CAN WE GO BACK?

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumayag siya na ligawan ko siya. As boyfriend and girlfriend- umabot kami ng three years hanggang sa ikasal kaming dalawa..

We have two kids.. tapos ngayon nasa kaniya lahat, hindi ko din makita. Siya nga hindi ko malapitan, mga anak pa kaya namin?

Malapit na kami mag seventh wedding anniversary, pero ganito ang nangyari.

Yung nangyari last time na sinuntok ko ang lalaking yon? Hindi ko naman yun malalaman kung hindi ko siya sinundan ng palihim. Hindi ko siya masisi kasi ginawa ko rin yon sa kaniya.

I cheated on her. Uuwi ako ng lasing, papasok ako sa work ng lasing and have time with other girls. Siya naiiwan dito sa bahay kasama ang mga bata. Siya lang mag isa.

Ngayon alam ko na yung pakiramdam na may kahalikan na iba yung asawa ko. Kase nakita ko. Para kong pinapatay. What more pa kaya kung ginawa nila ang bagay na yon?

Hindi ko maiwasan na hindi mapa luha sa mga naiisip ko.

Gusto ko ng makita ulit yung asawa ko. Gusto ko ng magkasama na kami.

Nag chat ako kay karylle, sabi ko bibigyan ko muna siya ng time makapag isip. Hindi ko muna siya bibisitahin sa bahay ni mama. Babawiin ko naman talaga siya eh, papabalikin ko siya sa akin.

Nag trabaho ako, bumalik ako sa pagiging architect. Inayos ko yung buhay ko. Pagkatapos ko sa trabaho, diretso uwi ako sa bahay namin. Hindi na rin ako umiinom madalas.

Hindi ko namalayan, five months na pala ang nakalipas. At nakaipon na rin ako ng pera. Hindi ko naman kasi ginagastos talaga. Wala na akong bisyo na sigarilyo at alak.

Ngayon, siya naman ang pupuntahan ko. Ipapa suot ko na sa kaniya ulit yung singsing. Nag punta muna ako ng mall para bumili ng mga damit niya at pati na rin damit ng mga anak namin. Bumili din ako ng pasalubong para sa kanila.

Nandito na ako sa tapat ng bahay nina mama, at nag doorbell. Hinihintay ko na lang na may mag bukas ng gate. Nilingon ko ang balcony ng bahay nila at nandoon ang asawa ko.

Tinaas ko ang mga paper bags na hawak ko para ipakita sa kaniya at binigyan ko siya ng ngiti.

"Love!" tawag ko sa kaniya. Yung mga bata nakita rin ako.

"Daddy!" tawag nila sakin.

"Hello! Bumili ako ng pasalubong para sa inyo tska damit!" narinig ko yung tuwa ng mga anak namin.

Akmang lalapit si Eros sa gate para buksan yon pero narinig ko yung boses ng asawa ko.

"No! Bumalik ka dito sa loob ng bahay!" Karylle.

"Love please..kahit yung mga bata lang. Karylle naman oh.. please? Yayakapin ko lang yung mga anak ko. Maayos na yung buhay ko, hindi na ako nag iinom.. hindi na ako nainigarilyo.. Bumalik ka na sakin, kayo ng mga bata."

Ramdam kong nag crack na ang boses ko. Ganun ba ako kasamang asawa para bawian niya ako ng ganito?

" Daddy.. " Aesha. Siya ang bunso naming anak. Nakikita ko yung luha niya na tumutulo, humihikbi na rin siya.

"Tahan na anak. Yayakapin kita kapag okay na, kapag nakabalik na kayo sakin. Susuyuin ko pa si mommy, kase nag away kami diba? Tahan na baby." ngumiti ako sa kaniya.

Kinuha na siya ni Karylle at inakay niya si Eros. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Ma!" tawag ko kay mama zsa ng makita ko siyang umabas ng kanilang bahay. Nandito ako sa tapat ng bahay niya, hindi pa rin ako umuuwi mula kaninang umaga, at ngayon hapon na. Alas tres na ng hapon.

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon