Chapter 1

61 4 80
                                    

The Start

"Bakit ang init?!" Umagang umaga ay nanggagalaiti na ako. Kainis! Sino'ng pumatay ng electric fan ko? Mapapatay ko, kung sino man s'ya bwesit!

Wala akong nagawa kung hindi bumaba nalang. Pagkababa ko ay walang katao-tao, kaya pumunta ako ng kusina para maghanda ng pagkain.

"Omayghad!" Bigla kong naamoy ang masarap na niluluto galing sa kusina. "Ang bango naman, anong mayro'n at ikaw ang nagluto ngayon?"
Nagtataka kong tanong sa kuya ko.

Totoo naman, once in a blue moon lang kung magluto 'yan ano kayang nakain nito--ay mali 'di pa pala s'ya kumakain.

"Nagluluto lang ng pagkain may special na? Ma-issue ka masyado. Mabuti nga pinagluto kita, kung hindi late ka na naman." Pagrarason niya sa akin.

Aba! Siya kaya 'yung pumatay ng electric fan ko?

"Oo na." Sagot ko na lamang at tinignan siya habang nagluluto.

"Salamat po kuya kong napaka torpe pagdating sa babae." Pang-iinis ko sa kaniya.

Ang tanda tanda na kasi, hindi pa humanap ng jowa. Sad boy tuloy siya.

"Hoy babae!" Sigaw niya at mukhang nairita. "Si Jade Lopez ang kausap mo, umayos ka. Tsaka ano bang oinagsasabi mo na torpe?" Pagmamaang maangan niya.

"Napaka torpe mo, sabi ko."

"Itong sinasabi mong torpe," tinuro niya ang kaniyang sarili. "Marami ng napaiyak na babae 'to." Pagmamalaki niya.

"Wow naman! Anong tropical cyclone warning signal mo, ba't ang lakas ng hangin?" bawi ko sa kanya.

"Bwesit ka! Kapatid ba kita? Kung makaganyan ka...eh, magkamukha lang naman tayo. Kung ano ang sinabi ko gano'n ka rin naman," dami niyang sinabi. Natawa nalang ako kasi may point sya.

"Sige na, ubusin mo na 'yan at para maka ligo ka na. Ang baho mo na, e." ay, wow? Kung makapagsalita, ha!

Binilisan ko na sa pag galaw at 8:30 na. I have only 30 minutes left para maghintay ng sasakyan exactly 9:00 A.M. ang start ng first class ko.

Pucha! Sana naman may sumundo sa akin gaya ng nababasa ko sa libro. 'Yung mala wattpad ba.

Napailing nalang ako sa iniisip ko.

Heto na naman, nag i-imagine na naman ako. Grabe, bakit sa wattpad walang imposible ro'n.

Pagkapasok ko sa school nakita ko kaagad ang presidente ng SSG.

Pa'no ako hindi mag i-imagine kung ang pangalan niya ay Ace, pero iba ang apelyido niya.

"Hi Ace!" sigaw ko sa kanya. Baka hindi na naman n'ya ako pansinin, ewan ko ba kung bingi to o snob lang.

"Oh, ikaw pala..." mukhang hindi niya alam ang pangalan ko.

"Ano?" Hinihintay kong sabihin niya pangalan ko. "Hindi mo alam pangalan ko, no?" Napailing nalang ako.

"Alam ko, pero sino ka nga ulit?"

"Signs of aging na 'yan, pres. Mag lola remedios ka." Pagbibiro ko sa kaniya.

Habang pinipigilan ko ang tawa siya naman ay naguguluhan.

"Hoy! 'Di ko gets." Tiningnan ko siyang naguguluhan. "Lola remedios para sa makakalimutin?" At nang tinanong niya iyon ay napahalakhak nalang ako ng malakas. Kapal ng mukha, 'di'ba?

Iniwan ko nalang si Ace na gulong gulo ang isipan. Bahala siyang mabaliw kaiisip sa biro ko.

Pagdating ko sa classroom namin ay nakaupo na silang lahat at wala pa ang teacher namin, 'buti nalang.

Between Two LiesWhere stories live. Discover now