CHAPTER I

4 1 0
                                        

The Boy With Light Magic

THIRD PERSON'S POV

"Limang Noxian ang namatay... sa Golden crossing!?" Gigil na sigaw ni Darius... ang lider ng kilusang Noxian.

"O-opo..." natatakot na ani ng guwardiya na nag babantay sa lugar na iyon. Nakita niya ang pangyayari. Sobrang bilis ng kilos nito at ni-hindi man lang nila makita ang mga galaw nito. Hindi sila sigurado kung paano nakapasok ang isang rebelyon na ito ngunit isa lang ang nakakasigurado niya...

Hindi ito tao.

"HAHAHAHAHA!" Nadako ang kanilang tingin nang biglang humalakhak si Draven. Nakaupo ito sa isang sirang upuan na yari sa kahoy habang pinaiikot-ikot ang kanyang palakol. Sinabayan nito ng ngisi ang nanggagalaiting mukha ng kapatid.

"Anong nakakatawa... Draven!?"

"Hmmmm..." ngingisi-ngisi at kunwaring nag-iisip na si Draven, "mukhang may matapang na sumusubok sa pamumuno ng Noxian... sa pamumuno mo KING Darius, nakakamangha..." Natatawang anito na binigyang diin ang salitang king na waring nang-iinsulto.

"Tsk..." Angil ni Darius, "tumayo ka at tawagin mo ang commander ng ikatlong hukbo." Utos nito sa guwardiya na agad namang tumalima.

Ilang libong taon nang masakop ng Noxus ang Demacia ngunit ngayon lang may naglakas ng loob na kalabanin ang Noxian. Simula nang mapatay nila ang haring Jarvan ay parang tuta na napasunod na nila ang lahat ng tao sa Demacia.

Iilan lamang ang tumangkang lumaban tulad nila Shyvana, na isang taong dragon, Galio na isang buhay na bato, Quinn, Lux at marami pang ibang malalakas na tao sa Demacia ngunit ang mga ito ay nakatakas at wala na silang balita sa mga ito.

Ang tanging nasa kanilang kamay ay si Garen... na ngayon ay isa nang commander ng pangalawang hukbo ng Noxus.

At ngayon, hindi man nangamba sa balita si Darius... alam niya na ang pagpatay sa kanyang mga tauhan ay isang hudyat ng muling paglaban ng Demacia.

JAGURA'S POV

"Isa pa!"

*SLASH!*

"Mahina yan! Isa pa!"

*SLASH!*

"LAKASAN MO!"

"Tsk!" Hapong-hapo akong huminga at hinigpitan ang katana na nasa aking kamay at buong lakas na sumugod sa aking ama.

"AHHHHHHHHH!!!!!"

*SLAAAAAAAASH!*

"T-tama na..." hapong-hapong sabi ko. Sobrang hina ng boses ko na animo ako mismo ay hindi ko marinig.

"Paano ka sasali sa militar kung ganyan ka kahina!?" Bulyaw ng aking ama sa akin.

Nag e-ensayo kami araw-araw upang mag handa sa pagsali sa ika-sampung taon ng paligsahan sa Noxus. Ito ay ginaganap taon-taon at kung sino ang siyang manalo ay magiging kasapi ng militar ng Noxus.

At limang araw mula ngayon gaganapin ang paligsahan kaya ito ako... binabatak ng aking ama sa pagsasanay. Ang ama kong walang ibang inisip kundi ang isali ihanda sa militar ng Noxus--- nagbabakasali na aangat ang aming pamumuhay sa paraang iyon.

At siyempre... upang tumunog ang apelyido namin sa lahat.

Ang Kasuke clan.

"B-bukas na ama... anim na oras na tayong nag e-ensayo..." pakiusap ko pa.

Nakita ko ang pag igting ng panga nito at ang pagkunot ng noo.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko... tulad ng inaasahan.

"Anim na oras palang iyan! Nanghahapo kana!? Hindi ka mananalo sa paligsahan kung ganyan ka kahina!" Sigaw niya.

"HINDI KO GINUSTO SUMALI SA PALIGSAHANG IYON AMA!"

*SLAAAP!*

Napahawak ako sa pisngi nang malakas na sampalin ito ng aking ama.

Bakit... bakit ganito ka sakin!?

"Kung hindi ka magiging isang sundalo... itatakwil kita. Tandaan mo yan." Mahinahon ngunit mariing ani niya pa bago ako talikuran at umalis.

Napahinga ako ng malalim at napaupo dahil sa panghihina. Ang aking katawan ay parang gulay na nalanta kasabay ng luha na hindi ko namalayang tumulo na.

Simula nang magka-isip ako ay wala nang ibang ginawa ang aking ama kundi ang pilitin akong maging sundalo. Isa siyang retiradong sundalo ng ika-apat na hukbo ng Noxus. Hindi tumaas ang ranggo niya at nanatiling kawal lamang ng tarangkahan ng Demacia.

Ang aking ina ay napatay ng isang Demacian noon at simula non ay lalo akong nasakal sa pamimilit ng aking ama. Wala siyang ibang bukambibig kundi ang paghigantihan ang aking ina at ubusin ang mga natitira pang Demacian.

Ngunit hindi ko yon gusto.

Nasa tamang pag-iisip na ako para alamin ang mga nangyayari sa paligid. Ang Noxus ay sakim sa kapangyarihan. Sa mundong ito, ang Noxus ay ang matinding kalaban ng lahat ng rehiyon.

At kamalasan... isa akong Noxian.

*CLAP!* *CLAP!* *CLAP!*

Bigla akong naging alerto. Mula sa lupa ay pinulot ko ang maliit na bato at tumalikod. Buong lakas ko itong binato sa puno kung saan narinig ko ang palakpak.

"Sino ka!?" Natatakot kong sigaw. Madilim na at wala akong makita ni anino ng kung sino.

Nangunot ang noo ko nang may lumiwanag sa likod ng puno!

L-liwanag!? P-paano... walang anumang kagamitan ang Noxus upang magkaroon ng ganun kalakas na liwanag!

"Sino ka sabi! Magpakita ka!"

Mula sa puno ay nakita ko ang unti-unting paglitaw ng kamay at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang kabuohan nito!

H-hindi... p-papaano!?

"May... m-may kapangyarihan ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa naka-kapang lumitaw. Ang kaliwang kamay nito ay umiilaw na hugis bilog. Hindi ko makita ang mukha nito ngunit sigurado akong kasing edad ko lamang siya.

Dahan-dahan nitong binaba ang hood sa kanyang ulo at ganun nalang ang gulat ko nang ngumisi siya.

"Tsk..."

JAGARA: The Seventh AspectStories to obsess over. Discover now