo ay mapalaki natin ng maayos ang mga anak natin. Yung joy , greatest lessons in life and heartbreaks.. Nasa kanila na iyon. I mean sila na ang nagbibigay at gumagawa sa sarili nila nun. Andito lang tayo to guide, to protect and to love them. Kaya ngayon, masasabi kong tama ako ng tao na pinakasalan.. Kasi nandidito kami sa sitwasyon na dalawa na lang kaming naiwan. At hanggang ngayon, masaya parin kami.. Nagmamahalan.. Taking care and protecting each other. Ang sarap lang sa pakiramdam na yung dalawa kayo sa unang yugto ng pagmamahalan niyo ay mananatiling dalawa parin kayo hanggang sa paglipas ng matagal na panahon.. Sabi nila walang forever? Believe me iha. Meron."











"Wow."












"Sinasabi ko yan sa mga anak ko, kapag pipili kayo ng tao na makakasama niyo habang buhay.. Dapat doon sa tamang tao. Yung tamang taong nilaan ng Panginoon para sa inyo.. Yung tamang tao na sasamahan ka sa lahat.."









"Ang lalim po pala ng kahulugan niyo sa salitang pagmamahal.."










"Ikaw iha? Bago ba kayo maging mag-asawa ni Ken, anong sign mo na nasabi mong "Ito na iyon. Siya na talaga.." may kilig na tanong nito kaya nagulat ako. Hindi ako makasagot. Parang nag pause ang paligid at tanging malakas na pagkalabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko..











"Po? aahh—-"











"Sorry to ask. Okay lang kahit di mo sagutin.. Feeling ko na-awkward ka. Okay lang kung di ka komportable pag-usapan.. Ito na lang, ipapatikim ko na sayo tong luto ko.." nakahinga ako ng maluwag ng ito na ang nagbago ng topic.. Pumasok kami sa kusina at inabot na niya sa akin si Oslo para maihanda na niya yung baked spaghetti na aminado akong excited na matikman..










"Oh mygosh!!! Sobrang sarap Lola!! Ngayon lang ako nakatikim nito! Ang sarap!! The best! Pwede mo na pong i-benta online! No joke, masarap talaga!"






"Salamat Iha at nagustuhan mo.. "







"My gosh! This is heaven! Wohooo.."







"Nakakatuwa ka naman iha.. Salamat hah! Akala ko'y di na ako marunong magluto nito. Ilang years na din kasing di ko to nagagawa.."






"The best! I swear! Hmmm.. Lola, pwede po ba akong omorder nito? Ipapatikim ko lang po kay Ken.. Ang sarap po kasi talaga.."





"Naku iha, bibigyan na lang kita ngayon para mapatikim mo sa asawa mo.." sabi nito..






"Salamat po Lola——-" napatingin ako sa phone ko ng bigla itong mag-ring..






























Ken's POV





Napahampas ako sa manubela at iritang bumaba ng kotse. Hindi maayos ang araw ko dahil sa trabaho kaya minabuti ko ng umuwi ng medyo maaga.









My Perfect Disasterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن